You are on page 1of 74

• Natutukoy ang kahulugan, kahalagahan, at

kalikasan ng wika;

• Nakikilala ang dalawang opisyal na wika ng


Pilipinas;

• Nakapagbibigay ng sariling pakahulugan sa


wika; at

• Nakapagtatala ng mga sitwasyong nagpapakita


ng magkahiwalay na gamit ng dalawang opisyal
na wika ng Pilipinas.
Mga Batayang Kaalaman sa
Wika
Kahulugan ng Wika
Mga Kahalagahan o Gamit ng Wika
WIKA
Paano kaya kung walang wika?
Paano magkakaunawaan ang mga
tao sa isang lipunan? Paano
magkakaunawaan ang bawat
miyembro ng pamilya? Mapapabilis
kaya ang pag-unlad ng
komunikasyon?
WIKA

Kung hindi ang sagot mo,


samakatwid mahalaga talaga ang
wika at komunikasyon.
WIKA

Wika ang pinakamahalagang


sangkap at ugnayan sa
pakikipagkapwa-tao.
WIKA

Malaki ang tungkulin ng wika sa


pakikipag-unawaan at
pakikisalamuha ng tao sa kanyang
tahanan, paaralan, pamayanan, at
lipunan.
WIKA

Sa pamamagitan ng wika,
nagkakaunawaan, nagkakaugnayan,
at nagkakaisa ang mga tao.
WIKA

Kasangkapan ang wika upang


maipahayag ng tao ang kanyang
naiisip, maibahagi ang kanyang mga
karanasan at maiapdama ang
kanyang nararamdaman.
WIKA

Maging ang kultura ng isang panahon,


pook, o bansa ay muling naipahahayag
sa pamamagitan ng wika.
WIKA
Naipadarama ng wika ang sidhi ng
damdamin, lalim ng lungkot o pighati,
ang lawak ng galak, ang kahalagahan
ng katwiran, ang napakaloob na
katotohanan sa isang layunin, ang
kaibuturan ng pasasalaamat, at
paghanga.
WIKA

Kung susuriing mabuti, wika ang


naging puno’t dulo ng lahat na
mayroon tayo rito sa mundong ating
ginagalawan.
KAHULUGAN NG WIKA
Ayon kay Lachica, 1998
Kahit na anumang anyo, pasulat, o
pasalita, hiram o orihinal, banyaga o
katutubo, wika ang pinakamabisang
sangkap sa paghahatid ng diwa,
kaisipan, at damdamin natin.
KAHULUGAN NG WIKA
Ayon kay Emmert at Donagby,1981”
Ang wika ay isang sistema ng mga
sagisag na binubuo ng mga tunog o
kaya ay mga pasulat na letra na
iniuugnay natin sa mga kahulugang
nais nating ipabatid sa ibang tao.
KAHULUGAN NG WIKA
Ayon kay Henry Gleason,1998
Ang wika ay isang sistematikong
balangkas ng mga sinasalitang tunog
na pinipili at isinasaayos sa paraang
arbitraryo upang magamit ng mga
taong kabilang sa isang kultura
KAHULUGAN NG WIKA
Binanggit ng Pambansang Alagad
ng Sining sa Literatura na si
Bienvenido Lumbera 2007 na
parang hininga ang wika.
Gumagamit tayo ng wika upang
kamtin ang bawat pangangailangan
natin.
KAHULUGAN NG WIKA
Sa aklat naman nina Bernales 2002,
mababasa ang kahulugan ng wika
bilang proseso ng pagpapadala at
pagtanggap ng mensahe sa
pamamagitan ng simbolikong cues
na maaring berbal o di-berbal.
KAHULUGAN NG WIKA
Samantala, sa aklat naman nina
Mangahis 2005, binanggit na may
mahalagang papel na ginampananan
ang wika sa pakikipagtalastasan. Ito ang
midyum na ginagamit sa maayos na
paghahatid at pagtanggap ng mensahe
na susi sa pagkakaunawaan.
KAHULUGAN NG WIKA
Kung sasangguni naman sa mga
diksiyonaryo tungkol sa
kahulugan ng wika, ang wika ay
sistema ng mga komunikasyon ng
mga tao sa pamamagitan ng
mga pasulat o pasalitang simbolo.
KAHULUGAN NG WIKA

Sa pangkalahatan, batay sa mga


kahulugan ng wika na tinalakay,
masasabi na ang wika ay kabuuan
ng mga sagisag na binubuo ng mga
tunog na binibigkas o sinasalita at ng
mga simbolong isinusulat.
KAHULUGAN NG WIKA

Kasangkapan ang wika upang


maipahayag ng tao ang kaniyang
naiisip, maibahagi ang kaniyang
mga karanasan at maipadama ang
kaniyang nararamdaman.
KAHULUGAN NG WIKA

