You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OFFICE, SAN JUAN CITY
WEST CRAME ELEMENTARY SCHOOL
21 1ST WEST WEST CRAME STS., SAN JUAN CITY

Paaralan West Crame Elementary School Baitang / Antas II- Atis


Guro Bb. Mary Dianne B. Campaner Asignatura Health
Oras / Petsa 10:55-11:25/ Hunyo 7, 2023 Markahan Ikaapat

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang pang-unawa sa mga pamantayan upang masiguro
ang kaligtasan sa tahanan at paaralan
B. Pamantayan sa Pagganap Patuloy na naisasagawa ang pagsunod sa mga alituntuning
pangkaligtasan sa tahanan at paaralan

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Nakasusunod sa sa mga pamantayang pangkaligtasan


H2IS-IVh-17
II. NILALAMAN Mga Alituntuning Pangkaligtasan sa Paaralan at Tahanan
III. KAGAMITANG PANTURO Laptop, Smart TV, Yeso, Pisara, PPT,
Sanggunian ESP DBOW, PIVOT Grade 2 Health Modyul 6
Mga pahina sa Gabay ng Guro
Mga pahina sa Kagamitang Pang-mag-aaral
Mga pahina sa Teksbuk
Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng
Learning Resources
Iba pang kagamitang Panturo
IV. PAMAMARAAN
Balik-Aral sa nakaraang aralin at/o Hanapin sa kahon kung paano magiging ligtas gamitin ang
pagsisimula ng bagong aralin sumusunod na mga kemikal. Isulat ang letra ng tamang sagot.
_____ 1. pamatay ng insekto
_____ 2. gamot sa ubo
_____ 3. sabong panlaba
_____ 4. pang-alis ng mantsa sa damit
_____ 5. Petrolyo

a. Ilagay sa cabinet na hindi abot ng mga bata.


b. Ilayo sa mga bagay na hindi nagliliyab.
c. Inumin ayon sa payo ng Doktor.
d. Ihiwalay sa mga produktong gamit sa pagluluto.
e. Lagyan ng tamang babala at ilagay sa tamang lalagyan.

Paghahabi sa layunin ng aralin Ipakita ang mga sumusunod na larawan at hayaang tukuyin ang mga
ito. Hayaang ibigay ng mga mag-aaral ang epekto ng mga kemikal
na ito sa kalusugan.
Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong Gawin ang “Sine Mo’To” na kung saan may isang kwentong
aralin babasahin ang guro at iaarte ito ng mga mag-aaral ang mga
pangyayari.

Babasahin guro ang kwento ng Pamilya Peligro

Ang pamilya Peligro ay isa sa mga pamilya sa Barangay Kaligtasan


na laging pinangagambahan sa komunidad dahil lagi silang
narereklamo sa barangay. Ang mag-anak ay binubuo ng inang si
Sophie at amang si Cedrick. May dalawa silang anak na sina Reign
at Summer. Kasama rin nila ang Lolo nilang si Auxtin.

Isang araw, sa kusina nagluluto ang Lolo Auxtin. Inilagay niya ang
nakasaksak na rice cooker sa basang lababo. Iniwan nya ito para
manood ng Showtime.

Pagod na umuwi ang inang si Sophie kaya nang makita siya ni


Cedrick ay agad siyang kumuha ng tubig sa ref. Di sinasadyang
mahulog ang pitsel at natapon ang tubig. Kumuha na lang sya ng
tubig na nasa bote at iniabot kay pagod niyang kabiyak.

Sa sala naman ay naglalaro ang magkapatid na sina Reign at


Summer. Ikinalat nila ang lahat ng laruan sa sahig.

Biglang pumutok ang nakasaksak na rice cooker at nagsimulang


magkasunog. Dali-daling tumakbo si Lolo Auxtin para subukang
patayin ang sunog. Sa pagmamadali ay nadulas siya dahil basa ang
sahig na malapit sa ref. Sumisigaw ang matanda para humingi ng
tulong. Agad namang tumakbo ang mag asawa para iligtas ang Lolo
Auxtin. Sa paglabas nila, isinama nila ang kanilang mga anak.
Nahirapan silang makaalis dahil sa mga laruang nakakalat sa sahig.
Nasaktan ang kanilang mga paa at nadudulas-dulas pa sila bago sila
makalabas.

Nagtulong-tulong ang mga magkakapit-bahay upang maapula ang


sunog. Wala namang nasaktan sa mag-anak.

