You are on page 1of 23

Aralin 21

Sektor ng Agrikultura
Inihanda ni: ARNEL O. RIVERA
www.slideshare.net/sirarnelPHhistory
Ang GRADES pinaghihirapan HINDI inililimos!
Sektor ng Agrikultura
• Ang agrikultura ay isang agham, sining at
gawain ng pagpoprodyus ng pagkain at
hilaw na mga produkto, na tumutugon sa
pangangailangan ng tao.
Bansang Agrikultural
• Ang Pilipinas ay isang
bansang agrikultural
dahil malaking bahagi
nito ang ginagamit sa
mga gawaing pang-
agrikultura. Malaking
bilang ng mga
mamamayan ang nasa
sektor na ito ng
ekonomiya .
Bansang Agrikultural
• Malaking bahagi ng ekonomiya ay nakadepende
sa sektor ng agrikultura. Sinasabing ito ang
nagtataguyod sa malaking bahagdan ng
ekonomiya dahil ang lahat ng sektor ay umaasa
sa agrikultura upang matugunan ang
pangangailangan sa pagkain at mga hilaw na
sangkap na kailangan sa produksiyon.
Sektor ng agrikultura
Paghahalaman Pangingisda

Paghahayupan Paggugubat
Paghahalaman
• Maraming mga pangunahing pananim ang
bansa tulad ng palay, mais, niyog, tubo,
saging, pinya, kape, mangga, tabako, at
abaka. Ang mga pananim na ito ay
karaniwang kinokonsumo sa loob at labas
ng bansa.
• Tinatayang umabot ng Php 797.731 bilyon
ang kabuuang kita mula sa pagsasaka. Ito
ay nagmula sa mga produktong palay, mais,
at iba pang pangunahing pananim ng
Pilipinas.
Paghahayupan
• Ang paghahayupan ay binubuo ng pag-aalaga
ng kalabaw, baka, kambing, baboy, manok, at
pato.
• Layunin ng paghahayupan ang pag-supply ng
ating mga pangangailangan sa karne at iba
pang pagkain. Ang paghahayupan ay gawaing
pangkabuhayang kinabibilangan ng ating mga
tagapag-alaga ng hayop.
Pangingisda

• Itinuturing ang Pilipinas bilang isa sa mga


pinakamalaking tagatustos ng isda sa buong
mundo. Samantala, ang pangingisda ay
nauuri sa tatlo - komersiyal, munisipal at
aquaculture.
• Bahagi din ng gawaing pangingisda ay ang
panghuhuli ng hipon, sugpo, at pag-aalaga
ng mga damong dagat na ginagamit sa
paggawa ng gulaman.
Pangingisda
• Ang komersyal na pangingisda ay tumutukoy sa
uri ng pangingisdang gumagamit ng mga
bangka na may kapasidad na hihigit sa tatlong
tonelada para sa mga gawaing pangkalakalan o
pagnenegosyo. Sakop ng operasyon ay 15
kilometro sa labas ng nasasakupan ng
pamahalaang bayan.
• Ang munisipal na pangingisda ay nagaganap sa
loob ng 15 kilometro sakop ng munisipyo at
gumagamit ng bangka na may kapasidad na
tatlong tonelada o mas mababa pa na hindi
nangangailangan na gumamit ng mga fishing
vessel.
Pangingisda

• Ang pangisdang aquaculture naman ay


tumutukoy sa pag-aalaga at paglinang ng
mga isda at iba pang uri nito mula sa iba’t
ibang uri ng tubig pangisdaan - fresh
(tabang), brackish (maalat-alat) at marine
(maalat).
Paggugubat

