You are on page 1of 17

SHS

Filipino
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang
Teksto Tungo sa Pananaliksik
MODYUL 2: Konseptong Saliksik at
Kahulugan Nito
Filipino – SHS:Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Kwarter 2/4– Modyul 2: Konseptong Saliksik at Kahulugan Nito

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Panrehiyong Direktor: Gilbert T. Sadsad


Kawaksing Panrehiyong Direktor: Ronelo Al K. Firmo

Mga Bumuo ng Modyul

Manunulat: Albert F. Escobedo


Editor: Vanesa M. Lopez
Tagasuri ng Nilalaman: Sharon A. Vito; Ana Maria B. Gojar
Emma D. Gonzales
Gumuhit ng Larawan: Jotham D. Balonzo
Tagalapat ng Pahina: Ara S. Manata; Brian Navarro
Paunang Salita

Bilang tugon sa makabagong tunguhin sa pagkatuto ay binuo ang serye ng


modyul na ito. Nilalaman nito ang mga pinakamahahalagang kasanayang
pampagkatuto o Most Essential Learning Competencies (MELC) sa ilalim ng
kasalukuyang kalagayan ng edukasyon. Upang matugunan ang hamong kinakaharap
sa edukasyon, kalusugan at kaligtasan malaking tulong ang modyul na ito sa patuloy
na pag-aaral ng kabataan sa loob at labas ng paaralan sa pakikipagtulungan ng mga
magulang at tagagabay
Inaasahan na ang modyul na ito ay higit na makatutulong sa paglinang ng
kasanayan at kakayahan ng mga mag-aaral.

Para sa Tagagabay:
Upang lalong kagiliwan ng mag-aaral at maging kapaki-pakinabang
ang modyul na ito, tiyaking makapagbigay ng oryentasyon sa mga mag-
aaral, magulang, o sinomang miyembro ng pamilya kung paano gagamitin
at iingatan ang modyul na ito.
Ipabatid na kailangang magkaroon ng sariling sagutang papel ang
bawat mag-aaral para sa paunang pagsubok, mga gawain sa bawat bahagi
at panapos na pagsubok. Kung tapos nang sagutin ang modyul na ito,
ipaalala sa mag-aaral na kaagad itong ibalik sa guro para sa kaukulang
tunguhin.

Para sa mag-aaral:
Inihanda ang modyul na ito para sa iyo.
Kailangan mong sundin at saguting mag-isa ang mga
gawaing nasa loob nito. Huwag kang mag-alala,
kayang-kaya mo ito. Tiniyak kong matutuwa ka
habang natututo.
Ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mong
susulatan at iwasang mapunit ang mga pahina.
Gumamit ka ng sagutang papel o ang iyong
kuwaderno. Sige, simulan na natin!

ii
Konseptong Saliksik at
Kahulugan Nito

PANIMULA:
Kumusta?

Sana ramdam mo lagi ang kahulugan ng buhay.


Salamat naman kung ramdam mo. Mabuti iyon na sa bawat pagsisimula ng
araw good vibes tayo. Pero ano ang dapat na mayroon ka para laging masaya?
Siyempre dapat doon tayo sa kahulugan ng bawat detalye ng ating buhay gaya ng
pananaliskik, dapat malinaw at alam natin ang kahulugan ng bawat konsepto nito para
tama ang tinatahak nating landas sa pagbuo nito, di ba?

Sa modyul na ito ay pag-aaralan mo ang mga mahahalagang konsepto


kaugnay ng pananaliksik at ang kahulugan ng bawat isa.

Tara, simulan na natin!

Sa modyul na ito, inaasahang nabibigyan


mo ng kahulugan ang mga konseptong kaugnay
ng pananaliksik (halimbawa: balangkas
konseptwal, balangkas teoretikal, datos emprikal,
atbp.) Layunin

1
May mga bagong salita na dapat mong kilalanin
para sa araling ito. Magagamit mo ang mga ito upang ganap
mong maunawaan ang mga susunod na talakay tungkol sa
ating paksa.

Talasalitaan

Basahin natin.

