You are on page 1of 3

Filipino Reviewer Q1

Mga Bansa sa Timog-Silangang Asya (TSA)


1. Brunei 6. Singapore
2. Cambodia 7. Thailand
3. Laos 8. Vietnam
4. Malaysia 9. East timor
5. Myanmar
10. Philippines

TAHANAN NG ISANG SUGAROL


- Maikling kuwento
- Isinalin ni Rustica Carpio
- Kuwentong Malaysian
- MGA TAUHAN:
➔ Lian-chiao - kawawang ina at isang matiisin na asawa
➔ Ah Yue at Siao-lan - anak ni Lian-chiao
➔ Li Hua - asawang sugarol, mabisyo mapanakit, lasinggero, humihithit ng opyo, at
mapamahiin

MGA PANGYAYARI SA KUWENTO


1) Panimulang Pangyayari - Naglalaba ang buntis na si Lian-chiao katabi ang bunsong
anak habang nagsasampay ang panganay niyang si Ah Yue kahit hindi pa halos maabot
ng bata ang sampayan.
2) Pagod na si Lian-chiao sa katatapos na labahin at sa walang tigil na pagtatrabaho,
ngunit hindi siya puwedeng magbagal ng kilos. Mabilis niyang sinindihan ang apoy sa
pugon, hiniwa ang mga gulay, pinakulo ang tubig, nilinis ang mga kawali at iba pang
kasangkapan sa kusina dahil baka magalit ang asawa kapag dumating ito mula sa
pagsusugal nang wala pang hapunan.
3) Papataas na Pangyayari - Maya-maya’y dumating si Li Hua. Malakas ang boses
habang sinasabihan ang nagsasampay na si Ah Yue. Pagkatapos ay mabilis na
pumasok at nagalit dahil hindi pa luto ang hapunan.
4) Habang abala at hindi magkandaugaga si Lian-chiao sa pagluluto ay naghanap ng
pampaligo ang kanyang asawa kaya’t mabilis niyang iniwan muna ang iniluluto at saka
inihanda ang inigib na tubig para sa pampaligo ni Li Hua.
5) Habang inihahanda ang pampaligo ng asawa ay sumagitsit sa kawali ang inasnang isda
kaya minura at sinigawan ni Li Hua si Lian-chiao dahil napakabagal daw nitong kumilos
at hindi naamoy ang nasusunog nang isda.
6) Nang matapos kumain at paalis na muli ang lalaki ay nagmakaawa si Lian-chiao na
bigyan siya ng isang dolyar na pambili ng itlog gagamitin sa nalalapit niyang
panganganak subalit hindi siya binigyan nu Li Hua dahil natalo eaw ito ng dalawangpung
dolyar sa sugal.
7) Kasukdulan - Nang gabing iyon, kahit pagod ay hindi makatulog si Lian-chiao. Naalala
niya kung paano siyang ipinagkasundo ng kanyang ina ka Li Hua sa edad ng labinlima
at ito ang naging simula ng miserable niyang buhay. Maya-maya’y biglang sumakit ang
kanyang tiyan at naramdamang manganganak na siya.
8) Kahit hirap na hirap dahil sunod-sunod na paghilab ng tiyan ay tinungo ni Lian-chiao ang
Hsiang Chi Coffee Shop para magpatulong sa asawang nadatnan niyang abalang-abala
sa pagsusugal.
9) Pababang Pangyayari - Sumunod sa ina ang magkapatid na sina Ah Yue at Siao-lan
dahil nagising ang bunso kaya dinala ng ate sa Hsiang Chi Coffee Shop. Kahit hirap na
hirap ang kalooban dahil maiiwan ang maliliit na mga anak nang walang kasama ay
pinakiusapan ng ina na iuwi at alagaan muna ni Ah Yue ang nakababatang kapatid.
10) Resolusyon/Wakas - Kinagalitan ni Li Hua ang mga batang sumunod sa kanilang ina at
pagkatapos ay pinaandar ang inarkilang sasakyan para madala sa ospital si Lian-chiao.
● MAIKLING KUWENTO
➔ Ang maikling kuwento o katha ay isang uri ng panitikan na bunga ng maikling
guni-guni ng may-akda o batay sa sariling karanasan na nag-iiwan ng isang
kakintalan sa isipan ng bumabasa o nakikinig.
➔ May iilan lamang tauhan at banghay
➔ Matatapos sa isang upuan lamang
➔ BAHAGI NITO:
1. Panimulang Pangyayari - pagpapakilala ng mga tauhan, tagpuan, at
suliraning kahaharapin
2. Papataas na Pangyayari - sa bahaging ito nagkakaroon ng
pagtatangkang malutas ang suliraning magpapasidhi sa interes o
kapanabikan
3. Kasukdulan - pinakamasidhing bahagi kung saan haharapin ng
pangunahing tauhan ang kanyang suliranin / conflict
4. Pababang Pangyayari - matatamo ng pangunahing tauhan ang layunin
5. Wakas/Resolusyon - magkakaroon ang kuwento ng isang makabuluhang
wakas, makikita ang kahinatnan ng bida
● KUWENTONG MAKABANGHAY
➔ Ang isang kuwentong nagbibigay-diin sa banghay o maayos na daloy ng mga
pangyayari ay tinatawag na kuwentong makabanghay
● BANGHAY
➔ Ang banghay ay ang maayos o masinop na daloy ng magkakaugnay na
pangyayari sa mga akdang tuluyan.
● Anekdota - maikling kuwento ng isang partikular na tao
● Mito - kuwento ng mga diyos/diyosa
● Alamat - kuwento ng pinagmulan ng isang bagay
● Nobela - mahabang kuwento na nahahati sa mga kabanata

