You are on page 1of 60

Introduksiyon sa

Pananaliksik sa
Wika at Kulturang
Pilipino
Kahulugan ng Pananaliksik
 Pananaliksik ang pangkalahatang tawag sa
kaparaanang tumutukoy sa proseso ng pagsagot
ng mga makabuluhang tanong na maaaring
humantong sa pagkakatuklas ng bagong
kaalaman sa lahat ng bagay, mula sa ating
materyal na realidad hanggang sa mga
pilosopikong tanong tungkol sa ating pag-iral
(Salazar, 2016)
Kahulugan ng Pananaliksik
 Ayon kay Good(1963) ang pananaliksik ay
isang maingat, kritikal, disiplinadong inquiry
sa pamamagitan ng iba’t ibang teknik at
paraan batay sa kalikasan at kalagayan ng
natukoy na suliranin tungo sa klaripikasyon
at/o resolusyon nito.
Kahulugan ng Pananaliksik
 Ayon kay AQUINO (1974) ang pananaliksik
ay isang sistematikong paghahanap sa
mga mahahalagang impormasyon hinggil
sa tiyak na paksa o suliranin.
LAYUNIN
 Ang pangunahing layunin ng
pananaliksik ay ang preserbasyon at
pagpapabuti ng kalidad ng
pamumuhay ng tao.
 Wika nga nina Good at Scales(1972), The
purpose of research is to serve man, and
the goal of research is the good life.
Mga Tiyak na Layunin ng Pananaliksik
(ayon kay Calderon at Gonzales, 1993)
1. Upang makadiskubre ng mga
kaalaman hinggil sa mga batid nang
penomena.
2. Upang makakita ng mga sagot sa mga
suliraning hindi pa ganap na nalulutas
ng mga umiiral na metodo at
impormasyon.
3. Mapagbuti ang mga umiiral na teknik at
makadevelop ng mga bagong instrumento
o produkto.
4. Makatuklas ng mga hindi pa nakikilalang
substance at element.
5. Higit na maunawaan ang kalikasan ng mga
dati nang kilalang substance at element.
6. Makalikha ng mga batayan ng
pagpapasya sa kalakalan, industriya,
edukasyon, pamahalaan at iba pang
larangan.
7. Matugunan ang kuryosidad ng
mananaliksik.
8. Mapalawak o maberipika ang mga umiiral
na kaalaman.
Mga Katangian ng Mabuting Pananaliksik
1. Obhetibo
2. Sistematiko
3. Napapanahon o maiuugnay sa
kasalukuyan
4. Empirikal
5. Kritikal
Mga Katangian ng Mabuting Pananaliksik
6. Masinop, Malinis, at tumutugon sa
Pamantayan

7. Dokumentado
Mga Katangiang Dapat
Taglayin ng Isang Mananaliksik
Mapamaraan

Matiyaga

Maingat

Analitikal

Kritikal o mapanuri
Mga Uri ng Pananaliksik – Ayon sa Layunin
1. Ang resulta ng tinatawag na basic
research ay agarang nagagamit para sa
layunin nito.

Halimbawa:
1. Pananaliksik tungkol sa epekto ng haba
ng oras na inilalaan ng mga kabataan sa
paggamit ng Facebook sa kanilang
pakikitungo sa mg tao sa kanilang paligid
2. Pananaliksik tungkol sa font na ginagamit
ng mga vandals sa Metro Manila
Mga Uri ng Pananaliksik – Ayon sa Layunin
2. Ang action research ay ginagamit upang
mkahanap ng solusyon sa mga espesipikong
problema o masagot and mga espisikong
mga tanong ng isang manaliksik na may
kinalaman sa kanyang larangan.

Halimbawa:
1. Pananaliksik kung may epekto ba ang
pagkakaroon ng part-time job sa
pagkatuto ng mga estudyante sa
ikalabing-isang baitang sa inyong
paaralan.
Mga Uri ng Pananaliksik – Ayon sa Layunin
3.. Ang applied research ay ginagamit o
inilalapat sa majority .