Pagtalakay ng bagong konsepto at Itanong ang mga sumusunod:


paglalahad ng bagong kasanayan #1
Ano ang inyong masasabi sa Pamilya Peligro?
Ano ang mga maling gawi ang napansin ninyo sa kwento?
Kung kayo ang nasa istorya, paano mo kaya sila matutulungan?
Pagtalakay ng bagong konsepto at Suriin ang mga larawan at tukuyin kung anong alituntuning
paglalahad ng bagong kasanayan #2 pangkaligtasan ang inilalarawan ng mga ito.

Nagagawa mo ang ilan sa mga ito?

A. Paglinang sa Kabihasaan Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay wasto ay MALI kung
(Tungo sa Formative Assessment) hindi wasto.

1. Itinatapon ko ang mga balat ng prutas gaya ng saging sa


basurahan upang walang madulas.
2. Pinaglalaruan ko ang mga saksakan sa aming silid.
3. Padulas akong bumabasa sa mga gabay ng hagdanan.
4. Sinusunod ko ang mga babalang inilalagay ang aking nanay
sa aming tahanan.
5. Mahilig kaming maglaro ng mga matutulis na bagay ng
aking kapatid.
Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na Mahalaga ba ang pagsunod sa mga alituntuning pangkaligtasan?
buhay Bakit?

Paano ito nakatutulong sa iyo?

Bilang mag-aaral sa ikalawang baitang, paano ka makatutulong sa


pagpapanatili ng kaligtasan sa tahanan?
Paglalahat ng Aralin Ang pagiging masunurin sa tuntunin sa tahanan ay ay nabubunga ng
kaligtasan at nag iiwas sa atin sa tiyak na kapahamakan.
Pagtataya ng Aralin Sa iyong sagutang ppael, isulat ang titik ng tamang sagot.

1. May sipon ka. Wala kayong ibang gamot sa bahay maliban


sa Vicks. Nakaramdam ka ng ginhawa nang ipahid ito sa
iyong noo. Gusto mo itong kainin para mas mapabilis ang
iyong paggaling ngunit pinagbawalan ka ng iyong nanay.
Ano sa palagay mo ang warning label na nasa pabalat ng
Vicks?
A. For external use only.
B. Keep out of reach of children.
C. Take it with a doctor’s prescription.
D. Smoking is dangerous to your health.
2. Nakita mo sa kabinet ang isang plastic na bote na may
nakasulat na “flammable”. Katabi nito ang larawan ng
ningas na apoy. Ano ang ibig sabihin ng babalang ito?
A. Maaaring magliyab ang apoy
B. May apoy sa loob ng pakete
C. Ilagay sa tabi ang apoy.
D. May yelo sa loob

3. Nakakita ka ng makulay na bote. Napakasarap sa tingin mo


ng laman nito. Sinuri mo ang warning label nang mapansin
mo ang hugis bungo na nasa harapan ng bote. Ano ang ibig
sabihin nito?
A. Masarap inumin ang laman nito.
B. May bungo at buto sa loob nito.
C. Nakalalason ang laman nito.
D. Nakalalasing ang laman nito.

4. Itinago ng nanay mo ang mga gamot at panlinis sa kusina sa


itaas ng kabinet. Nabasa mo ang babala sa bote na “Keep
away from children’s reach.” Ang ibiig sabihin ng babala
ay:
A. Mapanganib ito sa mga bata.
B. Maaaring paglaruan ng mga bata.
C. Maipagbibili ito ng mga bata.
D. Mausutansya ang laman nito.

5. Nakita mo ang nanay mo na nahihilo sa paglilinis ng inyong


palikuran gamit ang muriatic acid. Ano ang maipapayo mo
sa kanya?
A. Huwag nang maglinis ng palikuran.
B. Takpan ang ilong at gumamit ng gloves sa paglilinis.
C. Buksan ang mga binta at pinto habang naglilinis.
D. Ipatapon ang muriatic acid at buhusan na lang ng tubig
ang palikuran.

Karagdagang Gawain para sa takdang-


aralin at remediation
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80%
sa pagtataya
Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng
iba pang gawain para sa remediation.
Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng
mag-aaral na nakaunawa sa aralin.
Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy
sa remediation.
Alin sa mga istratehiyang pagtuturo
nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong?
Anong suliranin ang aking naranasan na
solusyunan sa tulong ng aking punungguro
at superbisor?
Anong kagamitang panturo ang aking
nadibuho na nais kong ibahagi sa mga
kapwa ko guro?

Prepared by: Mary Dianne B. Campaner


Teacher I

Approved by:

Roy Dan R Pido


OIC - Principal

You might also like