• Ang paggugubat ay isang pangunahing pang-


ekonomikong gawain sa sektor ng agrikultura.
Patuloy na nililinang ang ating mga kagubatan
bagamat tayo ay nahaharap sa suliranin ng
pagkaubos ng mga yaman nito.
• Mahalaga itong pinagkukunan ng plywood,
tabla, troso, at veneer. Bukod sa mga nabanggit
na produkto, pinagkakakitaan din ang rattan,
nipa, anahaw, kawayan, pulot-pukyutan at dagta
ng almaciga.
Kahalagahan ng Agrikultura
• Nagtutustos ng pagkain
• Nagbibigay ng trabaho
• Pinagkukunan ng hilaw na
materyal
• Tagabili ng mga yaring produkto
• Nagpapasok ng dolyar sa bansa
Suliranin ng Sektor ngAgrikultura
Suliranin Epekto
Pagkaubos ng mga Marami sa mga magsasaka ang
magsasaka tumatanda na at kulang ang mga
kabataang pumapalit.
Bumababa ang bilang ng mga
produktong agrikultural.
Mataas na gastusin Nalulugi ang mga magsasaka
sapagkat napakalaki ng kanilang
gastusin kung ihahambing sa
kanilang kinikita.
Suliranin ng Sektor ngAgrikultura
Suliranin Epekto
Problema sa Bumababa ang halaga ng
imprastruktura produkto sa pamilihan sa pagbaba
ng kalidad nito.
Problema sa kapital Nababaon ang mga magsasaka sa
pagkakautang at hindi na tuluyang
nakaaahon.
Suliranin ng Sektor ngAgrikultura
Suliranin Epekto
Masamang panahon Nasisira ang produksyon ng
sektor ng agrikultura tuwing may
tag-tuyot, malakas ng ulan at mga
bagyo. Nagiging dahilan ito ng
mataas na presyo ng pagkain.
Malawakang Pagkaabuso sa lupa at
pagpapalit-gamit ng pagkaubos ng sustansiya nito.
lupa Pagbaba ng produksyon.
Pagdagsa ng mga Hindi patas na kompetisyon na
dayuhang kalakal nagbubunga ng pagkalugi ng
maraming magsasaka.
Suliranin ng Sektor ngAgrikultura
Suliranin Epekto
Kakulangan sa Iilan lamang ang may kakayahan sa
pananaliksik at makabagong paraan at hindi pa nga
makabagong halos inaabot ng modernong
teknolohiya kagamitan sa pagsasaka. Nagiging
dahilan ito ng mababang
produksyon at kalidad ng produkto.
Monopolyo sa Malaking bilang ng magsasaka ang
Pagmamay-ari ng walang sariling lupang binubungkal
Lupa at tumatanggap lamang sila ng
maliit na suweldo.
Batas Republika Blg. 6657 ng
1988
• Kilala sa tawag na Comprehensive
Agrarian Reform Law (CARL) na
inaprobahan ni dating Pangulong Corazon
Aquino noong ika-10 ng Hunyo, 1988.
• Ipinasailalim ng batas na ito ang lahat ng
publiko at pribadong lupang agrikultural. Ito
ay nakapaloob sa Comprehensive Agrarian
Reform Program (CARP).
Batas Republika Blg. 6657 ng
1988
• Ipinamamahagi ng batas ang lahat ng
lupang agrikultural anuman ang tanim nito
sa mga walang lupang magsasaka. May
hangganan ang matitirang lupa sa mga may-
ari ng lupa. Sila ay makapagtitira ng di hihigit
sa limang ektarya ng lupa. Ang bawat anak
ng may-ari ay bibigyan ng tatlong ektarya ng
lupa kung sila mismo ang magsasaka nito.
Ang pamamahagi ng lupa ay isasagawa sa
loob ng 10 taon.
Batas Republika Blg. 6657 ng
1988
• Hindi sakop ng CARP ang ginagamit bilang:
 liwasan at parke
 mga gubat at reforestration area
 mga palaisdaan
 tanggulang pambansa
 paaralan
 simbahan
 sementeryo
 templo
 watershed, at iba pa
Sangay ng Pamahalaan na
Tumutulog sa Sektor ngAgrikultura
• Department of Agriculture (DA) – Gumagabay sa
mga magsasaka ukol sa makabagong teknolohiya at
wastong paraan ng pagtatanim.
• Bureau of Fisheries and Aquatic Resources
(BFAR) – Sinisikap na paunlarin ang larangan ng
pangingisda.
• Bureau of Animal Industry (BAI) – Nangangasiwa
sa larangan ng paghahayupan.
• Ecosystem Research and Development Bureau
(ERDB) – Nagsasagawa ng pananaliksik sa
ecosystem upang magbigay ng siyentipikong batayan
sa pangangalaga ng kapaligiran at yamang gubat.
Pagbubuod:
• Ang agrikultura ay isang agham, sining at gawain sa
pagpoprodyus ng pagkain at hilaw na mga produkto
na tumutugon sa pangangailangan ng tao.
• Ang sektor ng agrikultura ay binubuo ng iba’t ibang
industriya tulad ng pagsasaka, paggugubat,
paghahayupan, pagmamanukan, at pangingisda.
• Ang sektor ng agrikultura ay may napakahalaga sa
ating ekonomiya. Pinagmumulan ito ng pagkain,
hilaw na materyales at trabaho para sa mga
mamamayan.
TAKDA:
PAGPAPAHALAGA

• Bakit mahalagang sektor ng ekonomiya


ang agrikultura?
• Sa iyong palagay, paano ka
makakatulong upang maitaguyod ang
sektor ng agrikultura? Ipaliwanag.
References:
• EKONOMIKS 10 Araling Panlipunan – Modyul para
sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015
• Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at
Lipunan (Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA
Publishing House
• De Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks
Pagsulong at Pag-unlad, VPHI
• Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga
Konsepto at Aplikasyon (2012), VPHI
• Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga
Konsepto, Applikasyon at Isyu, VPHI

You might also like