Halimbawa:
1. Pananaliksik kung paano nagaganap ang
bullying sa isang paaralan.
2. Pananaliksik kung bakit sumasali sa mga
gang ang mga kabataan sa isang
komunidad.
Proseso sa Pagbuo
ng Sulating
Pananaliksik
1. Pagpili ng Paksa
1. Kailangang may interes dito ang mananaliksik.
2. Dapat limitahan ang paksa upang magampanan sa
loob ng pamanahong ilalaan para sa pananaliksik.
3. Tiyakin na may mapagkukunan ng sapat na datos,
materyales o sanggunian sa paksang napili
4. Iwasan ang mga lubhang teknikal na paksa upang
hindi masyadong maging malalim ang mga terminong
tatalakayin.
5. Kinakailangang napapanahon ang paksang pipiliin.
Batayan sa Paglilimita ng Paksa
1. Sakop ng Panahon
Pangkahalatang • Ang Kalagayan ng Indie Film sa
Paksa Panahon ng Bagong Milenyo

• Ang Kalagayan ng Indie Film noong


Nilimitang Paksa Dekada 2000

Higit pang • Ang Kagalayan ng Indie Film sa


nilimitang paksa taong 2010-2015
Batayan sa Paglilimita ng Paksa
2. Sakop ng Edad
• Ang Kagalayan ng mga Maagang
Pangkahalatang
Nagtatrabaho at ang Kanilang
Paksa
Kinabukasan sa Hinaharap

• Ang Kalagayan at Kahihinatnan ng mga


Nilimitang Paksa
Batang Maagang Pinagtatrabaho

Higit pang • Ang Pagtatrabaho ng mga Batang Nasa


nilimitang paksa Edad 10-15: Kalagayan at Kahihinatnan
Batayan sa Paglilimita ng Paksa
3. Sakop ng Kasarian

• Ang mga Naging Tungkulin at Gampanin


Pangkahalatang
ng mga Kinatawan ng Kongreso sa
Paksa Tagumpay Violence Against Women

• Mga Tungkulin at Gawain ng mga


Nilimitang Paksa Babaeng Kongresista sa Tagumpay ng
Violence Againts Women
Batayan sa Paglilimita ng Paksa
4. Sakop ng Propesyon o Grupong Kinabibilangan

Pangkahalatang • Ang mga Wikang Ginagamit ng mga


Paksa “LGBT”

• Pag-aaral sa mga Wikang Gamit ng mga


Nilimitang Paksa
“LGBT Parlorista”
Batayan sa Paglilimita ng Paksa
5. Sakop ng Anyo o Uri

• Pag-aangkop ng mga Kababaihang


Pangkahalata Muslin sa Gawi, Saloobin at Pananamit
ng Paksa ng mga Mag-aaral na Kristyano

Nilimitang • Pag-aangkop ng mga Babaeng Muslim


sa Kulturang Gawi ng mga Kristiyanong
Paksa Mag-aaral
Batayan sa Paglilimita ng Paksa
6. Sakop ng Lugar

• Ang Saloobin ng mga Mag-aaral sa


Pangkahalatang
Senior High School sa Pag-aaral ng
Paksa Filipino 11 at Filipino 12

• Ang Saloobin ng mga Mag-aaral na nasa STEM


Nilimitang Paksa Strand Ukol sa Pag-aaral ng Filipino 11 at
Filipino 12 sa Pangasinan I Division
Mga Hakbang sa Pagpili ng Paksa

 1. Alamin kung ano ang inaasahan o layunin ng


susulatin
 2. Pagtatala ng mga posibleng maging paksa para
sa sulating pananaliksik
 3. Pagsusuri sa mga itinalang ideya
 4. Pagbuo ng tentatibong paksa
 5. Paglilimita ng paksa
2. Pangangalap ng Paunang
Impormasyon at Pagbuo ng Pahayag
ng Tesis
 Mga Uri ng Datos

