You are on page 1of 6

CILLO, PAULINE JOY B.

V. KATUTURAN NG EDITORYAL KARTUN

1. Piliin ang pahayag na maaaring magpaliwanag ng editoryal kartun batay sa sitwasyon ng kalusugan ng
bansa.

a. Ang mga mamamayan ay dapat mag-ingat sa kanilang kalusugan.

b. Ang pagkakaroon ng sapat na nutrisyon ay mahalaga.

c. Ang mga ospital ay dapat magkaroon ng sapat na pasilidad at kagamitan.

d. Ang bawat isa ay may responsibilidad sa pangangalaga ng kanilang kalusugan.

Sagot A

2. Sa anong batayan o isyu sa lipunan nakatuon ang editoryal kartun?

a. Kasaysayan

b. Showbiz

c. Sports

d. Katiwalian

Sagot D

3. Ang mga sumusunod ay hindi karaniwang gamit ng simbolismo sa editoryal kartun maliban sa?

a. Itago ang tunay na kahulugan

b. Palakasin ang argumento

c. Pahayagin ang mensahe nang direkta

d. Upang maipahayag ang pangunahing ideya.

Sagot D

4. Sa konteksto ng editoryal kartun, ano ang nais iparating ng artistang gumagawa kapag ito’y may
kaugnayan sa edukasyon at kaunlaran ng bansa?

a. Ang edukasyon ang susi sa kaunlaran ng isang bansa.


b. Ang edukasyon ay hindi mahalaga sa kaunlaran.

c. Ang edukasyon ay para lamang sa mga mayayaman.

d. Ang edukasyon ay dapat libre para sa lahat.

Sagot A

5. Tukuyin kung alin sa mga sumusunod ang maituturing na taglay ng Editoryal Kartun.

a. Pagtutulak sa Pagbabago

b. Pagpapatawa sa mga Isyu

c. Pagpapakita ng Pagtutol

d. Pagpapakita ng Katotohanan

Sagot A

6. Ito ang pangunahing layunin ng editoryal kartun?

a. Mangatuwiran o magpahayag ng opinyon

b. Mang-akit ng mambabasa

c. Magbigay ng impormasyon

d. Magpatawa o magpaliwanag

Sagot A

7. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang pinakamainam na naglalarawan sa pangunahing mensahe ng


editoryal kartun?

a) Ang kawalan ng pagtutok ng gobyerno sa edukasyon

b) Ang kagandahan ng kalikasan

c) Ang kakulangan ng respeto sa mga matatanda

d) Ang kawalan ng pag-aalaga sa kapaligiran

Sagot A

8. Paano ginagamit ang visual na aspeto ng editoryal kartun upang ipahayag ang opinyon ng manunulat?

a. Sa pamamagitan ng mga salita


b. Sa pamamagitan ng kulay at imahe

c. Sa pamamagitan ng paggamit ng simbolismo

d. Sa pamamagitan ng musika

Sagot C

9. Ano ang tawag sa may malinaw na menasahe, komentaryo o ilustrasyon hinggil sa politika o kahit
anumang isyu sa lipunan?

a. Balitang Pampalakasan

b. Editoryal Kartun

c. Balitang lokal

d. Anunsiyo Klasipikado

Sagot b

10. Sa isang palengke may nakita si Mina na isang pahayagan kung saan nakasentro ang tungkol sa
editoryal kartun na mayroong ilustrasyon o mukha ng pangulo. Ano ang nais ipahiwatig ng kartun na ito
hinggil sa pangulo ng bansa na nakapalibot ng mga asong may tatak na "Legislative Investigation
Committee" sa leeg?

a. Ang pangulo ay sumasailalim sa imbestigasyon ng lehislatura.

b. Ang pangulo ay itinuturing na may-kasalanan ng lehislatura.

c. Ang pangulo ay binabansagan ng lehislatura bilang "Best in Show."

d. Ang pangulo ay nagbibigay ng pabuya sa mga miyembro ng lehislatura.

