You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
MARILAO NORTH DISTRICT

MELC Quarter: FOURTH Week No.: 3 Code: AP2PKK-IVe-4b


Competency: Maipaliliwanag na ang mga karapatang tinatamasa ay may katumbas na
tungkulin bilang kasapi ng komunidad

LEARNING ACTIVITY SHEET


NAME: __________________________ GRADE & SECTION: __________________ DATE: __________

ARALING PANLIPUNAN – 2
Aralin 3: Pagiging Bahagi ng Komunidad
Karapatan – Ito ang mga pangangailangang dapat tinatamasa ng isang tao upang
makapamuhay ang mamamayan nang maayos.
Tungkulin – Ito ang mga pananagutang dapat gawin ng isang tao katumbas ng mga
karapatang kaniyang tinatamasa.
➢ Mahalagang matamo ng bawat bata ang kanyang mga karapatan upang lumaki siyang
maayos at kapaki-pakinabang sa kanyang sarili, pamilya at komunidad.
➢ Ang katumbas na tungkulin ng bawat karapatan ay dapat isagawa nang buong puso at
may pagkukusa.
➢ Dapat pahalagahan ang ginagawang pangangalaga at pagpapatupad ng komunidad
sa mga karapatan ng bawat tao.
➢Mahalagang malaman nating lahat ang ating mga karapatan kung ito ba ay tinatamasa
natin sa ating komunidad.
Karapatan ng Bawat Batang Pilipino
Higit mong mauunawaan ang karapatan ng mga batang tulad mo sa bahaging ito.
1. Maisilang at magkaroon ng pangalan at nasyonalidad.
2. Magkaroon ng tahanan at pamilyang mag-aaruga sa akin.
3. Manirahan sa payapa at tahimik na lugar.
4. Magkaroon ng sapat na pagkain, malusog at aktibong katawan.
5. Mabigyan ng sapat na edukasyon.
6. Mapaunlad ang aking kakayahan.
7. Mabigyan ng pagkakataong makapaglaro at makapaglibang.
8. Mabigyan ng proteksyon laban sa pang-aabuso, panganib at karahasan.
9. Maipagtanggol at matulungan ng pamahalaan.
10. Makapagpahayag ng sariling pananaw.

TAYAHIN:
Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na pangungusap. Isulat ang letra ng tamang
sagot sa patlang na nagsasaad ng tungkulin sa bawat pangungusap.

_____1. Gusto mong manood ng telebisyon ngunit natutulog ang iyong tatay sa sala, ano
ang iyong gagawin?
A.hindi na lamang manood
B. manonood parin ngunit hihinaan ang telebisyon
C.lalakasan parin ang telebisyon
D.gigisingin mo ang iyong tatay
_____2. Nakita mong naglilinis ng bakuran ang iyong ate dahil maraming kalat dito, ano ang
iyong gagawin?
A.kusang loob na tutulong sa paglilinis
B. magtatago upang hindi makita ng iyong ate
C.magkukunwaring hindi nakita ang iyong ate
D.maglalaro sa bakuran
_____3. Hindi nakakolekta ng basura sa inyong barangay kaya naipon ang basura sa inyong
bahay, ano ang iyong gagawin?
A.itatapon sa kalsada ang inyong basura
B. susunugin ang inyong basura sa bakanteng lote
C.ilalagay sa tamang lagayan ang basura para hindi ito kumalat
D.itatapon sa ilog ang inyong basura
____4. Nagbigay ng takdang aralin ang inyong guro ngunit gusto mong maglaro, ano ang
iyong gagawin?
A.hindi na lang gagawin ang takdang aralin para makapaglaro
B. ipapagawa sa ate ang takdang aralin para ikaw ay makapaglaro
C.mangongopya na lamang sa iyong kaklase
D.tatapusin muna ang takdang aralin bago maglaro
____5. Nagluto ng masarap na gulay ang iyong nanay para maging malusog ang iyong
katawan, ano ang iyong gagawin?
A.hindi na lamang kakain dahil ayaw mo ng gulay
B. kakainin ang niluto ng iyong nanay na gulay dahil alam mo na masustansya ito at
lalakas ang iyong katawan
C.iiyak ka at sasabihing magluto ng ibang ulam
D. hihintaying tumalikod ang iyong nanay at itatapon ang nilutong gulay at
sasabihing naubos mo ito.

You might also like