Gayundin, bawat bansa ay may


sariling wikang nagbibigkis sa
damdamin at kaisipan ng mga
mamamayan nito.
KAHULUGAN NG WIKA
Wika ang pinakamahalagang
sangkap at ugnayan sa
pakikipagkapwa-tao. Malaki ang
tungkulin ng wika sa pakikipag-
unawaan at pakikisalamuha ng tao
sa kanyang tahanan, paaralan,
pamayanan, at lipunan.
DALUYAN NG PAGPAPAKAHULUGAN

1.Ang lahat ng wika ng tao ay


nagsisimula sa TUNOG. Mga tunog
ito na mula sa paligid, kalikasan, at
mula mismo sa tunog na likha ng
pagbigkas ng tao.
DALUYAN NG PAGPAPAKAHULUGAN

Kung kaya’t lumutang ang ang


konseptong PHONOSENTRISMO
(phonocentrism) na
nangangahulugang “una ang bigkas
bago ang sulat”.
 Tanong:

Ibig sabihin ba nito na


nakasandig sa sistema ng mga
tunog ang pundasyon ng wika
ng tao?
DALUYAN NG PAGPAPAKAHULUGAN

2. Ang SIMBULO ay binubuo ng


mga biswal na larawan, guhit o hugis
na kumakatawan sa isa o maraming
kahulugan.
DALUYAN NG PAGPAPAKAHULUGAN

Halimbawa nito ang simbolo ng krus,


araw, elemento ng kalikasan (lupa,
tubig, apoy, hangin) at marami pang
iba na sumasalamin sa iba’t ibang
kahulugan.
DALUYAN NG PAGPAPAKAHULUGAN

3. Ang GALAW ay tumutukoy sa


ekspresyon ng mukha, kumpas ng
kamay, at galaw ng katawan o
bhagi ng katawan na
nagpapahiwatig ng kahulugan o
mensahe.
DALUYAN NG PAGPAPAKAHULUGAN

Halimbawa nito ay:


Pagkunot ng Noo
Pagsasalubong ng mga kilay
Pagkaway
At iba pa.
DALUYAN NG PAGPAPAKAHULUGAN

4. Ang KILOS ay tumutukoy sa kung


ano ang ipinahihiwatig ng isang
ganap na kilos ng tao tulad ng pag-
awit, pagtulong sa tumatawid sa
daan, at iba pa.
GAMIT NG WIKA
 Gamit sa Talastasan
-Ang wika ay pangunahing
kasangkapan ng tao sa
pagpapahayag ng kaisipan at
damdamin,pasalita man o pasulat.
GAMIT NG WIKA
Lumilinang ng pagkatuto
-Ang mga naisulat nang akda ay
patuloy na pinag-aaralan ng bawat
henerasyon, tulad ng mga panitikan
at kasaysayan ng Pilipinas na sinusuri
upang mapaunlad ang kaisipan.
GAMIT NG WIKA
Saksi sa panlipunang pagkilos
-Sa panahon ng rebolusyon, mga wika
ng rebolusyonaryo ang nagpalaya sa
mga Pilipino. Ito ang nagbuklod sa mga
mamamayan na lumaban para sa ating
kasarinlan sa tulong ng kanilang
panulat,talumpati at mga akda.

GAMIT NG WIKA
Lalagyan o imbakan
Ang wika ay kahulugan,taguan,
imbakan, o deposito ng kaalaman
ng isang bansa.
GAMIT NG WIKA
Tagapagsiwalat ng damdamin
-Ginagamit ang wika sa
pagpapahayag ng
nararamdaman.Maaari itong pag-
ibig, pagkagalit o pagkapoot.
GAMIT NG WIKA
Gamit sa imahinatibong pagsulat
-Ginagamit ang wika sa paglikha
ng tula, kuwento, at iba pang
akdang pampanitikan na
nangangailangan ng malikhaing
imahinasyon.
KOMUNIKASYON
Ito ay proseso ng pagbibigay at
pagtanggap ng impormasyon sa
mabisang paraan. Isa rin itong
pagpapahayag, paghahatid at
pakikipag-ugnayan.
ANTAS NG KOMUNIKASYON
Intrapersonal
- Nakatuon sa sarili o paraan ng
pakikipag usap sa sarili sa
pamamagitan ng dasal, meditasyon,
at pagninilay-nilay.
ANTAS NG KOMUNIKASYON
Interpersonal
- Nagaganap sa pagitan ng dalawa
o higit pang kalahok.
ANTAS NG KOMUNIKASYON
Organisasyonal
- Nagaganap sa loob ng isang
organisasyon tulad ng paaralan,
kompanya, simbahan, at
pamahalaan sa pagitan ng mga
taong may iba’t ibang posisyon,
obligasyon, at responsibilidad.
ANTAS NG KOMUNIKASYON
Organisasyonal
- Kasama rin dito ang pakikituon at
pakikipagtalastasan nila sa kliyente
o mamamayan sa labas ng kanilang
organisasyon.
KATEGORYA NG WIKA

