You are on page 1of 14

LAYUNIN

Sa loob ng 15 minuto na talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang ;


a. Nabibigyang pansin at nasusuri ang nilalaman ng bawat saknong ng tula ,
b. Naibabahagi ang emosyong naramdaman matapos mapakinggan ang tula
c. Nakapaglikha ng tula batay sa sariling paniniwala at pagpapahalaga.

I.
a. Paksa - ANG PAMANA ni; Jose Corazon De Jesus
b. Sanggunian - Panitikang pandaigdigan, www.google.com
c. Kagamitan - kagamitang biswal, laptop at speaker

II.

GAWAING GURO GAWAING MAG-AARAL

Isang mapagpala at magandang Magandang umaga rin po.


umaga sa inyong lahat!

- Panalangin
Aanyahang tumayo ang mga mag-
aaral para magdasal.
(Tatayo at magdarasal)

Sa ngalan ng ama, nang anak ng


espiritu santo… AMEN!

-Kalinisan at kaayusan
Bago kayo tuluyang umupo, pakipulot
muna ang anumang klase ng dumi na
inyong makikita at pakiayos na rin
ang inyong mga upuan.

( pupulutin ang anumang kalat na


kanilang makikita atsaka aayusin
ang kani-kanilang mga upuan)

- Pagtatala ng mga lumiban sa klase


Sino ang monitor ng klase? Maaari Itatala ng monitor ang pangalan ng
mo bang itala ang mga wala wala sa araw na iyon.
ngayon?

B. Pagganyak
Muli, magandang umaga!
Magandang umaga rin po ma’am!

Nasasabik na ba kayong malaman


ang paksang tatalakayin natin Opo
ngayong araw?

Kung napapansin ninyo mayroon


akong bagay na hawak, sa palagay
ninyo ano kaya ang bagay na ito?

(Magtataas ng kamay ang mag-aaral


na nais magbahagi ng kanyang
palagay)
Sige ikaw…

Sa akin pong palagay ang bagay na


hawak-hawak ay isang

Tama! Ito ay isang lagayan at ang


lagayan na ito ang naglalaman ng
isang larawan.

(ipapakita ang larawan na


nakapaloob)
( mabusising titignan ng mga mag-
aaral ang nasa larawan.)

Ano at sino ang posibleng nasa


larawan?
Isa pong larawan ng babae na sa
pakiwari ko’y maaaring larawan ng
isang ilaw ng tahanan o ng isang
nanay.
Mahusay!
Ang nakadikit na larawan ay
larawan ng isang Ina.

Ano ang kalimitang ginagawa ng mga


nanay ninyo sa loob ng tahanan? (Magtataas ng kamay ang nais
magbahagi ng kanyang sagot)

Sige ikaw…

Mag-aaral 1:
Ang nanay po ang madalas
katuwang ng ama sa pagtataguyod at
pag-aalaga sa amin.
Ano pa?
Mag-aaral 2 :

Yung nanay po namin ang madalas


na naglilinis at naghahanda ng
pagkain namin sa araw-araw.

Mag-aaral 3:
Ang nanay po namin ang nagsisilbing
matalik na kaibigan dahil siya
madalas ang napagsasabihan ng
aming problema.

Lubos akong nasisisyahan sa mga


sagot na binahagi ng bawat isa sa
inyo. Sapagkat, sa pamammagitan ng
mga naging sagot ninyo nalaman ko.
na nabibigyang kahalagahan ninyo
ang bawat bagay na ginagawa ng (makikinig sa karagdagang
magulang ninyo.Lalong lalo na ng impormasyon na ibinabahagi ng
inyong ina. kanilang guro.)

Kalakip ng larawan ng isang ina na


nakita ninyo sa lagayan, mayroon
pang ibang larawan dito.

( ipapakita ang mga nasa larawan) (titignan ang mga nasa larawan na
nakalagay sa kahon)
BAHAY AT LUPA, SASAKYAN, MGA
ALAHAS AT LIMPAK-LIMPAK NA
SALAPI.

Anu-ano ang nasa larawan?


