You are on page 1of 2

PANGALAN: _________________________________________________________________

SEKSYON: ____________________________________________________________________
PROPESOR: __________________________________________________________________

Ang aking Pamilya

isinulat ni Arvin Fernando

Ang aking pamilya ay binubuo ng limang tao na may iba’t ibang

katangian at kaugalian. Arlin S. Fernando ang ngalan ng aking Ina. Isang

masipag na guro at mapagmahal na ilaw ng tahanan. Roderick M. Fernando

naman ang pangalan ng aking masigasig at maalagang Ama. Ang matalino at

masipag na panganay sa aming pamilya ay nagngangalang Sarah Jane S.

Fernando at siya ay nakapagtapos ng kursong Akawntantsi sa Unibersidad ng

Centro escolar. Ang sumunod naman o ang ikalawa sa aming magkakapatid

ay ang madiskarte at seryosong kuya. Ang kanyang pangalan ay Mark Ace S.

Fernando at siya ay nakapagtapos sa kursong HRM sa unibersidad ng Jose Rizal.

Sa isang pamilya hindi maiiwasan ang magkaroon ng hindi

pagkakaunawaan dulot ng iba’t-ibang kaugalian, kagustuhan at paniniwala.

Ngunit mas matimbang pa din ang mga bagay na dapat pasalamatan. Ang

aking Ama ay pumanaw noong taong 2014 dahil sa sakit na Liver Cirrhosis. Sa

kabila nito may mga bagay pa rin akong nais ipagpasalamat sa aking ama. Isa

na rito ay ang pagbibigay sakin ang pagkakataong Makita ang ganda ng

mundo. Tinuruan niya rin akong kumilos sa mga gawaing bahay na hanggang

ngayon ay aking dala-dala. Ganun rin sa aking ina, hindi biro ang dalhin ang

buhayin ako sa loob ng kaniyang sinapupunan sa loob ng siyam na buwan.

Simula nang mawala ang aking ama, Ang ilaw ng aming tahanan ay siya na
ring naging haligi nito. Magisa niyang tinataguyod ang aming pamilya.

Nagpapasalamat ako sa aking mga magulang sapagkat binihisan, pinakain,

binihay at pinag-aral nila ako. Tatanawin ko itong malaking utang na loob.

Ang aking ate ay isa sa mga tumutulong sa mga gastusin sa aming pang

araw-araw na pangangailangan. Ganun rin sa aking Edukasyon. Nais kong

ipagpasalamat ang walang sawang suporta at pagbibigay ng mga bagay na

para sa aming ikabubuti Ganun rin sa aking Kuya na walang sawang

nakasuporta sa lahat ng aking pangarap.

At bilang panapos.… Isa sa pinaka malaking bagay na nais kong

ipagpasalamat sa aking pamilya ay ang maluwag at mapagmahal na

pagtanggap sa kung sino at kung paano ko ihahayag ang aking nais at

pagkatao. Isa ito sa mga bagay na alam kong maswerte ako. Nais kong

ipagpasalamat ang walang sawang pag-gabay at pagsuporta sa mga bagay

na pinapangarap ko. Hindi natin alam kung hanggang saan lamang tayo dito

sa mundo. Tunay na hiniram lang akin gating buhay sa tagapaglikha. Kaya

naman sulitin natin ang bawat segundong kausap natin ang ating pamilya.

Ating iparamdam ang ating pasasalamat at pagmamahal sa kanila. Ika nga sa

isang kataga “Blood is thicker than water”. Sa huli, Pamilya pa rin ang ating

magiging kakampi laban sa mundo.

You might also like