• Ito ay abstrak na ideya na nabubuo sa


isipan kasabay ang lahat ng mga
Konsepto katangian at detalye
nito.(https://www.dictionary.com/browse/c
oncept)
• Ito ang ibig sabihin ng konsepto;
pagtukoy o pagkikalala
Kahulugan (https://www.dictionary.com/browse/de
finition)

• Ito ay isang istruktura na naglalahad


Balangkas ng isang konsepto o teorya.
(https://dictionary.cambridge.org/dictio
nary/english/framework)

* Ito ay pagtuklas at pagsubok ng isang teorya


Pananaliksik para sa paglutas ng isangsuliranin na
nangangailangang bigyan ng kalutasan.
(https://www.coursehero.com/file/12049146)/
Kahulugan-ng-Pananaliksik/)

• Ito ay ang koleksyon ng mga elemento o mga


kaalaman na ginagamit sa mga eksperimento,
Datos pagsusuri, pag-aaral ng isang bagay.
(https://brainly.ph/question/479190)

2
Ano ba ang alam mo na sa ating aralin?

Panimulang Pagsubok

Panuto: Kumpletuhin ang crossword subukin moSagutin


puzzle. nga?lamang ang katanungan sa
ibaba nito. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
1 k 2 t

3 e 4l

5 h

1. Ang batayang _____________ ay tinaguriang blue print ng buong pananaliksik.


2. Sa bahaging ito, ang mananaliksik ay naghahanap ng isang stand alone theory o
nabuo nang teorya ng mga dalubhasa.
3. __________ ang pananaliksik sapagkat ang sangkot dito ay mga bagay o paksang
nasusukat, napagmamasdan, kayang i-quantify, at dumaan sa eksperimentasyon.
4. __________ ang isang pananaliksik sapagkat ang mga layunin nito ay sadyang
pinag-isipan.
5. Ang __________ ay hinuha sa magiging resulta ng pananaliksik na eksperimental.
*Ang mga katuturan ay hinango kay Balunsay (2020).

Binabati kita. Natapos mo ang unang pagsubok.


Alamin natin sa pahina 12 ang wastong sagot sa mga tanong.
Saang antas ng kaalaman ka nabibilang?

_____ 5 (Mahusay na mahusay)


_____ 3-4 (Mahusay)
_____0-2 (Galingan pa)

3
Wow!!! Galing!!!

O, di ba kayang-kaya mong tukuyin ang kahulugan


ng mga konsepto kaugnay ng pananaliksik?

Halika, may inihanda pa akong mga dapat mong


matutuhan at ilang gawaing mas lalong
magpapaunlad sa iyong pagkatuto.

Mga Gawain sa Pagkatuto:

Basahin at sagutin mo.

KONSEPTONG SALIKSIK AT KAHULUGAN NITO

Ano ang mahahalagang konsepto na Tumpak! Ang mahahalagang konsepto kaugnay ng


kaugnay ng pananaliksik? pananaliksik ay ang balangkas konseptwal,
balangkas teoretikal, hipotesis, impirikal, at lohikal.

Ano ang Tama! Ito ay matatagpuan sa kabanata dalawa ng pananaliksik. Sa bahaging


balangkas ito, ang mananaliksik ay naghahanap ng isang stand alone theory o nabuo
teoretikal? nang teorya ng mga dalubhasa. Ito ay tinatalakay niya sa kabanata ikalawa,
ipinapaliwanag ang mahahalagang proposisyon nito, saka ginagawan ng
pag-uugnay sa kanyang sinasaliksik. Ang layunin nito ay upang magkaroon
ng mas malawak o dagdag na aplikasyon o paglalapat ng napiling teorya.
Ang layunin nito ay upang magkaroon ng mas malawak o dagdag na
aplikasyon o paglalapat ng napiling teorya.

