You are on page 1of 14

Global Warming sa Pilipinas

Maraming isyu ang kinakaharap ng


ating bansa sa kasalukuyan. Ngunit
kung akoy bibigyan ng
pagkakataon na maging bahagi ng
mga isyung ito, ang una kong
pagtutuunan ng pansin ay ang isyu
tungkol sa ating kapaligiran.
Ginawa ko ang sanaysay na ito
upang mailahad ko ang mga bagay
na aking naiisip na kaakibat ng
ating kapaligiran sa kasalukuyang
panahon.
Patuloy na nasisira ang ating kapaligiran,
dahilan upang magkaroon ng negatibong
pagbabago hindi lamang dito sa ating
bansa bagkus pati na rin sa buong sa
daigdig. Ang lumalalang sitwasyon ay
nagiging dahilan upang magkaroon ng
pangyayari na tinatawag na global
warming.
Ang global warming ay ang
pagtaas ng temperature ng
ating mga karagatan at
atmosphere at ang patuloy na
paglala nito.
Sinasabi ng mga scientist at mga
eksperto na ang dahilan nito ay
ang pagsusunog ng mga fossil
fuels na nagiging sanhi ng
pagkasira ng ozone layer ng ating
atmosphere.
At dahil unti-unting nabubutas ang
ozone layer, ang init na galing sa araw
o itong tinatawag na suns rays na
mapanganib sa ating kapaligiran kung
itoy direktang makapapasok ay siya
na ngang nagyayari sa kasalukuyang
panahon.
Ang ozone layer ang siyang
nagsisilbing taga-sala nito o filter
upang hindi ang mga mabubuting
sinag lamang ang makapasok sa
ating atmosphere.
Sa isyu ng global warming,
napakahalaga na pagtuunan ng
pansin ang mga bagay na nagiging
dahilan ng ganitong pangyayari.
Alamin, sa abot ng makakaya, ang
mga sanhi ng global warming.
Sa ganitong paraan, malalaman natin ang
mga dahilan ng pagkasira ng ating
atmosphere at magagawan natin ng paraan.
Maiiwasan natin ang mga gawaing
nakapagdudulot ng unti-unting pagkabutas
ng ating ozone layer gaya ng pagsusunog ng
mga fossil fuels.
Hindi lamang sa ating henerasyon maaaring
makaapekto ang global warming. Higit na
mararamdaman ito ng ating mga anak at
kanilang mga pamilya kung hindi natin
maaagapan ang pagkasira ng ating kapaligiran.
Marapat lamang na hanggang maaga ay
kumilos tayo upang hindi na lumala pa ang
sitwasyon.
Kailangan lamang na magkaisa tayo
upang masolusyunan natin ang
problemang kinakaharap. Malaki ang
ambag ng bawat isa sa pagkakaroon ng
mabuti at malinis na kapaligiran. Huwag
na sana tayong dumagdag pa sa mga
taong patuloy ang pagsira sa ating
kapaligiran. 2011 Sanaysay sa Filipino.
Wakas
Sumulat ng sanaysay tungkol sa Epekto ng
Bisyo sa Kabataan. Gamitin ang
panukalang pamagat na ito.
Ang Bisyo sa Mata ng mga Kabataan
Pamantayan:

You might also like