You are on page 1of 3

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

TEKSTONG PERSUWEYSIB
▪ Isang uri ng di-piksiyon na pagsulat upang kumbinsihin ang mga
mambabasa na sumang-ayon sa manunulat hinggil sa isang isyu.
▪ Ang manunulat ay naglalahad ng iba’t ibang impormasyon at
katotohanan upang suportahan ang isang opinion gamit ang
argumentatibong estilo ng pagsulat
▪ Sa pagsulat nito’y hindi dapat magpahayag ng mga personal at
walang batayang opinyon ang isang manunulat.
▪ Sa halip ay gumamit ang manunulat ng mga pagpapatunay mula sa
mga siyentipikong pag-aaral at pagsusuri.
▪ Mas matibay na batayan ito upang maniwala ang mga mambabasa
sa talas at katumpakan ng panghihikayat ng manunulat
▪ Layon nitong sumang-ayon ang mga mambabasa at mapakilos ito
tungo sa layunin.
▪ Halimbawa, sa panghihikayat ng mga gumagawa ng iskrip sa
patalastas, layunin nilang bilhin ng mamimili ang produkto o
serbisyong ibinebenta
▪ Layunin naman ng mga political na kampanya na iboto ang isang
tiyak na Partido o kandidato
Makikita mula sa halimbawang binasa na ang tekstong persuweysib ay
naglalaman ng sumusunod:

1. Malalim na pananaliksik. Kailangan alam ng isang manunulat ang


pasikot-sikot ng isyung tatalakayin sa pamamagitan ng pananaliksik
tungkol dito.
2. Kaalaman sa mga posibleng paniniwala ng mga mambabasa.
Kailangan mulat at maalam ang manunulat ng tekstong persuweysib
sa iba’t ibang laraganp na persepsiyon at paniniwala tungkol sa isyu.
3. Malalim na pagkaunawa sa dalawang panig ng isyu. Ito ay upang
epektibong masagot ang laganap na paniniwala ng mga
mambabasa.

You might also like