You are on page 1of 7

MOUNT CARMEL COLLEGE OF CASIGURAN INC,

HIGHER EDUCATION DEPARTMENT


CASIGURAN, AURORA 3204
MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 3

Name of Teacher: JERIC DC. HERMOGENES Section: Narra


Learning Area: FILIPINO Time: 2:20- 3:10
Grade Level: 3 Date: April 2, 2024

I. LAYUNIN
1. Nakikilala ang mga salitang may klaster
2. Nakapagbibigay ng salitang may klaster
3. Makapagpakita ng kasiyahan sa pagsasagot sa mga gawain sa pagkatuto
II. PAKSANG ARALIN

Paksa: Napagsasama ang mga katinig, patinig upang makabuo ng salitang klaster.
Sanggunian: https://youtu.be/eKHjes4dLzA
Kagamitan: pictures, laptop, power point.

III. PAMAMARAAN

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL


A. PANIMULANG
GAWAIN
I. PANALANGIN
Bago tayo mag simula mga bata Ama naming sumasalangit ka,
tumayo mnuna tayong lahat at tayo ay sambahin ang ngalan mo,
manalangin. mapasaamin ang kaharian mo,
sundin ang loob mo,
dito sa lupa pra ng sa langit,
bigyan mo po kami ngayon ng
aming kakainin sa araw araw at
patawarin mo po kami sa aming
mga sala, para nga pagpapatawad
naming, para nga pagpapatwad
namiin sa mga nagkakasala sa
amin at huwag mo po kaming
ipahintulot sa tukso at iadya mo
kami sa lahat ng masama. Amen.
II. PAGBATI
Magandang umaga sa inyong lahat Magandang umaga din po
mga bata.

Maari na kayong umupo

III. PAGTALA SA MGA LUMIBAN


Sino ang wala sa ating klase?
Wala po Sir.
Mahusay!

B. BALIK ARAL Bago tayo magsimula sa ating bagong


aralin ay alamin muna natin kung ano
ang ating huling pinag aralan sa
Filipino. Tungkol saan
ito?
Sir, ito po ay tungkol sa pang-
ukol.
Ano ang pang-ukol?

Pang-ukol ang tawag sa mga


kataga o salitang nag- uugnay sa
Magaling!! isang pangngalan sa iba pang
salitang pangungusap.

Paano ginagamit ang pang-ukol?

Ito ay ginagamit upang matukoy


kung sang lunan o kung anong
bagay ang mula sa tungo, ang
kinaroroonan, ang pinangyarihan o
Mahusay! kina-uukulan ng isang kilos, gawa,
balak, ari o layon.
Ngayon ay dumako na tayo sa ating
bagong aralin.
C. PAGGANYAK
Alamin natin ang mga patinig at
katinig sa ating alpabeto.

PATINIG KATINIG
A, E, I, O, U BCDFG
HJKLM
N Ng P Q
RSTVW
XYZ

Suriin ang mga pangalan ng mga


nasa larawan.

Lapis bolpen krayola

Alin sa mga ito ang mayroong


magkatambal na katinig? Sir, krayola po.

Sa anong bahagi ng salita makikita ang


kambal katinig sa salitang krayola? Sir, sa unahan po.

Mahusay!

Damit pantalon sweter

Alin sa mga salitang ito ang may


magkatambal na katinig? Sir, sweter po.
Mahusay!
Sapatos bakya stinelas

Alin naman sa mga salitang ito ang


mayroong magkatambal na katinig?
Sir, stinelas po.
Mahusay!

Base sa larawang pinakita ano sa


palagay ninyo ang ating pag aaralan? Kambal-katinig

Mahusay!

D. PAGTATALAY SA
ARALIN Ang pag-aaralan natin ngayon ay
tungkol sa
napagsasama ang mga katinig, patinig
upang makabuo ng salitang klaster.

Ito ang ilang klaster o kambal-katinig


na madalas nating nagagamit o
nababasa.

br, tr, dr, gr, pr, pl, bl, kl, kw, dy

Ito ay maaaring nasa unahan, gitna at


hulihan ng isang salita.

