sa salitang ugat na “lipon” na nangangahulugang pangkat.
Hal - ang pangkat ng mga mamamahayag
- Ang pangkat ng mga guro Komunidad • Ang salitang komunidad ay galing sa Latin na communis na nangangahulugang common o nagkakapareho. • Ang isang komunidad ay binubuo ng mga indibidwal na nagkakapareho ng mga interes, ugali, o pagpapahalagang bahagi ng isang partikular na lugar. Anong lipunan ang iyong kinabibilangan? Ano ang inyong nagkakaisang layunin? Sino sa iyong kasama sa lipunan ang bahagi rin ng iyong komunidad?
- Mulat tayo sa isang mundo na kapatid, kamag-anak, kaklase,
kababayan, at marami pang ibang kasama na naaayon sa lipunang ating ginagalawan. • Ayon kay JACQUES Maritain, ang manunulat ng aklat na “The Person and the common Good”. (1966) hahanapin talaga ng taong mamuhay sa lipunan sa dalawang mahalagang dahilan. • Una, ito ay dahil sa katotohanang hindi siya nilikhang perpekto o ganap • at dahil likas para sa kaniya ang magbahagi sa kaniyang kapuwa ng kaalaman at pagmamahal. Ayon kay Dr. Manuel Dy, hindi gawa ng dalawang tao ang wika ; galing ito sa lipunan. Sa pamamagitan ng wika, sumasalipunan ang tao hindi lamang dahil nililikha niya ito kasama ang kanyang kapuwa kundi dahil natutuhan niya ito mula sa kaniyang kapuwa at ginagawa para sa kapuwa. Ayon kay Santo Tomas Aquinas, may akda ng aklat ng Summa Theologica, sa pamamagitan lamang ng lipunan makakamit ng tao ang layunin ng kanyang pagkakalikha. Mahalaga sa pagpapakatao ang pagkilala ng tao na kailangan niya ang lipunan dahil binubuo niya ang lipunan. Ano nga ba ang kabutihang panlahat? - sa simpleng salita, masasabing ito ay kabutihan para sa bawat isang indibidwal na nasa lipunan. Ang tunay na tunguhin ng lipunan ay ang kabutihan ng komunidad na nararapat na bumalik sa lahat ng indibidwal na kasapi nito. Mga Elemento ng Kabutihang Panlahat 1. ang paggalang sa indibidwal na tao. 2. ang tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng pangkat 3. ang kapayapaan