You are on page 1of 5

 

Bawat Bata Bumabasa 


3B’s Initiative 
(DM 173, s. 2019)
Pambansang Pagsasanay sa Pagtuturong Panliterasi
 
Sesyon 10
PAGTUTURO NG PAGTUKOY NG
DETALYE NG TEKSTO

Learning Action Cell Session Guide 


Filipino K-10   
Inihanda ni:

MARIE ANN C. LIGSAY, PhD


Tagamasid Panrehiyon
Rehiyon III
Layunin ng Sesyon
Pagkatapos ng sesyon, inaasahan na ang mga guro ay:

Pangunahing Layunin:
Gamit ang modelong on -line ang mga kalahok ay inaasahang;

Nagagamit ang mga estratehiya sa pagtuturo sa


kasanayan sa pagtukoy sa pangunahing detalye at pansuportang detalye mula sa
iba’t ibang seleksyon o tekstong binasa.

Tiyak na Layunin:
1. Naibibigay ang katuturan ng detalye (Pangunahing at Pantulong na
Detalye);
2. Natatalakay ang mga estratehiya sa pagtuturo ng pagtukoy ng detalye ng
teksto (Pantulong na Detalye);
3. Naiisa-isa ang mga hakbang ng mga estratehiya sa pagtuturo ng pagtukoy
ng detalye ng teksto; at
4. Naisasagawa ang pakitang turo ng pagtukoy ng pantulong na detalye ng
teksto.

Kailangang Kagamitan Inaasahang Haba


● PowerPoint Presentation
2 oras/ 120 minuto
● Kopya ng mga teksto
● templates ng repleksiyon at
gawain sa aplikasyon

Sanggunian Balatkayo (Sanaysay na di-piksyon)


Yamang Filipino, pahina 322-323

Iba pang mga Kagamitang Pampagtuturo - sipi ng sanaysay para sa pagbasa ng guro,
cartolina, larawan, graphic organizer,

PAMAMARAAN
Magandang araw po sa ating lahat. Ang makabagong normal na tinatawag ngayon
ang siyang magaganap sa ating pagtatalakay ng ating mahalagang sesyong
tatalakayin na pagturo ng pagkuha ng detalye sa kwento.

a. Panimula - Pagusapan natin

1. Ano anong mga estratehiyang nagamit na ninyo


sa pagtuturo ng pagtukoy ng detalye ng teksto?
2. Ano anong suliranin at isyu ang inyong naranasan sa
pagtuturo ng pagtukoy ng detalye ng teksto?

2
3. Paano ninyo nabigyang solusyon ang mga isyu at
suliranin sa pagtuturo ng pagtukoy ng detalye ng
teksto?
4. Bakit naging least learned competency ang pagtukoy
ng detalye ng teksto?

Ano ang pagbasa?


(sabihin po, ayon sa diksyonaryo)
• Ang pagbasa ay ​pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga
sagisag na nakalimbag. ​Isa ito sa mga makrong kasanayang pangwika at
isa sa mga pinakagamitin sa lahat.

• Ito ay proseso ng pag-unawa sa mensaheng nais iparating ng may akda sa


mambabasa.

The Reading Pyramid


Bigyang tuon ang kahalagahan ng reading pyramid sa p ower ptoint bilang 7 at walo.
Matatalakay ito nang may lalong pag -unawa sa sesyon ni Dr. Rosalina Villaneza.
Banngitin lang na ang anim na element ay mahalaga upang ang pagkatuto ng mga bata sa
pagbasa ay kumpleto at may pan-unawa na siyang tutulong sa kanila upang matukoy ang
mga pangunahing detalye, pangalawang detalye o pantulong na detalaye.

B. Pagtalakay
DETALYE NG TEKSTO
- Ito ay konsepto ng seleksyon na ​nais ipahiwatig o ihatid ng manunulat (awtor) sa mga
mambabasa.
-Ito rin ang pangungusap na ​nagbubuod sa paksa ​ng talata.
-karaniwang makikita sa ​unahan​, subalit minsan ay nasa ​gitna​ o ​hulihang​ bahagi
rin ito matatagpuan.
2. Pantulong / Pansuportang Detalye
- Mga salita, parirala, o pahayag na sumusuporta o nagpapaliwanag tungkol sa
pangunahing ideya.

MGA ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO NG PAGTUKOY NG DETALYE


- Direktang Pagtuturo (Explicit Teaching)
- Ang komprehensyon ay nalilinang kapag ang guro ay nagbibigay ng
direktang pagtuturo gamit ang mga estratehiya sa pag-unawa (Pearson & Duke,
2002)
Mga ​hakbang​ sa pagsagawa ng ​Direktang Pagtuturo​:
a. Pagmomodelo ​– pagpapakita ng pagsasagawa ng mga gawain sa pagkatuto
(Sa bahaging ito ipakita isa isa ang larawan ng nasa power point. Imodelo ang ito
na maaring magbigay ang mga kalahok ng kanilang kaalaman sa mga nabanggit na
pamamaraan sa pagtuturo ng pagkuha ng detalye pangalawang detalye o pantulong
na detalye)
b. Scaffolded Graphic Organizer
- Ang grapikong pantulong ay higit na nakatutulong sa mga mag-aaral lalong-lalo
na sa mga nahihirapan sa pagtukoy sa pangunahing ideya at pansuportang detalye sa teksto.

3
Mga konsiderasyon sa paggamit ng ​Scaffolded Graphic Organizer
Sa gawaing ito, magbibigay muna ang guro ng ​blangkong grapikong pantulong.
Namodelo​ ng guro ang paggamit ng organizer bago ipagawa sa mga mag-aaral
Pumili ng ​angkop na graphic organizer ​para sa kasanayang ituturo
Ipaliwanag​ ang istruktura ng graphic organizer sa pagtukoy ng detalye at ang
kahalagahan nito sa pagunawa ng teksto
(ipakita ang iba’t ibang graphic organizer at ipaangkop sa mga guro alin sa mga ito ang
dapat gamitin sa mga mag-aaral ayon sa kanilang pagkaunawa sa mga naipakitang graphic
organizer)
3. Semantic o Conceptual Mapping
-Ang semantic o conceptual mapping ay ​isang teknik na kung saan iniuugnay ng
mga mag aaral ang kanilang natutuhan mula sa kanilang binabasa at nabibigyan ng
buhay ang kuwento
(Heimlich & Pittelmen, 1986, Hihleman, 1988)
-Kung ang conceptual map ay ginawa ngpangkat, ito ay nakatutulong sa
mgamag-aaral na ​ayusin ang kanilang nalalaman sa paksa.
4. Cloze Procedure
Sa madaling sabi, pupunan ng mga mag-aaral ang isang pamilyar subalit hindi
natatapos na
pattern para makita at mabuo ang sirang bilog
…upang mapunan ang mga puwang
(Taylor, 1953, p. 415)

PANGKATANG GAWAIN
Panuto: ​Tukuyin ang mga detalye ng teksto sa pamamagitan ng sumusunod na estratehiya:
Pangkat 1:​Direktang Pagtuturo (ExplicitTeaching)
Pangkat 2:​ Scaffolded Graphic Organizer
Pangkat 3:​ Semantic o Conceptual Mapping
Pangkat 4:​ Cloze Procedure


.​ PANGWAKAS NA GAWAIN
Pakitang-turo (Pangkat 1)
Pagbibigay ng feedback

Ipabasa ang huling power point pagtapos ang mga panapos na tanong…

4
5

You might also like