You are on page 1of 1

Borlagdan, Lee Matthew P.

Politics, Governance, and Citizenship


BS Mechanical Engineering 2-2

Ipinahayag ni Carlos H. Conde (2022) sa website ng Human Rights Watch na


ang mga awtoridad sa Pilipinas ay nagsasagawa ng isang investigation ukol sa
pagpatay sa isang lalaki na nasa kanilang kustodiya. Sa isang video na nag viral online,
makikita si Police Staff Sergeant Ronald Gamayon na sumuntok kay Gilbert Ranes sa
isang abalang kalsada sa Maasin City, Leyte. Namatay si Ranes sa ospital kasunod ng
matinding head injury.
Ang insidente kung saan ang isang off-duty intelligence officer na si Gamayon ay
umano'y pumatay kay Gilbert Ranes bilang tugon sa mga reklamong theft ay
nagdadala ng mga alalahanin ukol sa kapangyarihan ng mga kapulisan sa Pilipinas.
Bagamat walang record of bad conduct, nananatiling hindi malinaw bakit kinailangan
pang saktan ni Gamayon ang suspek ng pagnanakaw na naging dahilan ng
pagkamatay nito. Ipinapakita ng kaso na ito ang pangangailangan sa malawakang
reporma sa pulisya upang tugunan ang mga isyu ng karahasan at katiwalian, tiyakin
ang responsable at tamang paggamit ng Kapangyarihang Pulisya at pagpapanatili ng
batas, upang muling mabawi ang tiwala ng publiko at paglingkuran ang komunidad
nang may integridad.
Ang Police Power ay isang Inherent power of the State; na sya ring nagbibigay
ng awtoridad sa pamahalaan upang ipatupad ang mga batas, panatilihing maayos ang
kaayusan, at pangalagaan ang kapakanan at kaligtasan ng mamamayan. Ito ay isang
malaking bahagi ng pag-organize ng lipunan at pagpapanatili ng kaayusan at seguridad
sa bansa. Ang Kapangyarihang Pulisya ay nagbibigay sa mga pulis ng awtoridad upang
arestuhin ang mga suspek, magsagawa ng imbestigasyon, at ipatupad ang batas, na
naglalayong mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa lipunan.
Gayunpaman, bilang isang malakas na kapangyarihan, mahalagang mayroong
mga mekanismo ng pagbabantay at regulation upang matiyak na ang Kapangyarihang
Pulisya ay ginagamit nang responsableng paraan at hindi ito magagamit sa paglabag
sa mga karapatang pantao ng mga mamamayan. Ang tamang paggamit ng
Kapangyarihang Pulisya ay nagtatakda ng balanse sa pagitan ng pagpapatupad ng
batas at paggalang sa mga karapatan at kalayaan ng mga indibidwal sa lipunan.

Ang kaso na ito ay nagsisilbing iyak para sa sa malawakang reporma sa pulisya


upang tugunan ang mga isyu ng karahasan at katiwalian, tiyakin na ipinatutupad ng
mga ahensya ng pagpapatupad ng batas ang batas at muling mabawi ang tiwala ng
publiko habang pinaglilingkuran ang komunidad nang may integridad.

Source: Conde, C. H. (2022, December 13). Fatal Beating by Police Roils the Philippines-Off-Duty Officer Captured in Video Assaulting Suspect in Custody. Human
Rights Watch. Retrieved from https://www.hrw.org/news/2022/12/13/fatal-beating-police-roils-philippines

You might also like