( Magtataas ng kamay ang mag-aaral
na alam ang nasa larawan.)

Sige ikaw… Mag-aaral 5 :

Ang nasa unang larawan po ay isang


malaking bahay at malawak na lupain
at ang nasa ikalawang larawan
naman ay isang sasakyan at ang
sumunod naman na larawan po ay
mga alahas at ang paghuli naman na
larawan ay maraming salapi o pera.
Mahusay, Maraming salamat.

Batay sa mga ipinakita kong mga


larawan, may ideya ba kayo kung Opo ..
tungkol saan ang ating paksa
ngayong araw?

Tungkol nga kaya saan ang paksa


natin ngayon?
Mag- aaral 6:
Sa akin pong palagay ang paksang
tatalakayin natin ngayong araw ay
may kinalaman sa isang babae o
isang nanay na maraming
kayamanan.

Maaari, sino pa ang may ideya? (Magtataas ng kamay ang gusto pang
sumagot)

Sige ikaw…
Maaaring ang paksang tatalakayin po
natin ngayon ay may kinalaman po sa
isang ina at mga bagay na maaaring
ibigay niya sa kanyang mga anak.

Mahusay!

Ang paksang tatalakayin natin


ngayong araw ay may pamagat na.

Pakibasa… Ni: Jose Corazon De Jesus

Kilala ba ninyo ang ating manunulat


ngayong araw? Siya po ay kilala rin sa tawag na
Huseng batute.

Tama,

Si Jose Corazon De jesus Isang kilalang manunulat ng tula sa


filipino na ipinahahayag ang
ay… Pakibasa… pagnanasa ng bawat pilipino na
makalaya sa pananakop ng estados
unidos.
Bukod sa tawag na batute kilala rin
siya sa tawag na Pepito”.

Ipinanganak siya noong ika 22 ng


nobyembre 1896 at namatay noong
taong 1932 ika 26 ng mayo.

Opo.
Nakilala na ba ninyo ang ating may-
akda?

Dumako naman tayo sa mga salita na


maaari pang makaragdag sa inyong
kaalaman.

1. Namamanglaw
( Ipapakita ang halimbawa ng
pangungusap )
Namamanglaw ang aking matalik na
kaibigan matapos mapag-alaman ang
masamang nangyari sa kanyang
kasintahan.

Ang salitang namamanglaw ay


nangangahulugang ….
Nalulungkot!
A
Nalulungkot
B Masaya

Tama,

2. Pilak na buhok Kahapon ng napansin ko dumarami


( ipapakita ang halimbawa ng na ang pilak na buhok ng aking ina.
pangungusap)

Ang ibig sabihin ng pilak na buhok ay..


A. Patay na buhok
B. Puting buhok

Puting buhok.
3. Magalak
( ipapakita ang halimbawa ng
pangungusap)
Labis akong nagalak sa balitang
inanunsyo ng aking kapatid na
kasama ang aking pangalan sa mga
Ang salitang magalak ay nakapasa sa LET..
nangangahulugang..

A. Umiyak Matuwa.
B. Matuwa

Ang tamang sagot ay titik B

4 Gunita
May mga pagkakataon na bumabalik
Ang salitang gunita ay sa aking gunita ang mga bagay na
nanganagahulugang … naranasan ko.
A. Panaginip
B. Ala-ala

Ang panghuling salita naman ay..

5.Ililimos
Ililimos ko sa iba ang bagay na
mayroon tayo.

Ang kahulugan ng salitang ililimos ay.


A. Isosoli
B. Ibibigay

Nakilala na ninyo ang sumulat/awtor


ng aralin na ating tatalakayin at
nalaman na rin ninyo ang kahulugan
ng bawat salita dumako na tayo sa
mismong laman ng tula.

