You are on page 1of 19

Karunungang Bayan

Salawikain, Sawikain, Kasabihan at


Kawikaan
Karunungang Bayan (Folk Speech)

Ang karunungan bayan ay isang sangay


ng panitikan kung saan nagiging daan
upang maipahayag ang mga kaisipan na
nakapapabilang sa bawat kultura ng bawat
tribo.
Kapag may isinuksok

May madudukot
Ang taong walang kibo

Nasa loob ang kulo


SALAWIKAIN
Isang patalinghagang pahayag na
ginagamit ng mga matatanda noong unang
panahon upang mangaral at akayin ang
mga kabataan sa mabuting asal
Padre Gregorio Martin at Mariano Cuadrado

Unang nagtipon ng mga


salawikaing Tagalog
Damiana Eugenio
Gumawa ng masusing pag- aaral
tungkol sa mga salawikain ng
Pilipinas
Katangian ng Salawikain
• Maikling pangungusap
• Payak
• Karaniwang mga pananalita
• Kinasasalaminan ng mga puna sa buhay
• May tugma ang karamihan
• Pag-uulit ng mga salita
Magbigay ng iba pang
halimbawa
SAWIKAIN
• ito ay mga patalinghagang pananalita
• paraan ng pagpukaw at paghasa sa
kaisipan ng tao
Halimbawa:

• Hulog ng langit – biyaya o swerte


• Maluwang ang turnilyo – luko luko
• Makati ang dila – madaldal
• Bukambibig – laging sinasambit
• Anak – pawis - dukha
KASABIHAN
• Bukambibig ng mga bata at mga matatanda na
kung tawagin sa Ingles ay Mother Goose o
Nursery Rhymes
• Ito ay mga tulang pambata o tugmang walang
diwa o mababaw ang isinasaad na kahulugan
Gamit ng Kasabihan

• Pang-aliw
• Panudyo
• Sabi-sabi
• Pampadulas-dila
• Ang batang makulit, napapalo sa puwit.
• Ang batang matalino, nag-aaral ng husto.
• Ang batang iyakin, nagiging mutain.
• Ang batang matapat, pinagtitiwalaan ng lahat.
• Ang batang hindi matapat, ay masahol pa sa
isang ahas sa gubat.
• Ang gumagawa ng kabutihan, hindi
matatakot sa kamatayan.
• Ang nagsasabi ng tapat, ay nagsasama ng
matagal.
KAWIKAAN
•Kauri ng saliwakain na ang
kaibahan lamang ay laging
nagtataglay ng aral sa buhay
Halimbawa:

Ang salita ng matuwid ay palaging angkop,


ngunit ang salita ng masama ay puro paninira
-Kawikaan 10:32

Sari-saring kaguluhan ang bunga ng kapootan,


ngunit ang pag-ibig ay pumapawi sa lahat ng
kasalanan. -Kawikaan 10:12
Ang kamay na tamad ay tiyak na
magdarahop,
ngunit magbubunton ng yaman
ang kamay na masinop.

-Kawikaan 10:4-5
Gawain:
Magbigay ng isang halimbawa sa
bawat bilang:

1. Salawikain
2. Sawikain
3. Kasabihan
4. Kawikaan
Maraming Salamat
po!
Dela Cueva, Kimberly B.
BSED 2 – English
Prof. Bueno
Fil 3

You might also like