pangarap ng sangkatauhan na nasusulat sa isang masining o malikhaing paraan sa pamamagitan ng isang aestetikong anyo at kinapapalooban ng pandaigdigang kaisipan at dahil nasusulat matitiyak ang kawalang maliw nito. URI NG PANITIKAN Uri ng Panitikan ayon sa Pagsasalin 1. Panitikang Pasalin-dila Ang pasalindila ay ang paraan ng paglilipat ng panitikan mula sa dila at bibig ng tao. Noong hindi pa marunong magsulat ang mga ninuno ng mga makabagong Pilipino, binibigkas lamang nila ang mga tula, awit, nobela, epiko, at iba pa. Kalimitang nagtitipun- tipon ang sinaunang mga Pilipino upang pakinggan ang mga salaysayin, paglalahad o pamamayag na ito. Paulit-ulit nilang pinakikinggan ang mga ito upang matanim sa kanilang isipan. Sa ganitong palagiang pakikinig at pagbigkas ng panitikan, nagawa nilang maisalin ang mga ito papunta sa susunod na salinlahi o henerasyon ng mga Pilipino. 2. Panitikang Pasulat Ang pasalinsulat, isinatitik, isinulat, inukit, o iginuhit ng mga ninuno ng pangkasalukuyang panahong mga Pilipino ang kanilang panitikan. Naganap ito noong matutunan nila ang sinaunang abakada o alpabeto, kabilang na ang mas naunang baybayin at mga katulad nito. 3. Pasalintroniko Isang bagong kaparaanan ng pag-uuri ang pansalintroniko, o pagsasalin ng panitikan sa pamamagitan ng mga kagamitang elektroniko na dulot ng teknolohiyang elektronika. Ilan sa mga halimbawa nito ang paggamit ng mga diskong kompakto, plaka, rekorder (tulad ng tape recorder at ng VHS), mga aklat na elektroniko (hindi na binubuklat dahil hindi na yari sa papel, bagkus ay nasa mga elektronikong anyo na), at ang kompyuter. Uri ng Panitikan ayon sa Anyo Patula Nasa anyong patula ang panitikan kung saknungan ito at may taludturan. Katangian ng mga taludtod ng mga tula ang pagkakaroon ng bilang at sukat ng mga pantig at ang pagkakatugma-tugma o pagkakasintunug-tunog ng mga pantig. Subalit mayroon din namang mga panitikang patulang tinatawag na Malaya sapagkat walang bilang, sukat, tugmaan, at pagkakasintunugan ng mga pantig ng taludtod. Mayroong apat na uri ang anyong patula: a. tulang pasalaysay - Ang tulang pasalaysay ay uri ng tula na nagsasaad ng kuwento. Ito’y kadalasang ginagamitan ng boses ng tagapagsalaysay at ng mga tauhan; at ang buong istorya ay nasusulat sa may sukat na taludtod. Hindi kailangang mayroong huwarang pang-ritmo ang tulang pasalaysay. Ang ganitong uri ng tula ay maaaring maikli o mahaba, at ang istoryang kinukwento nito ay maaaring komplikado. Ito ay karaniwang dramatiko, may layunin, iba’t ibang tauhan, at sukat. Kabilang sa tulang pasalaysay ang epiko, ballad, idyll at lays. b. Tulang paawit o tulang liriko - ipinapahayag ang saloobin at damdamin ng makata C. Tulang dula o tulang pantanghalan Ang tulang dula o tulang pantanghalan o dulang pantanghalan ay kahit anumang drama na sinulat bilang isang berso para wikain.At ang dula ay isinasagawa sa tanghalan kaya ito ay tinawag na dulang pantanghalan. Ang uring ito ng tula ay hindi lamang sumsaklaw sa moro-moro o komedya, tibag, panuluyan, sarsuwela, senakulo, kundi gayon din sa mag-isangsalaysay (monologo), lirikong dula, tulang dulang katatawanan, tulang dulang kalunos-lunos, melodramang dula, at dulang parsa. D. tulang patnigan ay isang uri ng pagtatalong patula na ginagamitan ng pangagatwiran at matalas na pag-iisip.