Kay sarap pagmasdan ng masayang pamilya, Si ama’t si ina’y responsable sa tuwina Ang Diyos ang sandigan sa tuwi-tuwina.
Mga anak pinalaki nang may takot sa Diyos,
Tinuruang gumawa, magpawis at mapagod Pagkat puhunan daw iyon sa paglaking lubos. Edukasyon ng anak ay itinaguyod Kahit na mangapal ang palad sa pagod Basta sa pamilya ay may maitustos.
Di nag aaway sa harap ng supling,
Kapakanan lagi ng anak na hirang ang nasa at pansin At pagmamahalan ang laging inaangkin. pagmasdan pinalaki tinuruan gumawa magpawis itinaguyod maitustos inaangkin Pandiwa mga salitang nagsasaad ng kilos o galaw . Unang pangkat Tingnan ang bawat larawan. Piliin sa loob ng kahon ang salitang kilos na ginagawa ng nasa larawan.
nagsulat nagwawalis nagturo tumakbo hinabol
Ikalawang pangkat Bilugan ang salitang di nagpapakita ng kilos sa bawat kahon. Ikatlong Pangkat Salungguhitan ang pandiwang ginamit sa pangungusap. 1.Naghugas ako ng mga pinggan kagabi. 2.Namamalengke si nanay araw-araw. 3.Bukas ay mamamasyal kami sa parke. 4. Inayos ni Darenn ang nasirang bakod kaninang umaga. 5.Sasamahan ko mamaya si ate sa kaniyang silid. Kahunan ang pandiwa sa bawat pangungusap 1. Si Miguel ay gumising nang maaga. 2. Kumain ng almusal si ate Martha. 3. Si tatay ay uminom ng mainit na kape. 4.Naghuhugas ng pinggan si nanay. 5. Dumating ang school bus ng mga bata Takda Gumawa ng mga talaan ng mga gawain ng iyong pamilya sa buong araw.Isulat sa graphic organizer