Professional Documents
Culture Documents
MTB Yunit 1 Modyul 5
MTB Yunit 1 Modyul 5
Si Gani at Rita ay
kasali sa patimpalak.
Sila ay maglalaban
para sa pagalingan sa
pagluluto.
komite-
Si Lorna ay kasama sa
komite sa pagguhit.
Ang kanilang grupo
ang mamamahala sa
patimpalak na iyon.
Nakapanood na ba kayo
ng isang program o
palatuntunan?
Nakaranas na ba kayong
mamahala ng isang
programa?
Ang Batang Maaasahan
Akda ni Babylen Arit-Soner
Lunes ng umaga,
nagpaplano ang buong
klase ni G. Aguilar tungkol sa
gagawin nila para sa Buwan ng
Nutrisyon.
“Tayo ay magkakaroon
ng patimpalak para sa
pagsulat ng sanaysay,
pagguhit, pagbuo ng
islogan at pagluluto.
Ako ay magbubuo ng
mga komite para sa
ating pagdiriwang,”
ang sabi ni G. Aguilar.
“Ako po ang
bahala sa pagbuo ng
programa,” maagap
na sagot ni Kiko.
“Kami naman po ang
bahala sa
patimpalak sa
pagsulat ng
sanaysay,” ang wika
ng grupo ni Trina.
“Sila naman po ang
mamamahala sa patimpalak
sa pagguhit,” turo ni Trina sa
grupo ni Jose.
“Walang problema,”
ang sagot naman
nila.“Lisa, ikaw ang
aking ilalagay sa
komite para sa
pagbuo ng
islogan,”sabi ng
guro.
“Sige po,” sagot ni
Lisa.
“Siya naman
daw po ang
bahala sa
patimpalak sa
pagluluto, sabi
po ni Maria,”
dagdag pa ni
Lisa sa guro.
“Magaling
kayong lahat ay
talagang
maaasahan ko,
”tuwang-tuwa at
may
pagmamalaking
saad ng guro.
Bakit sila tinawag na mga
Tungkol saan ang kuwento?
batang maaasahan?
Pangkat I: Kuwento
Ko, Alalahanin Mo!
Sagutan ang “story
map”.Gawin ito sa
manila paper. Story
Map
Pamagat ng Kuwento:
Mga Tauhan:
Mga Mahahalagang
Pangyayari:
1.
2.
3.
Pangkat II:Saloobin Mo,
Iguhit Mo!
Ikaw ba ay matatawag
din na batang
maaasahan? Bakit?
Ano ang inyong saloobin
sa mga pangyayari sa
kuwento?
Bakit ito ang inyong
naramdaman?
Ano kaya ang mangyayari
sa pagdiriwang ng klase ni
G. Aguilar?
Paano mauunawaan ang
nilalaman ng isang kuwento?
Paano makapaghihinuha ng
maaaring mangyari sa
kuwento?
Ikatlong Araw
Layunin: Nakababasa
ng mga salitang may
klaster at maramihang
pantig
Nababasa nang may
kasanayan ang mga
salita sa unang kita na
naaayon sa baitang
Bibigkasin ko ang
salita isulat ito sa
pisara at basahin
nang malakas.
grupo
problemado
nagpaplano
programa
klase
Trina
patimpalak
mamamahala
pagmamalaki
magbubuo
maaasahan
pagdiriwang
Tandaan
Binabasa ang mga
salita ayon sa
pabaybay na pantig
nito.
Ginagamit ang tamang
diin sa bawat pantig
upang maibigay ang
wastong kahulugan ng
bawat salita.
Sa pagsulat ng
kuwento, nakapasok
ang unang
pangungusap sa bawat
talata. Sa pagsulat ng
pangungusap, lagi
itong nagsisimula sa
malaking letra at
nagtatapos sa wastong
bantas
May tamang
espasyo ang
pagkakasulat
ng bawat
salita sa
pangungusap.
Pangkatin ang mag-aaral
sa apat. Bawat pangkat
ay magbibigay ng
sampung salitang may
klaster at salitang may
maramihang pantig.
Basahin at baybayin nila
ang mga ito nang wasto.
Gamit ang mga salitang
ibinigay ng bawat
pangkat, ipabasa ito sa
buong klase, pangkatan,
dalawahan, at isahan na
may tamang intonasyon o
diin at pabaybay ng
pantig.
Magbigay pa ng
karagdagang mga salita na
mula sa talaan ng mga
salita sa unang kita na
naaayon sa baitang.
Ipabasa ito na may tamang
intonasyon o diin at
papantig na pagbaybay.
Ikaapat na Araw
Layunin: Nakasusulat ng
maikling kuwento na
sumusunod sa
pamantayan sa
pagsulat.
Nakikilala ang ugnayan
ng tunog at simbolo nito
at nagagamit ito sa
pagsulat
Bakit maaasahan ang
mga bata sa kuwentong
“Ang mga Batang
Maaasahan”?
___________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
Ikalimang Araw
PAGTATAYA
Isulat sa
patlang ang
angkop na
panghalip sa
bawat
pangungusap
1. Mayroon akong kaibigan.
______ ay si Babylyn.