You are on page 1of 46

Katuturan ng Balita

Ang balita ay napapanahon


at makatotohanang ulat ng
mga pangyayaring naganap
na, nagaganap at
magaganap pa lamang.
PAGSULAT
NG
BALITA
Sa isang baguhang nag-aaral ng
pagsulat ng balita ,maaaring
ganito ang maging kat
anungan niya sa kanyang sarili:
Ano ang aking ibabalita?
Sino ang aking ibabalita?
Saan ako kukuha ng ibabalita?
Ano ang istruktura ng aking
ibabalita?
Istruktura ng
Balita
Paano sumulat ng isang
balita?
Isinusulat ang balita sa
pamamagitan ng baligtad
na piramide ( INVERTED
PYRAMID)
Sa pagsulat ng balita dapat laging
tandaan na inuuna ang
mahalagang pangyayari.
Ito ang ginagawang pamatnubay
( summary lead).
Ito ang laging nakatuon sa 5W’s
( What, Who, Where, When , Why).
 Ang balita na nasa ganitong ayos ay
nagbibigay kahulugan sa kalat-
kalat na datos ng mga pangyayari
 Hindi rin dapat maligoy ang
pagbabalita .
 Tiyakin ang bawat pangungusap na
pinaikli ay nakatuon sa iisang diwa.
 Sa ganitong paraan , ang taong
nagbabasa ay hindi nababagot
Mga Uri
Ng
Balita
Balitang nangyayari sa
bisinidad ng bansa o mga
balitang local.
Higit na kinagigiliwang basahin ng
mga Pilpino ang nagaganap sa
kanyang bansa kaysa nangyayari sa
ibang bansa.
Katanyagan
Higit na binibigyang pansin ng
mga mambabasa ang mga balita
ukol sa mga tanyag na tao, katulad
ng anak ng pangulo ng Pilipinas,
mga showbiz personalities at iba
pang kilala sa lipunan.
Balitang napapanahon
May dating / hataw sa mga
mambabasa ang balitang
napapanahon . Kung panahon sa
eleksyon ay laging laman ng
pahayagan ay tungkol sa pulitika.
Kapag panahon ng Pasko ay
pinapaksa naman ang tungkol sa
kapayapaan o Christmas Bunos.
Natatanging araw
Kinagigiliwan din ng mga
mambabasa katulad ng EDSA
Revolution, Araw ng Kalayaan at
iba pa.
Tunggalian
ito ay isang elemento ng
balita.Maaaring ibalita ang
paglalaban ng dalawang paksyon
sa Kongreso ,ang maka-
administrasyon at oposisyon.
Maari ring ibalita ang paglalaban
ng dalawang angkan sa pulitika.
Kaunlaran at Ekonomiya
Tinututukan din ng mga
mamamayan ang ganitong balita
sapagkat nais nilang malaman kung
ano na ang lagay ng kabuhayan ng
bansa.Maaring talakayin ang estado
ng sahod ng mga manggagawa , ang
paglago ng export industry at ang
presyo ng mga bilihin.

Pambihirang Balita
Ang mga mambababasa ay
nagkakaroon ng interes na bumasa
ng isang natatanging balita na noon
lamang nila matutunghayan sa
pahayagan. Isang halimbawa nito ay
ang pag-akyat nina Leo Oracion at
ang kanyang kasamahan. Sila ang
kauna-unahang Pilipino na
nakaakyat sa Mt . Everest.
Uri Ng
Pamatnubay
1.Pamatnubay na nagbubuod (
Summary Lead). Ang ASSaKaBaPa
at paano ay nasa unang parapo (
paragraph ) na siyang buod ng balita.

*Nakamit ng Plaza Central School ang


unang pwesto sa over-all highest pointer sa
Division Schools Press Conference na
ginanap sa Tanjay National High School
noong Nobyemre 26-27, 2018.
2. Pamatnubay na nakakagulat
( Punch Lead) Ito ay maaaring isang
salita o maikling pangungusap na
puno ng emosyon at damdamin.

*Pagbabago! Ito ang sigaw ng


mamamayang Pilipinong dumalo sa
EDSA noong Pebrero 22-26.
3.Pamatnubay na Naglalarawan
( Descriptive Lead)

Naglalarawan ng mga pangyayari sa


isang detalyadong paraan .
Kalimitang ginagamit sa
pagpapaliwanag ng kalamidad o
trahedyang naganap sa isang pook o
nakaapekto sa maraming tao.
“Narinig namin tila kulog na
dumadagundong na malakas ang
tunog. Pagkatapos ng nakatutulig
na ingay ay natagpuan na lamang
naming natabunan na kami ng lupa’t
mga batong galing sa bundok,” ito
ang salaysay ng isang biktima ng
trahedyang nangyari sa Leyte.
4.Pamatnubay na naghahambing ng
dalawang mahalagang pangyayari
( Contrast Lead)

* Binuhay ng EDSA ang damdaming makabayan ng


mga Pinoy , pinukaw naman ng ikasampung World
Youth Day ang nanlalalamig na pananampalataya
ng buong sambayanan.
5.Pamatnubay na Patanong
( Question Lead) Ang ganitong
pamatnubay ay ginagamit kung ang
paksang susulatin ay walang
katiyakan ang kasagutan.