Ano ang Magaling! Ang balangkas konseptwal ay matatagpuan din sa ikalawang


balangkas kabanata, may mga pagkakataong nababanggit na rin ito nang pahapyaw sa
konseptwal? panimula o introduksiyon. Ito ay tinaguriang blue print ng buong pananaliksik.
Nakapaloob dito ang buod ng pananaliksik. Nilalaman nito ang pangunahing
varyabol, mga metodong isasagawa upang makalap ang datos, at ang
inaasahang bunga nito.
Ano ang datos Mahusay! Sa pananaliksik ang datos ay empirikal sapagkat ang sangkot dito
empirikal? ay mga bagay o paksang nasusukat, napagmamasdan, kayang i-quantify, at
dumaan sa eksperimentasyon. Hindi maaaring gawan ng pananaliksik ang
mga di-empirikal na konsepto kagaya ng mga supernatural na bagay tulad ng
multo, ang buhay pagkatapos ng kamatayan, at mga iniiisip ng mga retarded.
Paano naging Nakuha mo! Lohiko ang pananaliksik sapagkat ang mga layunin nito ay
lohikal ang sadyang pinag-iisipan. Layon ng pananaliksik na lumutas ng mga observable
pananaliksik? na mga suliranin kaya ang isang mananaliksik ay nakapag-aambag ng mga

4
bagong kaalaman, kagamitang panturo, mga teorya, at praktika sa kaniyang
propesyon.

Ano ang Impressive! Ang hipótesis sa pananaliksik ay ang hinuha ng mananaliksik sa


hipotesis? magiging resulta ng isang eksperimentong gagawin niya. Dito inilalahad ang
mga pahayag na susubukin sa isang estadistika kung magiging totoo o hindi.
Hinango sa aklat ni Balunsay (2020) na may pamagat na Maunlad na Pananaliksik sa Filipino.

Halimbawa ng Teoretikal na Balangkas


Sa pag-usbong ng teknolohiya, napapadalas ang paggamit ng internet ng mga Pilipino. Iniulat na
isa sa mga nangungunang bansa ang Pilipinas sa mataas ang bilang ng gumagamit ng social media
platforms. Ang malimit na paggamit ng social media ay may posibilidad na makaapekto sa wikang
ginagamit ng indibidwal. Ang mga susunod na pag-aaral ay makatutulong sa mga mananaliksik sa
pagtukoy ng epekto ng paggamit ng social media sa paggamit ng wika.

Social Learning Theory

Ang Social Learning Theory ay sumasang-ayon sa Classical Conditioning at Operant


Conditioning ng Behaviorist Learning Theory. Mayroon namang dalawang karagdagang ideya si
Bandura. Ang una ay pumapatungkol sa proseso na naganap sa pagitan ng estimulo at tugon ng

tao. Ang pangalawa ay nagsasabing ang pag-uugali ay natutunan mula sa kapaligiran sa pamamagitan
ng proseso ng pag-aaral ng pagmamasid. Ayon dito, natututo ang bata sa pamamagitan ng pagmamasid
at pag-unawa sa kung paano kumikilos o tumutugon ang tao sa paligid nila. Ito ay tinatawag na
Pagkatuto sa Pagmamasid o Observational Learning (McLeod, S. 2016).

Maihahalintulad ang teoryang social learning sa pananaliksik na ito sa pag-unawa ng ugnayan


ng epekto ng kapaligiran sa pag-uugali at reaksyon ng indibidwal. Maaring naimpluwensyahan ng
reaksyon ng mga nasa paligid ng indibidwal ang inisyal na reaksyon o wikang ginagamit nito.
Makatutulong ang pagkilala sa paligid ng indibidwal sa pagtukoy ng pinanggalingan ng kaniyang
reaksyon o paraan ng paggamit ng wika.

Teoryang Integrasyon ng Social Media

Ang mga interaktibong Social Media tulad na lamang ng Facebook, Twitter, Instagram, at
Youtube ay halimbawa ng mga naging dahilan ng pagbabago ng komunikasyon. Dahil sa mabilis na
laganap ng paggamit ng Social Media bilang isang pangunahing daluyan ng pagsasama ng
komunikasyon, kinakailangang isaalang-alang kung paano naapektuhan ng pakikipag-ugnayan sa
lipunan ang proseso ng komunikasyon.