● Panunuran o Ordinal - pinagsunod-sunod ay mga pangalan


● Tesktong Prosidyural - pinagsunod-sunod ay mga proseso o paraan ng pagsasagawa
ng isang bagay (pagluluto, paglalaba, pagkukumpuni)
● Mga salitang “hakbang” + pang uring pamilang o ang salitang “step” + pang-uring
pamilang
● Time Sequence - pangyayari sa kuwento, madalas ay hindi na ginagamitan ng mga
salitang nagpapakita ng pagkakasunod-sunod

● TIMAWA (Unang Kabanata)


➔ Isinulat ni Agustin C. Fabian
➔ TAUHAN:
1. Andres Talon “Andy” - pangunahing tauhan
2. Bill - matalik na kaibigang amerikano ni Andy
3. Alice - tagapangasiwa sa mga gawain sa kusina ng dormitory, siya ay
may lihim na pagtingin kay Andres
● Nobela
➔ Ay isang mahabang kathang pampanitikan na karaniwang tumatalakay sa iba’t
ibang tauhan, pangyayari, at lugar na pawang kathang-isip lamang.
➔ Ang isang nobela ay nagtataglay ng maraming ligaw na tagpo, Ito ay may
mahabang kawing ng panahon at ginagalawan ng maraming mga tauhan.
➔ Ang nobela gaya ng maikling kuwento ay kakikitaan ng tunggaliang pumupukaw
sa damdamin ng mambabasa.
● MGA TUGGALIAN (suliranin/problema)
➔ Pisikal (tao laban sa kalikasan) - tumutukoy sa tao laban sa mga elemento at
puwersa ng kalikasan. Ito ay maaaring ulan, init, lamig, bagyo, lindol, pagsabog
ng bulkan, at iba pa.
➔ Panlipunan (tao laban sa kapwa tao) - ang kanyang problema o kasawian ay
dulot ng iba o ng bagay na may kaugnayan sa lipunan gaya ng diskriminasyon o
iba pang bagay na tila di makatarungang nagaganap sa lipunan.
➔ Panloob o sikolohikal (tao laban sa sarili) - ito ay tunggalian ng tao laban sa
kanyang sarili. Masasalamin dito ang dalawang magkasalungat na hangad o
pananaw ng iisang tao.
● OPINYON
➔ Sariling kuro-kuro o palagay ng isang tao
➔ Paliwanag lamang batay sa makatotohanang pangyayari
➔ Saloobing at damdamin ng tao
● MATATAG NA OPINYON ● NEUTRAL NA OPINYON
- Ito’y hindi nababago ng kahit - Maaaring mabago
na sino ➔ Kung ako ang tatanungin…
➔ Buong igting kong ➔ Kung hindi ako
sinusuportahan ang… nagkakamali…
➔ Kumbinsido akong… ➔ Sa aking pagsusuri…
➔ Labis akong naninindigan ➔ Sa aking palagay…
na… ➔ Sa aking pananaw…
➔ Lubos kong pinaniniwalaan… ➔ Sa ganang sarili…
➔ Sa tingin ko…
➔ Sa totoo lang…

You might also like