You are on page 1of 60

Pedagogical Retooling in Mathematics, Languages, and Science

for Junior High School


Sesyon # 8
PAGTUKOY SA PANGUNAHING IDEYA
AT PANSUPORTANG DETALYE
JUNRY M.
ESPARAR
Education Program Supervisor
Curriculum Implementation Divison
Sangay ng Lungsod ng Kabankalan
Rehiyon VI-Kanlurang Visayas
PANGUNAHING
LAYUNIN:
Pagkatapos ng sesyon, inaasahan na ang mga guro
ay:
• Nagagamit ang mga estratehiya sa pagtuturo sa
kasanayan sa pagtukoy sa pangunahing ideya at
pansuportang detalye mula sa iba’t ibang
seleksyon o tekstong binasa.
TIYAK NA
LAYUNIN:
1. Nabibigyang-kahulugan ang mga sumusunod
na
konsepto:
• Komprehensyon
• Metacognition
• Iskima
• Pangunahing ideya
• Pansuportang detalye
TIYAK NA
LAYUNIN:
2. Natutukoy ang mga estratehiya bilang interbensyon
sa pagtuturo ng kasanayan sa pagtukoy sa
pangunahing ideya at pansuportang detalye; at

3. Nailalapat ang kaalamang natutuhan sa mabisa


at epektibong pagtuturo ng pagbasa ng
kasanayang nabanggit.
DALOY NG SESYON

 Priming activity [laro]

 Panonood ng video at paggamit ng grapikong


pantulong

 Talakayan tungkol sa pinanood na video


 Pagtatalakay ng iba’t ibang konsepto

 Paglalapat ng mga konseptong natutuhan

 Pagwawakas
Gawain 1:
SINO AKO!
Gawain 2:
PANONOOD NG VIDEO
PANUTO:
• Pumili ng Tagapagdaloy, Kalihim at Taga-ulat.
Panoorin ang video na may pamagat na “Nuggets”.
Pagkatapos, pag-usapan ito ng grupo. Ilahad ang
pangunahing ideya at pansuportang detalye mula sa
napanood sa pamamagitan ng isang grapikong
pantulong [graphic organizer]
PRESENTASYON
PAG-USAPAN
NATIN!
1.Paano ninyo natukoy ang pangunahing ideya sa
pinanood na video?

2.Ano-anong mga detalye ang nakatulong sa


pagtukoy
sa pangunahing ideya sa pinanood?
PAG-USAPAN
NATIN!
3. Ano-ano ang naging balakid sa pagtukoy sa
pangunahing ideya at pansuportang detalye sa
pinanood na video?

4. Ano-ano ang mga estratehiya o pamamaraang ginamit


ang nakatulong sa pagsagot sa ating gawain?
PAG-USAPAN
NATIN!
6. Sa inyong palagay, ang mga balakid na inyong
naranasan habang ginagawa ang gawain ay katulad
din ba sa ating mga mag-aaral sa klase? Paano ito
nagkakatulad? Paano ito naiiba?
KAHULUGAN NG MGA
KONSEPTO
KOMPREHENSYON
 Ang pagbasang may komprehensyon ay pagbuo ng
mga tulay na mag-uugnay sa dating kaalaman tungo
sa bagong kaalaman [Pearson at Johnson, 1978].
Sa madaling salita, ugnayan ng teksto at ng
kaalaman ng mambabasa.
METACOGNITION
 Ayon kay Flavell [1976, na binanggit ni Graves et
al., 2007], ang Metacognition ay tumutukoy sa
sariling kaalaman na may kaugnayan sa sariling
kognitibong proseso at produkto.
METACOGNITION
 Ayon kay [Schunk & Zimmerman, 1998 na binanggit
ni Graves et. Al, 2007] ang metakognitibong
pagbabasa ay nagtataglay ng sapat na kaalaman sa
metacognition, mga gawain sa pagbasa at mga
estratehiyang gagamitin upang magampanan ang
gawaing ibinigay.
ISKIMA
 Ang Iskima o schema ay tumutukoy sa dating
kaalaman, karanasan o natutuhan na nakalagak sa
isipan at maayos na nakalahad ayon sa kategorya.
Ang iskimang ito ay nadaragdagan, nalilinang,
nababago at napapaunlad [Pearson at Spiro,
1982].
IBA’T IBANG
KASANAYAN SA
KOMPREHENSYO
N
IBA’T IBANG KASANAYAN
SA

KOMPREHENSYON
Summarizing [pagbubuod]  Self-questioning [pagtatanong sa sarili]

 Sequencing [pagkakasunod-sunod]  Problem-solving [pagtugon sa suliranin]

 Relating background knowledge


 Inferencing [paghihinuha]
[paggamit ng dating kaalaman]