Ipinapakita sa Pigura 1 ang exposure, feedback, connecting, at sharing, na makikita sa mga


pangunahing social media sites. Ang modelong ito ay makatutulong sa pag-unawa ng daloy ng
impormasyon sa pamamagitan ng pakikipagkomunika ng tao. Mahalaga ang daloy ng impormasyon
kung saan natanggap ng mga tagapakinig ang mga mensaheng nais maiparating. Sa halip, ang
pagsasama ng Social Media ay nakikita bilang isang interaktibong proseso na nagbibigay-daan sa
parehong antas ng palitan ng impormasyon sa mga tagapakinig, na lumilikha ng isang pangmatagalang
proseso ng komunikasyon sa feedback at pagbibigay ng isang kabuuang diskarte sa pakikipag-ugnay.
Ang modelong ito ay gabay sa pagiging epektibo ng plataporma ng social media (Garcia, 2011).

5
Pigura 1. Social Media-Integration-Theory-Model

Halaw sa pananaliksik nina Carillo, et.al (2019) na may pamagat na Epekto ng Paggamit ng Social Media sa
Paggamit ng Wika.
Halimbawa ng Konseptwal na Balangkas

Mangangalap ang mga mananaliksik ng impormasyon sa pamamagitan ng pag- sasarbey


upang makuha ang kanilang pagkakakilanlan at upang makakuha ng tiyak na impormasyon hinggil sa
pinagdadaanan nila bilang batang ina. Tatalakayin ng mga mananaliksik ang mga pinagdadaanan ng
mga batang ina, sa pamamagitan ng mga sumusunod na salik: emosyonal, espiritwal, mental,
pinansyal, relasyonal at sosyal; at aalamin kung positibo o negatibo ba nila itong nararanasan.
Ang balangkas na makikita sa Fig. 1 ay nagpapakita ng mga pagkakakilanlan ng mga
respondente, kung anong taong gulang sila nagluwal ng sanggol, ang kanilang antas ng edukasyon,
marital status at kung tumigil o ipinagpatuloy ang kanilang pag-aaral ang mga ito ay independent
variable. Pinagdadaanang suliranin o problema ng mga batang inasa anim na salik: Emosyonal,
Espiritwal, Mental, Pinansyal, Relasyonal at Sosyal ang mga ito ay ang dependent variable.

Ang balangkas na ito ay upang malaman ang pagkakakilanlan ng mga respondente at ang
kanilang pinagdadaanan sa anim na salik, ito ay ang mga; emosyonal na salik ay ang nararamdaman ng
mga batang ina na maaring lungkot o saya, ang espiritwal na salik ay ang paniniwala at
pananampalataya pa din ng mga batang ina sa Panginoon, ang mental na salik ay ang takbo ng pag-iisip
at pananaw sa buhay ng mga batang ina, ang pinansyal na salik ay ang mga bagay o pangangailangan
na pagkakagastusan ng pera o mga ari-arian, ang relasyonal na salik ay ang relasyon, pakikisama o
pakikitungo ng mga batang ina sa kanilang mga magulang at asawa at ang pinakahuli naman ay ang
sosyal na salik ito ay ang pakikitungo o pakikisama ng mga batang ina sa ibang tao at lipunan.

Malayang Baryabol Di-Malayang Baryabol

Pagkakakilanlan ng mga taga-tugon: Pinagdaanang suliranin o problema


sa anim na salik:
• Edad sa unang panganganak
• Emosyonal
• Antas ng Edukasyon • Espitirituwal
• Mental
• Marital status
• Pinansiyal
• Tumigil o ipinagpatuloy ang • Relasyonal
pag-aaral • Sosyal

Fig. 1. Isang Konseptwal na Balangkas na Naglalarawan sa Ugnayan ng Malaya at Di-


malayang Baryabol.
Halaw sa pag-aaral nina Averion, et al. (2015) na may pamagat na Karanasan ng Batang Ina: Isang
Pananaliksik.

