You are on page 1of 2

UHAW SA AKSYON

Kakulangan sa aksyon ng gobyerno, sanhi sa tuluyang hindi pag-unlad ng Pilipinas ani


Gonzales
“Walang aksyon ang gobyerno kaya hindi pa rin tayo umuunlad!”
Iyan ang mabigat na patutsada ni Rosemarie N. Gonzales, isang Economy Analysist, sa kanyang
pagtalakay sa kahalagahan ng Sustainable Development Goals (SDG) at ang kakulangan sa
aksyon ng gobyerno ukol dito sa isang mini-press conference na ginanap sa San Teodoro
National High School, Marso 5, 2024.
Sa kanyang talakay, inihayag niya ang pitong layunin ng SDG sa taon mula 2016 hanggang 2030
na pangunahing nakapokus sa kagutuman, edukasyon, inekwalidad, child mortality, maternal
health, paglala ng HIV at iba pang isyu na kinahaharap ng mundo.
Matatandaan na ang SDG ay ang sama-samang layunin ng 189 na bansa mula sa United Nation
para matuldukan ang mga problemang nararanasan ng mga tao at matulungang umunlad ang
bawat isang bansa.
Ngunit, saad ni Gonzales, bagama’t suportado ng Pilipinas ang mga layuning ito, kulang pa rin
sa aksyon ang gobyerno kaya hindi pa rin tuluyang umuunlad ang bansa.
“Mayroon nga tayong Sustainable Development Goals ngunit ano ang halaga nito kung kulang
sa aksyon ang mga namumuno?” ani Gonzales
Nakapokus lang umano ang atensyon ng pamahalaan sa ibang bagay kaya hindi nabibigyang
pansin ang mga hakbang patungkol sa SDG.
“Puro kayo batikos sa Cha-cha. Lagi pang nag-aaway sa walang kwentang bagay. Paano uunlad
ang bansang Pilipinas kung ganyan kayo?” dagdag pa niya.
Samantala, nabanggit rin ni Gonzales na ang kawalan ng disiplina ng mga Pilipino ay isa rin sa
mga balakid sa kaunlaran ng bansa.
“Tapon dito, tapon doon. Anak dito, anak doon. Krimen dito, krimen doon. Hindi lang dapat
gobyerno ang kumilos para sa pag-unlad ng ating bansa. Dapat tayo bilang Pilipino ay
magkaroon rin ng hakbang ukol dito,” saad ni Gonzales.
Kailangan umanong magtulungan ng bawat isa tungo sa kaunlaran ng bansa.

BALAKID SA KAUNLARAN
Mga sanhi sa pagiging kulelat ng Pilipinas sa pag-unlad, tinalakay sa isang mini-press con
Binigyan ng pansin ni Economy Analysist Rosemarie N. Gonzales ang mga balakid sa
Sustainable Development Goals na sanhi umano sa patuloy na pagiging kulelat ng bansang
Pilipinas kumpara sa ibang bansa, sa kanyang talakay sa isang mini-press conference sa San
Teodoro National High School, Marso 5, 2024.
Kabilang sa mga balakid na ito, ang patuloy na pagdami ng populasyon bunga ng hindi
mapigiling teenage pregnancy sa bansa.
“Sa patuloy na pagdami ng populasyon, kasunod nito ang patuloy na pagtaas ng demand sa
pagkain at serbisyo ng mga Pilipino. Pangunahin itong sanhi sa paglala ng kagutuman at
kahirapan sa bansa,” saad ni Gonzales.
Batay rin kay Gonzales, ang patuloy na pagkasira ng kalikasan dulot ng kapitalismo at pag-unlad
ng industriyalisasyon ay isa rin sa mga balakid ng SDG.
“Dahil sa pagrami ng mga pabrikang naglalabas ng masasamang usok sa ating kapaligiran dulot
ng industriyalisasyon. Isa itong malaking sanhi sa pagkasira ng inang kalikasan,” ani Gonzales.
Matatandaan na ang SDG ay ang sama-samang layunin ng 189 na bansa mula sa United Nation
para matuldukan ang mga problemang nararanasan ng mga tao at matulungang umunlad ang
bawat isang bansa.
InIengganyo naman ni Gonzales na dapat nang umaksyon ang gobyerno at mga mamamayang
Pilipino para matuldokan ang mga balakid na ito tungo sa kaunlaran ng bawat bansa.
“Kagaya ng tag-line ng SDG, “No one should left behind”, kailangan sama-sama tayong uunlad
at sama-sama ring magtutulungan para sa kinabukasan ng bawat bansa.

You might also like