 Comparing and contrasting  Distinguishing fact and opinion [pagtukoy


[pagkakatulad at sa opinyon at katotohanan]
pagkakaiba]
 Finding the main idea, important facts
and supporting details [pagtukoy sa
 Drawing conclusions [pagbibigay pangunahing ideya, importanteng
kongklusyon] datos, at mga pansuportang detalye]
Ayon kina Sampson et. al [1991]
mayroong mga dahilan na
nakaaapekto sa komprehensyon
ng mga mambabasa:
Iskima Contextual
Setting

Textual Comprehension Modes


factor
ANO ANG
PANGUNAHING
IDEYA?
• Ito ay konsepto
ng seleksyon na
nais ipahiwatig o
ihatid ng
manunulat [awtor]
sa mga
mambabasa.
 Ito rin ang
pangungusap na
nagbubuod sa paksa ng
talata.

 Karaniwang makikita sa
unahan subalit minsan ay
nasa gitna o hulihang
bahagi rin ito
matatapuan.
ANO ANG PANSUPORTANG
DETALYE?
• Mga salita, parirala,
o pahayag na
sumusuporta o
nagpapaliwanag
tungkol sa
pangunahing ideya.
MGA ESTRATEHIYA SA
PAGTUTURO NG PAGTUKOY SA
PANGUNAHING IDEYA AT
PANSUPORTANG DETALYE
1. Direktang Pagtuturo [Explicit Teaching]

 Ang komprehensyon ay
nalilinang kapag ang guro
ay nagbibigay ng direktang
pagtuturo gamit ang mga
estratehiya sa pag-unawa
[Pearson & Duke, 2002]
 Binibigyang diin sa eksplisit
na pagtuturo ang mga pag-
unawa ng mag-aaral sa
kung kailan at bakit ng mga
estratehiya sa pag-unawa.
• Ayon kina Smagorinsky at Smith [1992] ang tungkulin
ng guro ng pagbasa ay matiyak ang kung ano ang uri
ng babasahin ang kailangan matutuhan ng mga mag-
aaral, kung paano basahin, matukoy ang mga
kailangan sa pagbasa ng mga ito at pagdisenyo ng
pagtuturo para maituro ang mga istratehiya.
 Ang mga katangian ang
eksplisit o direktang
pagtuturo ay
PAGMOMODELO.

 Ang pagmomodelo o
pagpapakita ng
pagsasagawa ng
mga gawain sa
 Direktang Pagtuturo ng Pagbasa:

- Paliwanag ng Guro at Pagmomodelo ng


Estratehiya
- Pinatnubayang Gawain
- Malayang Gawain at Fidbak
- Aplikasyon ng Estratehiya sa konteksto ng pagbasa
[Fielding & Pearson, 1994]
Pangunahing Ideya at Pansuportang Detalye

 hal.
Pangunahing Ideya

 Adiksyon sa droga at ang epekto nito


sa
katawan ng tao.

Pansuportang Detalye Pansuportang Detalye


Pansuportang Detalye

 Panandaliang  Pisikal at sikolohikal  Sobrang pananabik


kaligayahan na pagbabago sa droga
 hal.
 Sa isang parlyamentaryong pamahalaan, ang
punong ministro o prime minister ang
namumuno sa bansa. Hindi siya direktang
inihahalal ng mga mamamayan. Bagkus, ang
mga miyembro lamang ng parliament o
kongreso ang inihahalal ng mga tao. Ang
kongreso naman ang siyang pumipili kung sino
ang ihahalal nilang prime minister.
2. Conceptual Mapping
 Ang semantic o conceptual mapping ay isang
teknik na kung saan iniuugnay ng mga mag-
aaral ang kanilang natutuhan mula sa kanilang
binabasa at nabibigyan ng buhay ang kuwento
[Heimlich & Pittelmen, 1986, Hihleman, 1988]
 Kung ang conceptual
map ay ginawa ng
pangkat, ito ay
nakatutulong sa mga
mag-aaral na ayusin
ang kanilang nalalaman
sa paksa.
 Ang conceptual maps ay isang mainam gawain
din para sa postreading activities. Gamit ang
mapa, nagbibigay ng pagkakataon sa mga mag-
aaral upang matandaan at mailahad ang mga
impormasyon sa tekstong binasa [Pearson &
Johnson, in press].
Fishbone: A Graphic Orga n ise r
IMaft
Ucc

..,.., c:.... 0 ..• h


1)1•••
,

C y c le G rci p h ic O r c i n iz e r
Cause E ff e c t N •- - - - - -

Simila B
"")111·.. ·._ .l
Different r Different

....
C y c le o f

"""""'""""""""""'::
....J
-----""''") -.....:t
)ll'
3. Scaffolded Graphic Organizer

• Ang grapikong pantulong


ay higit na nakatutulong
sa mga mag-aaral lalong-
lalo na sa mga
nahihirapan sa pagtukoy
sa pangunahing ideya at
pansuportang detalye sa
teksto.
Pangunahing Ideya at Pansuportang Detalye