*May pag-asa pa ba ang mga


Pilipinong makaahon sa kahirapan
sa taong 2020?
6. Pamatnubay na masidhi
ang paglalarawan
( Feature Lead ). Halos kauri ito ng
descriptive Lead. Ang pagkakaiba
lamang ay mas puno ito ng emosyon
at damdamin.

* “ EStudyante ko si Tessa . Napuna kong may
kapayatan ang kanyang katawan, pero matikas yon
kung maglakad . Kayumanggi siya , maamo ang
kanyang matang animo’y laging galing sa pag-iyak.
Di siya napipikon sa bansag sa kanya ng mga
kamag-aral na siya’y Payatot Queen . Minsan, nang
mahuli kaming pumasok sa aming klase nakita
kong nanlilisik ang maamong mata niya sa galit.
Naisip naming , siguro ang galit na kinuyom niya
nang matagal sa kanyang dibdib ay ibinulalas niya.
Natameme ang mga kaklase niya. Mula noon , siya
ang naging lider ng buong klase. Ngayon di na
marinig ang malambing na tinig ni Tessa dahil
kasama siya sa biktima ng trahedya sa Leyte.”
7.Pamatnubay na siniping sabi
( Quotation Lead).
Ang uring ito ng pamatnubay ay ginagamit sa
pagsulat ng balita kung ang balitang gagawin
ay mula sa panayam,talumpati, forum o
seminar. Kinukuha lamang ng isang reporter
ang pinakamahalagang kaisipang sinabi ng
taong kinapanayam o sa narinig na talumpati.
Bago
Magsulat ng
Balita
 Suriing mabuti ang tala/ datos ng
susulating balita.
 Pag-aralang mabuti kung aling bahagi
ng tala/datos ang bibigyang-diin sa
pagsulat.
 Piliin kung alin sa mga ASSaKaBaPa ang
gagawing pamatnubay.
 Simulan ang balita sa
pangyayari.Gumamit ng pandiwa sa
simula ng balita.
Kung maaari ay huwag
magsimula sa pantukoy na
si/sina sa simula ng balita. Tama
ito ngunit ang ganitong simula
ay mahina ang dating sa
mambabasa.
 Huwag magsimula sa
pagsulat ng balita sa
panahon o pook.
Ginagamit ang ganitong
panimula kung talagang
mahalaga ang panahon o
pook.
Tiyaking tama ang
baybay ng pangalan ng
taong isasama sa balita
.
 Huwag sasamahan ng sariling
opinion o palagay ang balitang
sinulat, maliban kung ito ay
siniping sabi ( quotation)na siyang
ginagawang pamatnubay sa
interview , talumpati ( speech
story), forum , seminar at iba pang
kauri nito.
Kung may pag-aalinlangan
sa nakalap na , kailangan
muna itong beripikahin o
ikumpirma bago maging
isang pinal ang ilalabas na
balita.
 Isulat agad ang balita
pagkatapos makalap ang
datos.
 Kung ang balitang isinulat ay
hindi nagkasya sa isang papel,
lagyan sa hulihan nito ng
panandang paa/more. Kung
tapos na ang sinulat na balita ,
lagyan ng panandang #/30
Mga
Katangian
ng
Balita
1.Kawastuhan
Ang mga datos ay inilahad
nang walang labis at walang
kulang.
2.Katimbangan
Inilahad ang mga datos na
walang kinikilingan sa alinmang
panig na sangkot
3.Makatotohanan

 Ang mga impormasyon ay tunay at


akwal at hindi gawa-gawa lamang.

4. Kaiklian

 Ang mga datos ay inilahad nang


diretsahan , hindi maligoy.

5. Kasariwaan
Kahalagahan
ng
Balita
Nagbibigay impormasyon
Ang kakaibang regular na
natutulog nang mas kokonti pa
sa pitong oras gabi-gabi ay mas
mataas na presyon ng dugo, ayon
sa isang bagong pag-aaral.
Nagtuturo
Ang relaxation techniques
ay isang mabuting paraan
para labanan ang stress at
mapanatili ang magandang
kalusugan.
Lumilibang
Siyempre naman, nag-aalala
ako nang malaman ko na kinagat
ng pusa si Gladys Reyes sa
prescon ng My Only Love.
Nakakaloka ang pusa dahil
gumawa ito ng sariling eksena
para mapansin siya.
Nakapagbabago
Matapos na masangkot sa anomalya
ang mga pulis ng Manila Police
District Station anti Illegal Drugs,
iniutos ni Manila Mayor Alfredo Lim
ang pagbalasa sa 11 polce station ng
Manila Police District.
Mga Salitang Maaaring
Gamitin Bilang Pamatnubay
Hinirang Pinili Kinondena Binalaan Nakamit

Nanumpa Nagwagi nanawagan Pinanguna Tinutugis


han
Inilunsad Ipinagdiwan Nanguna Itinaguyod Idinaos
Tumanggap gPinarangal Sinimulan Ginawaran Nag-uwi
Inalayan an Sisikapin
Naglaan Nangako Bumisita
“Writing well means never
having to say, “ I guess you
had to be there.’”

- Jef Mallett
THANK YOU!

You might also like