Ipaparinig ang bawat saknong ng tula ( Tahimik na pakikinggan ang


sa mga mag-aaral …. pagbigkas ng tula ng kanilang guro.)
I.
Isang araw ang ina ko’y nakita kong
I
Naglilinis ng marumit mga lumang
kasangkapan,
Sa pilak ng kanyang buhok na hibla ng
katandaan
Nabakas ko ang maraming taon na niyang
kahirapan.
Nakita ko ang ina ko tila’ baga’y nalulumbay At ang
sabi’ itong piyano sa iyo ko ibibigay, Ang
kubyertos nating pilak ay kay itang maiiwan,
Mga silya’t aparador kay tikong nababagay
Sa ganyan ko hianahati ang ating munting yaman
Ano at sino ang inilalarawan sa unang
saknong ng tula?
(Magtataas ng kamay ang may alam
sa sagot sa tanong)

Sige ikaw, Sa palagay ko po ang tinutukoy


sa unang saknong ay ang anak at
ang kanyang ina, na may binibigay
sa kanila.

Magaling! Ano ang bagay na


ibinibigay ng ina sa mga anak niya?
Mga kagamitan po tulad ng
silya’taparador,kubyertos na pilak at
isang piyano po.

Tama!

Ano ang bagay na napansin ng anak


sa kanyang ina? Tumatanda na ang kanyang ina.

Mahusay, sa unang saknong ng tula


dito na binigyang diin ng awtor kung
kanino maaaring umikot ang paksa ng
ating tula. At iyon ay tungkol sa isang
ina at kanyang anak.

Opo..
Naunawaan na ba ninyo ang unang
saknong?

Kung gayon dumako na tayo sa


ikalawang saknong.
( papakinggan ang ikalawang
(Bibigkasin sa kanila ang tula..) saknong ng tula.)
II.
Pinilit kong pasiyahin ang lungkot sa aking
mukha,
Tinangka kong magpatawa upang siya ay
matuwa,
Subalit sa aking mata’y may namuong mga luha .
Naisip ko ang ina ko, ina ko na kawawa,
Tila kami’y iiwan nat may yari ng huling nasa. At
sa halip na magalak sa pamanang mapapala
Sa puso ko’y dumadalaw ang malungkot na gunita
Napaiyak akong tila kaawa-awang bata, Niyakap ko
at sa kanya ay winika:

Sa sumunod na saknong naman , ano


ang pinakitang ugali ng anak sa ( magtataas ng kamay ang mag-aaral
kanyang ina? )

Labis po siyang nag-aalala sa bagay


na kinikilos ng nanay niya. Kaya
imbes po na matuwa po siya sa
bagay na ibinibigay ng nanay nila sa
kanya, mas nananaig po yung
lungkot at pag- aalala niya.

Ano ang bagay na ginawa ng anak sa


saknong na ito? Pinilit po niyang magpatawa, para
hindi mahalata ng nanay niya na
nalulungkot at nag-alala siya sa
kanya.

Mahusay, tumpak na kasagutan!

Sa saknong na ito, kung napansin


niyo ipinakita lamang kung gaano
pahalagahan ng anak ang kanyang
ina. Na kung saan nag-iisip pa siya ng
paraan upang hindi manaig ang
lungkot at pangambang
nararamdaman nilang dalawa.
Wala po.
May tanong?

At dumako na tayo sa ikatlong


saknong. ( Bibigkasin… ) III. Ang ibig ko sana ina’y ikay aking
pasiyahin,
At huwag ng makita pang nalulungkot man din
O ina ko, ano po bat naisipang hatiin?
Ang lahat ng munting yaman maiiwan sa amin?
Wala naman’ yaong sagot. Baka ako ay
tawagin ni bathala
Mabuti nang malaman ang habilin,
Iyang piyano, itong silya’t aparador ay alamin
Pamana ko sa inyo bunsong ginigiliw.

Sa saknong na ito, ano ang nais


mangyari ng anak?
Ang patawanin at huwag ng makita
pang nalulungkot yung nanay nila.

Bukod sa ayaw ng anak na nakikitang


malungkot ang nanay niya, ano pa
ang napansin niyo sa saknong na ito?
Base po sa pagkakaunawa ko,
nagtataka na yung anak sa bagay na
kinikilos ng nanay nila at kung ano
ang dahilan bakit hinati-hati niya ang
mga kagamitan na mayroon sila sa
loob ng tahanan.