PORMAL
DI-PORMAL
KATEGORYA NG WIKA
PORMAL
- Ito ang wika na ginagamit ng higit
na nakararami, sa pamayanan,
bansa, o isang lugar. Madalas itong
ginagamit sa paaralan at opisina.
 AngPORMAL na wika ay may
dalawang antas:

1. Wikang pamabansa at panturo


2. Wikang pampanitikan
1.Wikang pamabansa at
panturo
- Ito ay ginagamit sa
pamahalaan at mga aklat
pang wika sa paaralan.
Halimbawa: malaya,
tahanan, edukasyon, malaki.
2. Wikang pampanitikan
– karaniwnag ginagamit sa
akdang pampanitikan.
Masinig at malikhain ang
kahulugan ng mga salitang
ito. Halimbawa:haraya, silay,
kabiyak, salinlahi.
KATEGORYA NG WIKA
DI-PORMAL
- Ito ang wika na madalas gamitin
sa pang-araw-araw na
pakikipagtalastasan.
AngDI-PORMAL na wika ay
may tatlong antas:

1. Wikang panlalawigan
2. Wikang balbal
3. Wikang kolokyal
1. Wikang panlalawigan
- Ito ay mga salitang diyalektal.
- Ginagamit sa partikular na pook
o lalawigan
- May pagkakaiba sa tono at
kahulugan sa ibang salita.
- Halimbawa: adlaw(araw), balay
(bahay), ambot (ewan).
2. Wikang balbal
- Ito ay katumbas ng slang sa Ingles.
- Nagbabago sa usad ng panahon.
- Madalas marinig ang mga salitang
ito sa lansangan.
- Halimbawa: chicha (pagkain), epal
(mapapel), utol (kapatid), sikyu
(guwardiya).
3. Wikang kolokyal
- Ito ay mga salitang ginagamit sa
pang araw-araw na pakikipag-
usap.
- Halimbawa: ewan, kelan, musta,
meron.
Ayon sa mga lingguwista, may
mahigit 5,000 wika na sinasalita
sa buong mundo. Ang Pilipinas
ay isa sa mga bansang
biniyayaan ng maraming wika:
Di kukulangin sa 180 ang wikang
sinasalita sa Pilipinas.
HETEROGENOUS
- Sitwasyong pang wika sa
Pilipinas dahil maraming wikang
ginagamit dito at may mga
diyalekto o varayti ang mga
wikang ito.
HOMOGENOUS
- Sitwasyong pang wika sa isang
bansa kung iisa ang mga wikang
sinasalita ng mga mamamayan
dito.
BERNAKULAR
-Ang tawag sa wikang katutubo sa
isang pook. Isa itong hiwalay na
wika na ginagamit sa isang lugar na
hindi sentro ng gobyerno o ng
kalakal.
-Tinatawag din itong wikang
panrehiyon.
BILINGGUWALISMO
-Tumutukoy sa dalawang wika.
-Isang pananaw sa pagiging
bilingguwal ng isang tao kung
nakapagsasalita siya ng
dalawang wika nang may
pantay na kahusayan.
BILINGGUWALISMO
-Bilang patakarang edukasyon ng
pilipinas, nangangahulugan ito ng
paggamit ng Ingles at Filipino bilang
panturo sa iba’t ibang magkahiwalay
na subject: Ingles sa matematika at
siyensiya, Filipino sa agham panlipunan
at iba pang kaugnay na larangan.
Ngayon, hindi na
bilingguwalismo kundi
multilingguwalismo ang pinaiiral
na patakarang pang wika sa
edukasyon.
Ang pagpapatupad ng mother
tongue based multilinggual
education o MTE-MLE ay
nangangahulugan ng paggamit
ng unang wika sa mga
estudyante sa isang partikular na
lugar
Halimbawa:
Sa Ilokos, Ilokano ang wikang
panturo sa mga estudyante mula
kindergarten hanggang ikatlong
baitang.
Ituturo naman ang Filipino at
Ingles pagtuntong nila sa ikaapat na
baitang pataas.
Tanong:

Bakit ipinatupad ang mother


tongue based multilinggual
education o MTE-MLE?
Ipinatupad ang ganitong
pagbabago sa wikang panturo
dahil napatunayan ng maraming
pag-aaral na mas madaling
natututo ang mga bata kapag
ang unang wika nila ang ginamit
na panturo.
Mas madali rin silang natututong
makabuo ng kritikal na pag-iisip
kapag naturuan sila sa kanilang
unang wika.
UNANG WIKA

-Tinatawag ding wikang sinuso sa


ina o inang wika dahil ito ang
unang wikang natutuhan ng
isang bata.
PANGALAWANG WIKA
-Tawag sa iba pang mga wikang
matututuhan ng isang tao pagkaraang
matutuhan ang kaniyang unang wika.
-Halimbawa: Hiligaynon ang unang wika ng
mga taga iloilo. Ang Filipino ang
pangalawang wika para sa kanila. Ang
ingles, Nipongo, Pranses at iba pang mga
wikang maaari nilang matutuhan ay
tinatawag ding pangalawang wika,

You might also like