• Sa gawaing ito, magbibigay


muna ang guro ng
blangkong grapikong
pantulong.
 Huwag munang sasabihin sa mga bata kung ano
ang tawag sa mga pahayag na ibinigay.
Pagkatapos, ilalagay ng mga mag-aaral ang mga
pahayag/ pangungusap sa angkop na espasyo
sa loob ng graphic organizer.
 Magbigay ng sapat na pagsasanay hanggang
sa
malinang sa mga mag-aaral ang
kasanayan sa pagtukoy sa
Pangunahing Ideya at
Pansuportang detalye bago magbigay ng
ebalwasyon o pagtataya.
 Iminumungkahi rin na gawing varied ang
mga
gawain na magsisimula sa madali,
katamtaman hanggang sa mas mahirap na
gawain.
Tatanggalin ng guro
habang papahirap ang
ang “scaffold”
gawaing ibibigay.
4. Pagpapangkat sa mga Salita
• Ang gawaing ito ay
makakatulong upang
matugunan ang
pangangailangan ng mga
mag-aaral lalong lalo na ang
mga nahihirapan sa pagtukoy
sa pangunahing ideya at
pansuportang detalye.
• Ito ay mabisa para sa paglalahad ng
konsepto ng aralin na siyang magiging
lunsaran sa malalim na pag-unawa sa
pangunahing ideya teksto.
5. Cloze Procedure

 Ito ay nangangailangan ng masusing


pagsusuri sa teksto upang
mahanap ang mga hudyat sa
paghinuha ng posibleng sagot.
5. Cloze
Procedure
 Sa madaling sabi, punan ng mga mag-aaral ang
isang pamilyar – subalit hindi natatapos na
pattern – para makita at mabuo ang
sirang bilog …upang mapunan ang mga
puwang [Taylor, 1953, p. 415]
 Ang cloze procedure ay angkop para sa lahat
na
mga mag-aaral. Ang tekstong gagamitin ay
dapat angkop sa lebel o antas ng pag-unawa ng
mga bata. Ito ay maaaring gawing
pangkalahatan, pangkatan o indibidwal
na gawain para sa mga mag-aaral.
6. Pagpapangkat sa mga pangungusap na hindi
sumusuporta sa pangunahing ideya

 Ito ay nangangailangan nang sapat na


paghahanda subalit ito ay isang makabuluhang
gawain sa pagtataya ng kaalaman ng mga mag-
aaral sa pagtukoy ng pangunahing ideya at
pansuportang detalye habang hinahasa naman
ang kanilang kakayahan sa kritikal na pag-iisip.
 Bago mag-umpisa ang talakayan,
magbibigay ang guro ng isang talata
na may malinaw na pangunahing ideya.
 Hahanapin ng mga mag-aaral ang mga
detalyeng sumusuporta rito at tatanggalin
naman nila ang mga pangungusap na walang
kaugnayan sa pangungahing ideya ng talata.
Gawain 3:
MALIKHAING
PRESENTASYON
PANUTO:Gamit ang teksto, gumawa ng isang task [kagamitang
pampagtuturo] na nagpapakita ng paglalapat ng mga sumusunod
na
estratehiya:
• Unang Pangkat - Scaffolded Graphic Organizer
• Ikalawang Pangkat - Conceptual Mapping
• Ikatlong Pangkat - Cloze Procedure
• Ikaapat na Pangkat - Pagtatanggal sa mga
Pangungusap na hindi Sumusuporta
sa Pangunahing
• Ikalimang Pangkat Ideya
- Pagpapangkat sa
 Ang task o gawain ay nagtataglay ng sumusunod
na
bahagi:
• Panuto
• Halimbawa [if applicable]
• Gawain/ Task
 Gawin ito sa loob ng 10 minuto.
 Isulat ang inyong mga sagot sa Manila paper.
PRESENTASYON
“Ang pagtuturo ay HINDI pagandahan ng
kagamitang pampagtuturo, paramihan ng
pangkatang gawain at palakasan ng hiyaw ng mga
mag-aaral sa klase. Higit pa roon, ang epektibong
pagtuturo ay nangangailangan ng masusing
pagpaplano ng mga angkop na kaalaman, gawain,
estratehiya at pagtataya upang malinang sa mga
mag-aaral ang iba’t kasanayan sa pagkatuto.
G.JM Esparar
MGA SANGGUNIAN
https://www.slideshare.net/ellixir/aralin-14-at-17-buod
https://study.com/academy/lesson/how-to-explain-the-main-point-
through- supporting-details.html
http://misterhomework.blogspot.com/2013/06/mga-halimbawa-ng-
bugtong.html
https://www.teachingmadepractical.com/teaching-main-idea/
https://www.scribd.com/doc/37308756/MGA-TEKSTONG-EKSPOSITORI

You might also like