6
Yehey!!! Nasundan mo ba ang talakay kung ano ang mga konseptong kaugnay
ng pananaliksik at kahulugan ng mga ito.
Mabuti kung ganoon. Natutuwa akong unti-unting nagiging malinaw sa iyo
ang mga konseptong ito.

Ano’ng mahahalagang impormasyon ang iyong nalaman?

Makatutulong kaya ang mga ito sa iyong pag-aaral?

Markahan sa ibaba ang antas ng iyong pagkaunawa:

Lubos na naunawaan
Naunawaan
Naguluhan

Simulan mo na ang iba’t ibang gawain.

I-CONNECT MO!

Panuto: Kumpletuhin ang bawat pahayag sa Hanay A sa


pamamagitan ng pagdudugtong ng tamang ideya na nasa Pagsasanay 1
Hanay B. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Hanay A Hanay B
1. Ang hipotesis ay a. paglalahad ng mga teoryang batayan ng
pananaliksik.
2. Ang balangkas teoretikal ay b. isang teorya batay sa resulta ng isang
imbestigasyon.
3. Ang balangkas konseptwal ay c. paglalahad ng kabuuan ng varyabol,
metodo, at solusyon sa isinasagawang
pananaliksik
4. Ang datos empirikal ay d. paksang pinag-isipan at layunin nitong
solusyunan ang isang problema
5. Lohikal ang pananaliksik dahil e. mga datos na dumadaan sa masusing
ito ay pagsusuri at pag-aanalisa.

Dahil madali mo lang nasagutan ang unang pagsasanay, heto pa ang


isa pang gawaing magpapatibay ng iyong kaalaman.

7
Let’s AFD! (ARRANGE-FORM-DEFINE)

Panuto: Ayusin ang mga salita sa bawat aytem


Pagsasanay 2 para makabuo ng makabuluhang pahayag upang
maging katuturan ng mga konsepto. Isulat ang
sagot sa iyong sagutang papel.

1. hipotesis -
gagawin niya sa kung ano ang magiging resulta ng isang eksperimentong Ito
ang hinuha ng mananaliksik.

2. balangkas teoretikal -
saka ginagawan ng pag-uugnay Ito ay pagpapaliwanag ng teorya, sa
ginagawang saliksik sa mahahalagang proposisyon.

3. balangkas konseptwal -
at nakapaloob ang ng buong pananaliksik Ito ay tinaguriang blue print buod
ng pananaliksik.

4. datos empirikal -
at dumaan sa eksperimentasyon o paksang nasusukat, Ito ay mga bagay
napagmamasdan, kayang i-quantify,

5. datos lohikal -
na sadyang pinag-iisipan na nakapag-aambag ng mga bagong kaalaman,
Ito ay mga impormasyon kagamitang panturo, mga teoría, at praktika sa
isang propesyon.

Masaya akong nasasagutan mo ang mga pagsasanay! Heto pa ang isa para
mas mapaunlad pa ang iyong kaalaman sa mga konsepto.

8
UNCODE ME!
Panuto: Tuklasin kung ano ang binabanggit na
Pagsasanay 3 konsepto sa bawat talata at ayusin ang
jumbled letters para makabuo ng
makabuluhang salita na tumutukoy sa
konsepto. Isulat ang sagot sa iyong sagutang
papel.

1. a. Hindi mahalaga ang kaibhan sa antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral na tinuruan


ng Pangkolehiyong Aljebra sa wikang Filipino at wikang Ingles.
b. Hindi mahalaga ang kaibahan sa atityud sa Matematika ng mga mag-aaral na
tinuruan sa wikang Filipino at sa wikang Ingles. (Acelajado, 1996)

toepisshi

2. Makikita sa balangkas ng pag-aaral ang mga independent varyabols upang masukat


ang performance sa Numeracy sa pamamaraang Lift the Bowl at Hand Game. Batay
sa resultang makakalap bubuo ng mga mungkahing gawain tungkol sa pagpapataas
ng performance sa Numeracy, ang sanayang aklat. (Huevos at Marbella, 2019).