 1. Datos ng Kalidad o qualititive data – mga datos na


nagsasalaysay o naglalarawan o pareho. Halimbawa ng
qualitative data ay kulay, tekstura, lasa, damdamin, mga
pangyayari at sasagot sa mga tanong na paano at bakit.
Kung minsan, maging ang mga sagot sa mga tanong na, ano, sino,
kailan at saan ay maari ding ikonsiderang datos ng kalidad
depende sa tanong at/o sagot ng respondents.
Halimbawa:
 Ano gingawa mo noong kasagsagan ng bagyong
Ondoy?
 Sino si Jose Rizal para sa iyo?
 Kailan mo masasabing handa nang pumasok sa
isang seryosong relasyon?
 Anong pagpapakahulugan ang maibibigay mo sa
salitang pabebe?
2. Datos ng kailanan o quantitative data
Ito ay datos na numerikal na ginagamitan ng mga
operasyong matematikal. Tumutukoy ang mga ito sa
dami o bilang ng mga bagay o sagot ng mga
sinarbey o ininterbyung mga respondent.
Pahayag ng Tesis o Thesis Statement
 Ang pahayag na tesis ay naglalahad ng pangunahin o
sentral na ideya ng sulating pananaliksik. Isa itong
matibay na pahayag na naglalahad sa pinapanigang
posisyon o pananaw ng mananaliksik tungkol sa paksa na
handa niyang patunayan sa pamamagitan ng
pangangalap ng mga datos at ebidensya.
Pagbuo ng Mahusay na Pahayag ng
Tesis
 Maaring masubok kung mahusay o matibay ang nabuo
mong pahayag ng tesis sa pamamagitan ng pagsagot sa
sumusunod:
 1. Nakakasagot ba ito sa isang tiyak na tanong?
 2. Tumutugma ba ito sa sakop ng pag-aaral?
 3. Nakapokus ba ito sa isang ideya lang?
 4. Maari bang patunayan ang posisyong pinaninidigan
nito sa pamamagitan ng pananaliksik.
Paraan ng Paglalahad sa Pahayag ng
Tesis
 Hindi lang iisa ang paraan ng paglalahad sa
panunkalang pahayag. Ayon kay Samuels ( 2004 ),
maari itong isagawa sa alinman sa sumusnod na
mga paraan:
 1. Isulat sa pamamagitan ng isang suliranin at
isama rito ang iyong opinyon o posisyon.
 2. Talakayin ang kasalukuyang kalagayan ng
isang isyu o suliranin at maghinuha kung paano
ito maaring malutas.
 3. Mag-isip ng maaring maging solusyon sa isang
suliranin.
 4. Tingnan ang isyu o paksa sa isang bago at
naiibang perspektibo o pananaw.
 5. Magpanukala kung paanong ang mundo sana
ay naiiba ngayon kung nangyari /hindi nangyari
ang mga bagay-bagay sa nakalipas.
 6. Pagkomparahin ang dalawang bagay na halos
magkapareho at bigyan ang mga ito ng marka.
 7. Maglahad ng iyong mga ideya kung paanong
naimpluwensyahan ang isang paksa kaya ito ang
naging ganito o ganoon.
Makikita sa ibaba ang ilang halimbawa ng paksa at
ang pahayag ng tesis na nabuo mula rito.
 Paksa:

Pangunahing dahilan kung bakit tinatangkilik ang


isang awiting isinalin sa ibang lengguwahe

Tesis:
Bukod sa himig at ritmo, tinatangkilik ang
isinaling awit kung naisalin ang ideya ng orihinal na awit
nang hindi hinahabol o isinisiksik ang titik ng
pinagsalinang lengguwahe sa tono ng orihinal na awit.
 Paksa:

Pagiging popular sa mga manonood ng mga


loveteam sa telebisyon at pelikula.

