You are on page 1of 11

I. A.

Pamagat ng Katha – May-


akda

TATSULOK
(1987)
Ni Rustico Jhune
Cristobal
Fernandez Jr.
…pero Sir…

rewrite this jhune! Parallelism is poor


sabog ang direksyon hindi clear ang symbol
magulo ang characterization!

… lukot na ang ngiti ko sa nanginginig na labi ko

ilan sa mga titik na ginawa ko


ang binura mo at iniba
panibago na namang simula …
ang mga titik na ‘yo’y ako
bakit mo binago?
… Inay sana…
Kultado talaga ang isip mo! Sukat piliin mo
Ang kasariang malasado! Nagpapaaral ka na
Naman ng lalaki sa bahay mo pinapipirmi!
Pag nagasgas ang bulsa mo uli sa akin ka Uuwi!
Aba! Bumubuo ka ng isang taong
Sa huli ang sisira sa;yo! Saan ka pupulutin
Ng kabaklaan mo? Aba! Mahirap na buhay
‘yan! Magbago ka!

Pero Sir… Inay…

Kalos n’yo ba’y kapara ng sa Diyos


At ako’y tiyak na matutubos?
Hinaing ko ba’y inyong natatalos
Na ako’y sadyang iginapos?
…Sir…susulat ba ako sa anggulong gusto mo?
…Inay…imumulat ba ako sa pangangastigo?
…Sir… nasasalat mo ba ang pakiwari kong ito?
…Inay… isusumbat niyo ba kung sumuway ako?

Parallelism is poor
Kultado ang isip mo!
Sabog ang direksyon
Kasariang malasado!
Hindi clear ang symbol
Saan ka pupulutin ng kabaklaan mo?
Magulo ang characterization
Mahirap na buhay ‘yan… baguhin mo!
Sa panulat…iyon ako para sa’yo
Sa pagkamulat… gayon ako sa sukat n’yo

Kung wala sa mga titik


Kung wala sa mga lantik
Nasaan ako?

Tinatawid pilit
Kabilaang panig
Hanggang oras ay mapatid
At mekanismo’y tumitirik
O B. Sanggunian o Aklat ng Pinagkunan

OAklat: PANITIKANG FILIPINO


PAMPANAHONG ELEKTRONIKO
II. Buod ng Katha
Ang tula ay tungkol sa isang
lalaking may krisis sa kasarian
(bakla)na pilit itinutuwid ng mga
taong nakapalibot sa kanya(ina at
kanyang amo) na sa katapusan ay
gulong-gulo ang isip kung saan
siya maaaring lumugar (sa opisina
at sa bahay)
III. Pagsusuri
A. Uring Pampanitikan
TULA – kung taludturan ang
pag-uusapan nasa uring
 Malayang taludturan -Ito'y
makabagong kayarian, tulang
walang sukat at walang tugma. Ang
anyo ng tulang ito ay siyang
nanaluktok na anyong tula sa
panahon ng paghingi ng pagbabago
ng mga kabataan
D. Sariling Reaksiyon
1. Mga pansin at puna sa:
Mga Tauhan
Lalaki –
mahina ang loob (walang boses sa
bahay at trabaho)
Isip tuta pilit sinusunod ang gusto
ng mga taong nakapalibot sa kanya.
Ina – hindi kontento sa anak
Amo - strikto, walang
konsiderasyon
b. Istilo ng awtor
Gumamit ng mga linya
ang awtor upang
maihatid ang nais ibigay
na mensahe.
E. Pagtalakay sa buod ng akda batay
sa isang napiling teorya.

Pormalistiko – tumatalakay sa
Struktura o porma ng pagkakabuo ng
tula
Realismo – ito ay batay sa tunay na
pangyayari sa buhay.
Dekonstruksyon – nakapagbibigay ng
pagkakataong baguhin/ mabago ang
wakas ng tula

You might also like