Tama! Kung napansin ninyo,


nagsimula na siyang magtanong
kinukutuban na siya kumbaga na tila
may kakaiba sa kinikilos ng ina nila.

Sa palagay ninyo, ano nga ba kaya


ang dahilan, bakit ginagawa ng nanay Sa tingin ko po may kinalaman ang
nila na paghati-hatiin ang bagay na pahayag ng nanay nila na’ baka ako
iyon? ay tawagin ni bathala mabuting
alamin ang habilin,’. yung tipong ano
po may ipinapahiwatig po siya sa
bagay na iyon.

Mahusay, tumpak na kasagutan!

Sa saknong na ito, ang ibig lang


iparating ng nanay sa pahayag niya
na baka siya’y tawagin ni bathala
mabuti ng alamin ang habilin’.
Nararamdaman ng Ina sa anumang
sandali maaari na siyang mawala.
Kaya, minarapat na niyang gawin ang
bagay na sa tingin niya’y tama.
Ano ang ugaling ipinakita ng nanay sa
saknong na ito?

Sa saknong po na ito ma’am,


ipinakita at pinatunayan lamang ng
ina kung gaano nga ba kalaki ang
pagmamahal ng bawat ilaw ng
tahanan. Na kung saaan sa palagay
ko kung nanay ko man ang nasa
sitwasyon ng ina sa tula ganoon din
po ang gagawin niya. Sapagkat, alam
naman po natin na ang pagmamahal,
pag-aaruga ng ina natin sa atin ay
kakaiba. Madalas imbes na sarili
nalang muna nila unahin at
asikasuhin nila mas pinipili pa rin nila
tayo.
Magaling! Mapalad tayo sa
pagkakaroon ng magulang lalo na ng
isang ina na mapagkalinga at kayang
ibigay ang lahat ng bagay na
mayroon siya.

Naunawaan na ba ninyo ang saknong


na ito? Opo, naunawaan na po namin.
Atin naman talakayin ang pang-apat
na saknong na siya na ring huling
bahagi ng tula. Handa na ba kayong
makinig muli? Opo handa na po kaming makinig
muli.
( Bibigkasin ang panghuling
saknong…)

Ngunit inang’ ang sagot ko, ang lahat ng


kasangkapan,
Ang lahat ng yaman ay hindi ko kailangan Ang ibig
ko’y ikaw ina, ang ibig ko’y ikaw ina. Hinihiling ko
sa Diyos na ang paman ko’y ikaw.
Aanhin ko ang piyano, kapag ika’y namatay? At hindi
ko maitutugtog sa tabi ng iyong hukay.
Ililimos ko sa iba ang ating yaman
Pagkat di’ka maaaring pantayan ng
daigdigan.
Sa huling bahagi ng tula, ano ang
naging tugon ng anak sa bagay na
ginawa ng kanilang ina? Wala po siyang pakialam doon sa
bagay na ibibigay ng nanay niya sa
kanya.

Ano ba ang bagay ang ibibigay ng


nanay niya sa kanya? Isa pong piyano ma’am.

Sa palagay ninyo bakit ayaw niyang


tanggapin ang bagay na bibigay ng
nanay niya sa kanya? Kasi ma’am ang bagay na ibibigay ng
nanay niya sa kanya bagaman may
halaga iyon na pera, para sa kanya
wala pa ring mas matimbang sa
buhay niya kundi ang mismong
buhay ng nanay niya.
Sang- ayon ba kayo sa naging
katwiran ng anak sa tula? Kung kayo
ba ang nasa sitwasyon niya, hindi
niyo rin ba tatanggapin ang materyal
na bagay at mas gugustuhin pa rin
ang buhay ng inyong ina?