Tesis:
Isinasabuhay ng mga loveteam ang
romantikong pantasya ng mga manonood ng
telebisyon at pelikula kaya suportado o tinatangkilik
mila ito.
3. Pagbuo ng Pansamantalang
Balangkas at Konseptong Papel
 Kahalgahan ng Pagbuo muna ng balangkas bago
simulan ang pagsulat
1. Higit na nabibigyang-diin ang paksa
2. Nakapagpapadali sa proseso ng pagsulat
3. Nakakatukoy ng mahinang argumento
4. Nakatutulong maiwasan ang writer’s block
Paano Ginagamit ang E-Textbooks
sa Loob ng Silid-Aralan
(Pansamantalang Balangkas)

I. Introduksiyon
A. Paunang Kaalaman o Background sa Paggamit ng E- Textbook sa Silid
Aralan
B. Layunin ng Pag-aaral
C. Pahayag na Tesis
D. Mga Tanong na Nais Sagutin ng Papel
E. Kahalagahan ng Pananaliksik
F. Lawak at Delimitasyon ng Papel

II . Mga Kaugnay na Literatura


A. Depinisyon ng E-Textbook
B. Maikling Kasanayan ng E-Textbook
C. Mga Pormat ng E-Textbook
D. Pagkokompara ng E-Tetbook sa mga Inimpretang Libro
E. Mga Naunang Pag-aaral Tungkol sa Paggamit ng E-Textbook
III. Metodolohiya
A. Obserbasyon
B. Dokumentasyon
C. Pag
IV. Resulta
V. Kongklusiyon at Rekomendasyon
VI. Bibliograpiya
4. Pangangalap ng Impormasyon at
Pagbuo ng Bibliograpiya
5. Pagsulat ng Pananaliksik
3. Paghahanda ng pansamantalang
sanggunian o bibliograpiya.
Maghanda ng mga indeks card sa maaring pagsulatan
ng mga nakalap na sanggunian.
 Kard ng may akda
 Kard ng paksa
 Kard ng pamagat
(Matatagpuan ang pangalan ng may-akda, pamagat ng aklat,
pook na pinaglimbagan, palimbangan, petsa ng pagkakalimbag
at ilang paliwanag tungkol sa nilalaman ng aklat)
Ayusin palpabeto ang pangalan ng mga may-akda ng aklat na
ginamit para sa paggawa ng bibiliograpiya.
Estilong Pansanggunian
 MODERN LANGUAGE ASSOCIATION(MLA)
 Ang estilong MLA ay isang gabay para sa pagsulat,
dokumentasyon at pananaliksik sa humanidades, lalo sa English
Studies, pag-aaral sa mga modernong wika at panitikan,
kasama ang komparatibong literatura, kritisismong
pampanitikan, media studies, araling kultural at kaugnay na
mga disiplina (ngunit hindi kasama ang kasaysayan, pilosopiya
at teknolohiya na sumusunod naman sa Chicago Manual of
Style)
Estilong Pansanggunian
 MODERN LANGUAGE ASSOCIATION(MLA)
Halimbawa

Irmay, Miklos. Multilingualism on the Internet: “A


few examples, MEXFT ‘98 Workshop Proceeding,”
1998

Oudet,Bruno. Multilingualism on the Internet:


Scientific American.1999
Estilong Pansanggunian
 AMERICAN PSYCHOLOGICAL ASSOCIATION (APA)
 Ang estilong APA ay nilikha para gabayan ang pag-unawa sa
pagbababa sa agham panlipunan at pangkaugalian (social and
behavioral sciences), para sa malinaw na komunikasyon at para sa
paggamit ng mga salitang mainam sa pagbabawas ng anumang
maling palagay (“word choice that est reduces bias in language”)
Estilong Pansanggunian
 AMERICAN PSYCHOLOGICAL ASSOCIATION (APA)
Halimbawa

Aquino, B. 1990. The taming of the millionaire. New


York: Random House.