langkasba twalpesnok

3. Ikinapit ang pag-aaral na ito sa teorya ni Karen Honey, ang “Anxiety Theory” na
nagsasabi na ang mga sosyal na kapaligiran ang nakakaimpluwensya sa paglaki ng
bata, tulad ng pagdidisiplina ng mga magulang at tensyon, eksistensyang
pangangailangan sa pamamagitan ng pagwawalang bahala na ang mga bata ay
malilinang sa alin mang mga direksyon. Mapagtitibay at madedebelop ang bata sa
pagiging marunong, makakaya ang pagkabalisa sa pamamagitan ng paglapit sa
magulang ng damdamin at pagtitibay (Averion, et.al, 2015).

langkaba kalretiteo

4. Ang pasalitang Filipino ng mga mag-aaral sa Baitang 10 ayon sa ponolohiyang sinuri


ayon sa alterasyon ng ponemang segmental na /e/- /i/ at /o/- /u/. Lumabas sa resulta
na hindi naman nagkakalayo ang wastong bigkas na may bilang na labindalawa (12)
o 40 bahagdan sa may kauntiing maling bigkas na may bilang na labing-anim (16) o
53 bahagdan. Samantala, nagtala naman ang karamiha’y maling bigkas ng dalawa (2)
bilang o 7 bahagdan. Sa kabilang banda, wala naming naitalang mag-aaral ang
nagpaparinig ng lahat maling bigkas (Escobedo, 2015).

kalripeim

9
5. Sa dami ng bilang ng mga manok na kinokonsumo ng mga Pilipino, walang gaanong
impormasyon tungkol sa mga buto ng manok na nasasayang. Kaugnay nito, kung
pagbabatayan ang sinabi ni Mader (2016) na mas magagamit ang mga buto sa
industriya ng agrikultura, maaaring magamit ang mga buto ng manok bilang
pampataba para sa mga halaman. Kaya, nilalayon ng pananaliksik na ito na pag-
aralan ang mga buto ng manok bilang organikong pataba sa pagpapalaki ng Brassica
chinensis L.o pechay (Jobo, et.al 2019).

hilaklo

Nasagutan mo lahat na pagsasanay.

Anong naramdaman mo matapos malaman ang


resulta ng iyong pagsisikap?

 ☺ 

Panapos na Pagsubok
Ang bahaging ito ng
modyul ay susukat sa
mga natutuhan mo sa loob ng aralin. Huwag kang matakot
dahil alam kong kayang-kaya mo ito. Huling pagsubok na
lamang ito na kailangan mong gawin.

Panuto: Balikan ang iyong ginawang pananaliksik sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika


at Kulturang Filipino. Pagtuunan ng pansin ang iyong inilahad na balangkas konseptwal,
balangkas teoretikal, mga datos na inilahad, at hipotesis. Paunlarin ito na nasusunod ayon sa
kung ano ang kahulugan nito. Gamitin ang RUBRIK sa ibaba upang magsilbing gabay sa
epektibong pagpapaunlad sa mga bahagi ng iyong pananaliksik.

PAMANTAYAN PUNTOS
Ang iniilahad na balangkas konseptwal ay naaayon sa kahulugan nito. 5

Ang inilahad na balangkas teoretikal ay naaayon sa kahulgan nito. 5

Ang hipotesis ay mula sa hinuha ng mananaliksik. 5


Ang mga datos na inilahad sa pagtatalakay ay emprikal at lohikal. 5

Kabuoang Puntos 20

10
KARAGDAGANG GAWAIN

• Batay sa iyong pag-unawa sa mga binigay na kahulugan ng konsepto ng


pananaliksik, magbigay ng sarili mong bersyon ng pagpapakahulugan sa ilan
sa mga ito. Pumili lamang ng dalawang konsepto. Isulat sa short bond paper o
kaya i-email. Ang huli pagsumite ng sariling bersyon ng pagpapakahulugan ay
sa susunod na Biyernes.

Yehey!