( magtataas ng kamay ang mag-aaral


na nais magbahagi ng kanyang
sagot.
)

Mag-aaral 7 :

Maging kung ako rin po ang nasa


kalagayan ng anak. Mas pipiliin ko pa
rin ang buhay ng aking Ina.
Sapagkat, tama ang sabi doon sa
tula na ‘hindi kayang pantayan ng
gamit pandaigdigan’. ibig sabihin
lamang po ma’am walang magiging
halaga ang anumang bagay kung
magiging kapalit naman ang iyong
nanay. Yung nanay o maging tatay
man po ang tunay na yaman natin
sa buhay sila ang bigay ng Diyos sa
atin mula paslit na kailangan natin
pahalagahan magpakailanman.

Mag -aaral 8:
Sang- ayon din po ako ma’am na
mas pipiliin ko pa rin ang nanay
ko sa kahit na anong bagay.
Aminado ako na kung minsan
matigas ang ulo ko, pero kaya ko
rin pong patunayan at bigyan ng
kahalagahan ang nanay ko tulad ng
ginagawa niya sa akin/ amin ng mga
kapatid ko.

Tama! Bilang karagdagan sa naging


sagot ninyo, ang magkaroon ng
magulang na kayang gawin ang lahat
para sa anak ang tunay na yaman na
hindi maaaring maagaw ng kahit na
sinuman. Sapagkat ang materyal na
bagay sa mundo ay pweding
pagtrabahuin. Ngunit, ang buhay ng
mga magulang ay isa lang kaya
marapat lang na silang pahalagahan
ng husto.

Batay sa mga naging tugon ninyo sa


mga katanungan binabato ko sa inyo,
batid ko na naunawaan na niyo ang
ating aralin. Tama ba ako?
Opo ma’am naunawaan at sobrang
nagustuhan po namin.

Gumawa ng sarling tula na may


kinalaman sa inyong ina.
Kayo ay bibigyan ko lamang ng 1-3
minuto upang tapusin ang inatas na
gawain.

Narito ang magsisilbing pamantayan Nilalaman 50%


sa paggawa. Pakibasa… Angkop na salita 30%
Pagkamalikhain 20%
100%

(Tahimik na gagawin ang


Maaari na kayong magsimula. nakatakdang gawain sa kanila ng
kanilang guro. )

Makalipas ang 3 minutong palugit


pipili ng 1-2 tula na gawa ng mag-
aaral at ipapabasa sa mga ito.

Palakpakan ang inyong mga sarili!

Sa tinalakay natin ngayong araw na


tula na may pamagat na…
ANG PAMANA ni JOSE CORAZON DE
JESUS.

Ano ang aral na napulot ninyo?


O ano ang bagay na napagtanto
ninyo? Sa naging aralin po natin ngayon
ma’am, mas naliwanagan po ako
tungkol sa tunay na kahalagahan ng
isang ina sa buhay nating mga anak
nila.

Na dapat po silang ingatan at


pahalagahan ng sobra ma’am habang
may panahon at pagkakataon pa.
Kinakailangan na sulitin na po natin
ang anumang sandali na tayo’y nasa
kanilang tabi.
Mahusay! Tumpak na

kasagutan.

Tulad ng tinalakay natin ngayon na


tula, ang bawat ina ng tahanan ay
may malaking halaga sa buhay ng
bawat isa.
marapat lamang na mahalin, alagaan,
igalang at pahalagahan natin sila
habang may oras, panahon at
pagkakataon pa. Bilang sukli na rin sa
lahat ng hirap, pagod at sakripisyo
nila sa atin mula pa noon magpa
hanggang ngayon.

May tanong, paglilinaw o nais pa ba


kayong idagdag? Wala na po, naging malinaw na po
ang aralin na tinalakay natin
ngayong araw.

1. Sino ang sumulat sa araling


tinalakay?
Kumuha kayo ng inyong papel at 2. Ano ang pamagat ng aralin?
panulat at sagutin ang mga 3.Ano ang bagay na naging
sumusunod. pamana ng ina sa kanyang bunso?
4.Ano ang bagay na gusto ng
matanggap ng anak mula sa Diyos?
5.Ano ang ibang tawag kay Jose
Corazon de jesus?

Pakibasa ng sabay-
sabay… Basahin at unawain ang susunod na
aralin na tatalakayin.

You might also like