KLASTER O KAMBAL KATINIG


Klaster- tawag sa mga pinagsamang
tunog ng dalawang katinig.

- Ito din ay tinatawag ding


kambal-katinig dahil dalawang
kambal katinig ang magkatabi
sa isang salita.

Mga Mga Mga


salitang salitang salitang
nasa nasa gitna nasa
unahan ang hulian
ang klaster ang
klaster klaster
Blangko Biskwit Tayp
Prinsesa Iskwela Nars
Stokolate Iskwater Record
Stinelas Sombrero alambre
Dyaryo Kontrata
Krayola Sobre

Paano natin makikita na kung ang


isang salita ay may klaster o wala?
Maraming salita sa Filipino na kung
saan ay may nakikita tayong
magkakatabing katinig. Subalit hindi
pala sila klaster o kambal-katinig.

TANDAAN:
Ang klaster ay dalawang magkasunod
na katinig sa loob ng isang pantig.

Ang paraan para malaman natin na


kung ang isang salita ay may klaster o
wala ay sa pamamagitan ng
PAGPAPANTIG.

E. PAGLALAHAT
Naintindihan ba ang ating tinalakay? Opo.

Kung gayon, ano ang ibig sabihin ng Tawag sa mga pinagsamang tunog
klaster? ng dalawang katinig.

-Ito din ay tinatawag ding kambal-


katinig dahil dalawang kambal
katinig ang magkatabi sa isang
salita.
Mahusay!

Saang bahagi ng salita maaring Makita Ito ay maaaring nasa unahan, gitna
ang klaster o kambal-katinig? at hulihan ng isang salita.

Paano natin malalaman na ang isang Ang paraan para malaman natin na
salita ay may klaster o wala? kung ang isang salita ay may
klaster o wala ay sa pamamagitan
ng PAGPAPANTIG.
Mahusay!

F. PAGLALAPAT
GROUP 1
PANUTO: Bilugan ang salitang may
klaster.
Sagot:
1. Buwan araw dragon 1. Dragon
2. Tsinelas medyas sapatos 2. Tsinelas
3. Papel lapis krayola 3. Krayola
4. Tsiko talong kahil 4. Tsiko
5. Pantalon blusa damit 5. Blusa

GROUP 2
Panuto: Piliin ang klaster ng bawat
salita at isulat ito sa patlang.
Sagot:
___1. Dragon (a. pr b. dr c. kr) 1. B. dr
___2. Tsinelas (a. dr b. ts c. kr) 2. B. ts
___3. Krayola (a. kr b. ts c. dy) 3. A. kr
___4. Tsiko (a. dy b. kr c. ts) 4. C. ts
___5. Dyaryo (a. kr b. dy c. kr) 5. B. dy

IV. PAGTATAYA
Panuto: bilugan ang salita na may kambal-katinig sa bawat pangungusap. Isulat sa
patlang ang kambal-katinig.
_____1. Umupo ang reyna sa kanyang trono.
_____2. Hilaw pa ang mga prutas sa kusina.
_____3. Ikaw ang pinili ng mga kaklase mo.
_____4. Kanino ang tsinelas na dilaw?
_____5. Sobra ang sukli ni nanay.

V. TAKDANG ARALIN
Panuto: sumulat ng limang pangungusap na mayroong klaster o kabal-katinig.
Isulat ito sa iyong kwaderno.

VI. PANGWAKAS NA PANALANGIN


Maraming salamat po panginoon sa mga aral na inyong itinuro sa pamamagitan ng aming
guro. Aming hinihiling na sana magkaroon pa kami ng kalakasan at katatagan upang muli
naming mapagyamanan ang aming kaisipan. Pinupuri ka naming at pinapasalamatan sa
biyaya ng karunungan Amen.

Prepared by: Noted:


JERIC DC. HERMOGENES KAREN C. FERNANDEZ
Practice Teacher T – II Cooperating Teacher

You might also like