Sagot A
URI NG EDITORYAL KARTUN
1. Ano ang pangunahing layunin ng editoryal kartun na may temang pang-ekonomiya?
a. Maglahad ng mga balita
b. Mangatuwiran o magbigay ng opinyon
c. Magturo o magpaliwanag
d. Magpatawa o magbigay ng aliw
Sagot B

2. Paano nilalayon ng editoryal kartun na may temang pangkapaligiran na makaimpluwensya sa


mga mambabasa?
a. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng detalyadong datos at istatistika
b. Sa pamamagitan ng paggamit ng malakas na emosyon at simbolismo
c. Sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga larawan ng kalikasan
d. Sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga kilalang personalidad
Sagot B

3. Tukuyin sa mga sumusunod ang isang halimbawa ng editoryal kartun na pang-edukasyon.


a. Isang kartun na nagpapakita ng isang guro na nagtuturo ng leksyon sa klase
b. Isang kartun na nagpapakita ng mga kandidato sa eleksyon
c. Isang kartun na nagpapakita ng isang kumpanya na nagbebenta ng produkto
d. Isang kartun na nagpapakita ng isang grupo ng estudyante na nag-aaral sa silid-aklatan
Sagot D

4. Maipapakita ng isang editoryal kartun ang kawalan ng pang-unawa ng gobyerno sa isang


partikular na isyu sa pamamagitan ng?
a. Pagpapakita ng mga tao na may positibong reaksyon
b. Pagtuturo ng Kasaysayan
c. Paglalarawan ng mga tao na walang pakialam
d. Pangangatwiran sa gobyerno
Sagot C.

5. Ito ang pangunahing layunin ng isang editorial cartoon na tumatalakay sa pang-ekonomiyang


isyu.
a. Magbigay-aliw
b. Mangatwiran
c. Magbigay-kaalaman
d. Manghimok ng aksyon
Sagot D

6. Alin sa mga sumusunod ang isang halimbawa ng editoryal kartun na pang-kapaligiran?


a. Isang kartun na nagpapakita ng isang grupo ng tao na nagbabasura sa ilog
b. Isang kartun na nagpapakita ng isang malaking gusali
c. Isang kartun na nagpapakita ng isang pamilya na naglalaro sa parke
d. Isang kartun na nagpapakita ng isang trahedya o aksidente sa kalsada.
Sagot A

7. Paano naiimpluwensyahan ng editoryal kartun ang pag-iisip ng mga tao ukol sa isang pang-
ekonomiyang isyu?
a. Nagbibigay ito ng magkaibang pananaw
b. Nagbibigay ito ng maling impormasyon
c. Nagbibigay ito ng solusyon sa problema
d. Nagbibigay ito ng positibong pagtingin sa isyu
Sagot A
8. Masasabing ito ang sumisimbolo sa editoryal kartun na pangkapaligiran na nagpapakita ng
pang-aabuso sa kalikasan.
a. Ipinapakita ang mga hayop na nanganganib maubos
b. Ipinapakita ang pagsasama ng tao at kalikasan
c. Ipinapakita ang masamang epekto ng polusyon
d. Lahat ng nabanggit
Sagot A

9. Ano ang kaibahan ng editoryal kartun na pangkalusugan mula sa iba pang uri ng editoryal
kartun?
a. Iba ang damdamin na idinudulot nito sa mga mambabasa
b. Mas eksaherado ang mga imahe at mensahe
c. May mas malalim na kahulugan at layunin
d. Iba ang pagkakaayos ng mga elemento
Sagot C

10. Ang isang halimbawa nito ay maaaring magpakita ng isang politiko na nagbibigay ng
pangako ng libreng healthcare sa mga mamamayan? Anong uri ng Editoryal kartun ito?
a. Editoryal na kartong Pangkalusugan
b. Editoryal na kartong Pangkapaligiran
c. Editoryal na kartong Pampolitika
d. Editoryal na kartong Pang-ekonomiya
Sagot C

You might also like