Bernales, Rolando A. Bukal 3: Pagbasa. San Mateo,


Rizal:Vicente Publishing House, Inc.
Estilong Pansanggunian
 CHICAGO MANUAL OF STYLE (CMS)
 Pinasimulan ng University of Chicago noong 1006, kasalukuyan na
itong may 16 na edisyon at pinakagamiting estilo lalo sa hanay ng
mga publisher. Tumatalakay ito sa mga aspekto ng praktika ng
editoryal mula sa gramatika hanggang sa paghahanda ng
dokumento at aklat. Ginagamit ito sa ilang publikasyon ng
aghampanlipunan at karamihan sa mha jornal sa kasaysayan.
Estilong Pansanggunian
 CHICAGO MANUAL OF STYLE (CMS)
Halimbawa

Atienza, Glecy, Bienvenido Lumbera, at Galileo Zafra, mga


ed.Bangon: Antolohiya ng mga Dulang Mapanghimagsik.
Lungsod Quezon: Office of Research Coordination, Unibersidad
ng Pilipinas, 1998.

Mella, Cesar Jr.,at Adelino Hachero-Mina. The Fragnant Sky. wl.,1967.


4. Paggawa ng
pansamantalang balangkas
1. Balangkas na Paksa

2. Balangkas na Pangungusap

3. Balangkas na Patalata
Mga Prinsipyo sa Pagbuo ng Balangkas
1. Ayon sa Pamagat ng mga Bahagi
 Iwasang gamitin ang mga salitang simula, katawan at wakas
bilang mga pangunahing bahagi ng balangkas
 Halimbawa:
Iwasan Angkop
I. Simula I. Kalikasan ng mga Halamang Gamot
A. A. Uri
B. B. Gamit
II. Katawan II. Epekto ng mga Halamang Gamot
A. Kabutihang Naidudulot
B. Kapinsalaang Naidudulot
III. Wakas III. Pangangailangang masuri, maidudulot,
mapaunlad at magamit sa kalusugan
Mga Prinsipyo sa Pagbuo ng Balangkas

2. Ayon sa Pagkakaiba ng pangunahing at di-pangunahing idea


 Hindi dapat maipagkamali ang pangunahing idea sa pantulong
na idea
 Halimbawa:
Iwasan Angkop
A. Kalikasan I. Kalikasan ng mga Halamang Gamot
B. Epekto A. Uri
B. Gamit
Mga Prinsipyo sa Pagbuo ng Balangkas
3. Ayon sa Paralelismo ng mga Idea
 Magiging malinaw ang pagkakaayos ng isang balangkas kung
parallel ang mga idea na inilalahad.
 Halimbawa: Ayon sa Estruktura
Di-parallel Parallel
II. Masamang epekto ng II. Epekto ng Computer Games
computer ames Gamot
A. Katawan A. Kalusugan
B. Mag-aaral B. Mag-aaral

II. Ang Panitikang II. Ang Panitikang Pilipino


A. Iba’t Ibang Panahon A. Panahon ng Kastila
B. Panahon ng Pagbabago B. Panahon ng Himagsikan
5. Pangangalap ng Datos

Madali mahikayat ang mambabasa na paniwalaan


ang ibinibigay na impormasyon kung nakikita ang mga
ito na may pinagkukunan ng mga datos o may
pinagbabatayan ang mananaliksik sa kanyang mga
sinasabi at hindi batay sa opinyon o pala-palagay
lamang.
Paraan ng Pagtatala
 Tuwirang Sipi (Direct Qoutation)

 Di-Tuwirang Sipi 0 Paraprase

 Pagbubuod

 Interpretasyon
Paraan ng Pagtatala
 Tuwirang Sipi (Direct Qoutation)
- Pagkuha sa eksaktong sinabi ng awtor o taong pinagkunan ng
impormasyon
Halimbawa:

Mahalaga ang wikang Filipino para sa mabisang


mobilisasyon ng mga mamamayang Filipino. Ipinaliwanag ito ni
Pangulong Benigno Aquino II sa kaniyang talumpating binigkas
sa Pambansang Kongreso sa Wika ng KWF noong 19 Agosto
2013.
Paraan ng Pagtatala
 Di-Tuwirang Sipi o Paraprase
- Pagpapakahulugan o pagbabago ng estruktura ng sinipi o pagbabago ng
mga salita ng orihinal na teksto ngunit hindi nababago ang kahulugan
Halimbawa:

