You are on page 1of 42

Layunin:

Nakalilikha ng maskara
at headdress gamit ang
mga patapong bagay na
may tema ng isang
natatanging piyesta
Sa ibang lugar, ang
maskara ay ginagamit
ng mga tao para sa
kasayahan, at
natatanging
pagdiriwang.
Ang maskara ay
may iba’t ibang uri.
May simple lamang na
gawa sa supot, at
mayroon ding
pinipinturahan para
maging kaakit-akit.
Gawain 1
Pamamaraan:
1. Kumuha ng karton o
lumang folder na may
sapat na laki para
matakpan ang mukha.
2. Gamit ang gunting,
gupitin ang karton sa
hugis na nais mo.
3. Itapat sa mukha at
lagyan ng tanda kung
saan nakatapat ang iyong
mata, ilong, at bibig.
4. Lagyan ng butas
para sa mata, ilong, at
bibig.
5. Lagyan ng kilay at
pagandahin ang mata,
ilong, at bibig gamit
ang iyong krayola.
6. Maaari mong
patangusin ang ilong sa
pamamagitan ng
pagputol ng 2x2 pulgada
ng karton o folder. Idikit
ito sa tapat ng ilong ng
maskara.
7. Dagdagan pa ng
mga hugis at kulay
ang iyong maskara
upang higit itong
maging kaakit-akit.
8. Pintahan ng water
color ang iyong maskara.
9. Butasan ng maliit sa
tigkabilang tabi malapit
sa tainga para sa ikakabit
na rubber band.
10. Isuot ang maskara
at ipakita sa iyong
guro.
Masayang gumawa ng
maskara. Maaari tayong
gumawa ng makasining na
maskara sa pamamagitan
ng paggamit ng iba’t ibang
hugis, kulay, at tekstura
.
Ang maskara ay maaaring
gawa sa karton, paper
plates, at lumang folder.
Maaaring idagdag na
kagamitan ang tali,
sinulid,
straw, at iba pang
kagamitang maaaring
gamitin sa
paglalagay ng palamuti.
Piliin ang tamang sagot.
Gawin sa sagutang papel.
1. Anong kagamitan ang
maaaring gamitin sa
paggawa ng maskara?
a. folder b. paper c. A at B
2. Alin ang unang dapat gawin
sa paggawa ng maskara?
a. Gumawa ng butas para sa
mata, ilong, at bibig.
b. Gupitin ang karton sa hugis
na ibig mo.
c. Lagyan ng rubber band ang
butas malapit sa tainga.
3. Paano mo maipapakita
ang tekstura sa iyong
ginawang maskara?
a. Gupitin ang hugis.
b. Magdagdag ng mga guhit
at kulay.
c. Lagyan ng butas ang
maskara.
4. Bakit ipinagdiriwang ang
Maskara Festival sa Bacolod?
a. Upang hikayatin ang mga
tao na magtungo doon.
b. Para magbenta ng
maskara.
c. Upang maipakita ang
pagiging masayahin ng mga
taga Negros.
5. Kung gagawa ka ng
maskara, alin sa mga
nasa ibaba ang
nais mong gawin?
Lagyan ng tsek (/) ang
kahon ng piniling sagot.

You might also like