You are on page 1of 2

Name: Lester Ontolan Date: September 29, 2021

Course: BSBA – MM 1 Score:

Gawain 3

Upang mapalawig pa ang kaalaman ng mga kabataan sa “Wikang Filipino”, dapat mapaigting ang
pagtuturo at paggamit nito sa mga Paaralan, ayon sa “Komunikasyon ng Wikang Filipino (KWF)

Hanapin ang link na ito https://www.youtube.com/watch?v=PWypLTSk27o at panoorin ang


Video na pinamagatang “Investigative Documentaries: Wikang Filipino, Dapat Paigtingin ang Paggamit sa
Paaralan ‘’ng GMA News TV

Pagkatapos panoorin ang video bumuo ng isang maikling “Lathalain” na hindi hihigit sa 400
salita na nakaangkla sa pamagat sa ibinigay sa itaas. Ang maikling Lathalain na mabubuo ay dapat na
may angkop na pamagat at pumapaksa sa temang ibinigay, wasto ang pagbabaybay ng mga salita at
gramatika, malinaw ang paraan ng pagpapahayag, at naglalahad ng mga makabuluhang impormasyon at
mga siniping pahayag na nakabatay sa iba’t ibang Sanggunian. Para sa modelong lathalain , maaaring
sipatin ang mga lathalain sa www.pinoyweekly.org, https://issuu.com/philippinescollegian, at
http://plaridel.ph/

Lathalain

Pamagat: Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino


Ang kursong kontekstwalisadong komunikasyon sa Filipino ay isang praktikal na kursong nagpapalawak at
nagpapalalim sa kontekstwalisadong komunikasyon sa wikang Filipino ng mga mamamayang Pilipino sa kani
– kanilang mga komunidad sa particular, at sa buong lipunang Pilipino sa pangkalahatan. Nakatuon ang
kursong ito sa makrokasanayang pakikinig at pagsasalita, gayun din sa kasanayan sa paggamit ng iba’t ibang
tradisyonal at modernong midya na makabuluhan sa kontekstong Pilipino sa ibang antas at larangan.

Ang Pagtataguyod ng Wikang Pambansa sa Mas Mataas na Antas ng Edukasyon at Lagpas Pa Mga Layunin 1.
Natatalakay ang pinagmulan ng pagkakabuo ng wikang pambansa sa mas lalong mataas na antas nito. 2.
Naihahambing ang kaibahan ng wikang Tagalog sa wikang Filipino sa iba’t ibang gamit at konteks; at 3.
Nakabubuo ng diskursong may kinalaman sa mga usaping pangwika.

Kasaysayan ng Wikang Pambansa Nang dumating ang mga Amerikano, biglang naunsyami ang mithiin ng
mga Pilipino ng itakda ng pamahalaan na ang Ingles ang gawing opisyal na wikang panturo sa mga paaralan.
Ipinagbawal ang paggamit ng bernakular sa paaralan at sa tanggapan. Ito ang dahilan kung bakit simula
noong pananakop ng mga Amerikano hanggang bago sumiklab ang pangalawang digmaang pandaigdig, hindi
umunlad ang ating wika. Ang ating mga lider na makabayan tulad nina Lope K. Santos, Cecilio Lopez, Teodoro
Kalaw at iba pa ay nagtatag ng kilusan na kung saan sila ay naging masigasig sa pagkakaroon ng wikang
pambansa. Nagharap ng panukula si Manuel Gallego na gawing wikang pambansa at wikang opisyal ang
Tagalog subalit patuloy pa ring namayani ang Ingles. Nang itatag ang Komonwelt, nagkaroon ng malaking
hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang pambansa. Ito ay utang natin sa naging Pangulong Manuel
Luis M. Quezon, ang tinaguriang "Ama ng Wikang Pambansa."

You might also like