Ayon kay Pangulong Aquino, tungkulin niyang magsalita sa wikang


komportable at naiintindihan ng mga Filipino. Isang paraan ito ng pagbabalik
sa tiwala at kompiyansa sa pamahalaan. Bago pa man siya mahalal,
nagdesisyon na siyang gamitin ang Filipino sa kaniyang mga talumpati dahil
ito ang tunay na tinig ng sambayanan.
Paraan ng Pagtatala
 Pagbubuod (Summarizing)
- Pagpapaikli sa pangunahing idea ng awtor o taong pinagmulan ng
impormasyon
- Ang kaibahan nito sa paraprase ay ang pangunahing idea ng awtor ang
tuon ng pagbubuod
Halimbawa:

Sinabi ni Pangulong Aquino na Filipino ang kaniyang


gagamitin sa mga talumpati dahil higit siyang naiintindihan ng
sambayanan gamit ang wikang ito, at isa rin itong paraan ng
pagbabablik ng tiwala at kompiyansa ng mga mamamayan sa
pamahalaan.
Paraan ng Pagtatala
 Interpretasyon
- Pagpapakahulugan at paglilinaw sa kahulugan ng isang impormasyon,
pagbuo ng buod mula sa mga impormasyon, at pagpapaliwanag ng
kahalagahan ng impormasyong ito.

Halimbawa:

Para kay Pinoy, malaganap na ang Filipino kaya ito ang


epektibong gamiting wika para maintindihan ng sambayanan sa
buong Filipinas.
6. Pagpapahalaga sa mga nakalap na datos
Ayon kina Mosura, et al. (1999), ang mga hanguang
primarya (primary sources) ay:
1. Mga individwal o awtoridad
2. Mga grupo o organisasyon tulad ng pamilya, asosasyon,
unyon, fraternity, katutubo o mg minorya, isnes, samahan,
simbahan at gobyerno.
3. Mga kinagawiang kaugalian tulad ng relihiyon at pag-
aasawa, sistemang legal at ekonomik at iba pa
4. Mga pampublikong kasulatan o dokumento tulad ng
konstitusyon, batas-kautusan, treaty o kontrata at ang lahat
ng orihinal na tala, katitikan sa korte at ornal at talaarawan o
dayari.
6. Pagpapahalaga sa mga nakalap na datos
Ang mga hanguang sekundarya (secondary sources)
naman ay:
1. Mga aklat tulad ng diksyunaro, ensayklopidya, taunang-
ulat o yearbook, almanac at atlas.
2. Mga nalathalang artikulo sa jornal, magazin,
pahayagan at newsletter.
3. Mga tesis, disertasyon at pag-aaral ng fisibiliti, nailathala
man ang mga ito
4. Mga monograf, manwal, polyeto, manuskrito at iba pa.
7. Paggawa ng pangwakas na
balangkas
Sa pagbuo ng pangwakas na balangkas, maaaring
ilan sa mga nakalap na datos o sanggunian ay tanggalin
o dagdagan. Karaniwan nang nasa balangkas na
pangungusap na ang mga pangwakas na balangkas.
Nagsisilbi ring gabay ang pangwakas na balangkas
upang maisulat ang unang burador.
8. Pagsulat ng burador at
pagwawasto

Ang pagsulat ng burador ay isang prosesong


nangangailangan ng pagtatanggal at pagdaragdag ng
mga datos o pagbabago ng daloy ng pagtalakay sa
pananaliksik.
9. Pagsulat ng kongklusyon
Ang kongklusyon ay nagtataglay ng pangkabuuang
paliwanag hinggil sa nais sabihin ng mananaliksik.
Nakaangla ang kongklusyon sa mga inilahad na datos sa
pananaliksik at sa kinalabasang resulta ng pag-aaral.
Dagdag pa rito, ang kongklusyon ay maaari ring magbigay
ng payo o rekomendasyon sa babasa ng sulating
pananaliksik hinggil sa paksang maaaring gamitin sa
panibagong pag-aaral o gagawing pananaliksik

You might also like