Malapit mo nang matapos ang araling ito. Iwasto ang iyong


mga sagot sa pahina 12.
Ilang bituin kaya ang iyong matatanggap? Suriin sa ibaba.
 nagawa lahat
 1 hindi nagawa
 2 hindi nagaw
 3 pataas hindi nagawa

Ganoon pala ang mga kahulugan ng


konseptong saliksik.

Mabusisi ito pero na-enjoy ko ang


mga gawain sa pagsasanay.
Sa wakas ay narating mo ang dulo ng
aralin. Ang saya-saya ko at
napagtagumpayan mo ang mga
pagsasanay at gawain.

Epic di ba!!!?
Oh, hanggang sa muli!

11
12
Panimulang Pagsubok
1 konseptwal
2 teoretikal
3 empirikal
4 lohikal
5 hipotesis
Pagsasanay 1
1. hipótesis
2. balangkas konseptwal
3. balangkas teoretikal
4. emprikal
5. lohikal
Pagsasanay 2
1. b
2. a
3. c
4. d
5. e
Pagsasanay 3
1. Ito ay hinuha ng pananaliksik sa kung ano ang magiging resulta ng
eksperimentong gagawin niya.
2. Ito ay pagpapaliwanag ng teoría sa mahahalagang proposisyon ng teoría,
saka gagawan ng pag-uugnay sa ginagawang saliksik.
3. Ito ay tinaguriang blue print ng pananaliksik at nakapaloob ang buod ng
pananaliksik.
4. Ito ay mga bagay na napagmasdan o mga paksang nasusukat, kayang i-
quantify at dumaan sa eksperimentasyon.
5. Ito ay mga impormasyon na sadyang pinag-isipan na nakapag-aambag ng
mga bagong kaalaman, kagamitang panturo, mga teoría, at praktika sa isang
propesyon.
Panapos na Pagsubok
Gagamitin ang Rubrics sa pagmamarka ng awtput
Susi sa Pagwawasto
Mga Sanggunian
1. Acelajado, M. (1996). Makataong Matematika: Malay Tomo XIII. Manila, Philippines:
De La Salle University Press, Inc.
po.pnuresearchportal.org/ejournal/index.php/normallights/article/.../761
2. Averion, et.al (2015). Karanasan ng batang ina: isang pananaliksik. LPU Laguna
Journal of Arts and Sciences: Psychologival Research Journal Vol. 2, No. 2
September 2015. Research and Staticstics Center LPU Laguna.
lpulaguna.edu.ph/.../KARANASAN-NG-ISANG-BATANG-INA-ISANG-
PANANALIKSIK.pdf
3. Balunsay, Jovert R. (2020). Maunlad na pananaliksik sa Filipino. 61 Murralla St.,
Intramuros,Manila: Mindshapes Co., Inc.
4. Carillo, RC. et.al (2019). Epekto ng paggamit ng social media sa paggamit ng wika.
Mapua Univeristy.
https://www.researchgate.net/.../340953850_Epekto_ng_Paggamit_ng_Social
_Media_sa_Paggamit_ng_Wika
5. Escobedo, Albert F. (2015). Pasalitang Filipino ng mga Mag-aaral sa Baitang 10.
Unpublished Masteral Thesis. Sorsogon State College, Sorsogon City.
6. Huevos, Margie at Marbella, Felisa (2019). Laro: Isang estratehiya sa pagtuturo ng
numeracy. International Journal of Research Studies in Education 8(4) July 2019.
DOI: 10.5861/ijrse.2019.4903
https://www.researchgate.net/publication/334172542_Laro_Isang_estratehiya_sa_pa
gtuturo_ng_numeracy
7. Jobo, John Matthew B. et.al (?). Mga Buto ng Manok Bilang Organikong Pataba sa
Pagpapalaki ng Pechay (BRasica Chinensis L.). De La Salle University.
https://www.academia.edu/.../Mga_Buto_ng_Manok_Bilang_Organikong_
Pataba_sa_Pagpapalaki_ng_Pechay_Brassica_chinensis_L

13
Para sa iba pang tanong at puna, maaaring sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon V

Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500

Mobile Phone: 0917 178 1288

Email Address: region5@deped.gov.ph

You might also like