You are on page 1of 17

Ano ang Alamat?

Ang alamat o legend at folklore sa wikang Ingles ay isang uri ng panitikan na naglalaman ng tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa
daigdig. Kung minsan nagsasalaysay ito ng mga pangyayari hinggil sa tunay na mga tao at pook. Tumatalakay din ito sa mga katutubong kultura,
kaugalian o kapaligiran. Ito ay kadalasang mga kathang-isip na nagpasalin-salin buhat sa ating mga ninuno.
Katulad ng Maikling Kwento at mga Pabula, ang mga alamat ay kinapupulutan din ng aral na sumasalamin sa kultura ng isang bayang pinagmulan.
Mga Elemento ng Alamat
Ito ay may pitong elemento. Basahin ang mga sumusunod:
1. Tauhan
Ito ang mga nagsiganap sa kwento at kung ano ang papel na ginagampanan ng bawat isa.
2. Tagpuan
Inilalarawan dito ang lugar na pinangyarihan ng mga aksyon at insidente, gayundin ang panahon kung kailan ito nangyari.
3. Saglit na kasiglahan
Ito ay naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.
4. Tunggalian
Ito naman ang bahaging nagsasaad sa pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga suliraning kakaharapin na minsan
ay sa sarili, sa kapwa, o sa kalikasan.
5. Kasukdulan
Ito ang pinakamadulang bahagi kung saan maaaring makamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
6. Kakalasan
Ito ang bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan.
7. Katapusan
Ito ang bahaging maglalahad ng magiging resolusyon ng kwento. Maaaring masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.
Mga Bahagi ng Alamat
Dito ay may tatlong mga bahagi: ang Simula, Gitna, at Wakas.
1. Simula
Sa simula inilalarawan ang mga tauhan sa kwento. Sinu-sino ang mga gumaganap sa kwento at ano ang papel na kanilang ginagampanan. Maging
ang tagpuan o lugar at panahon ng pinangyayarihan ng insidente ay inilalarawan din sa simula.
2. Gitna
Kabilang sa gitna ang saglit na kasiglahan, tunggalian at kasukdulan ng kwento. Ang saglit na kasiglahan ay naglalahad ng panandaliang pagtatagpo
ng mga tauhan. Ang tunggalian ay nagsasaad ng pakikipagtunggali o pakikipagsapalaran ng tauhan. Samantalang ang kasukdulan ay ang bahaging
nagsasabi kung nagtagumpay o hindi ang tauhan.
3. Wakas
Kabilang naman sa wakas ang kakalasan at katapusan ng kwento.
Mga Halimbawa ng Alamat
Ang mga sumusunod na halimbawa na inyong mababasa ay pinangkat namin sa limang bahagi. Ito ay ang alamat ng mga bulaklak, gulay, hayop,
lugar at prutas.
•Bahaghari
•Rosas
•Sampaguita
•Waling-Waling
Gulay
•Ampalaya
Mga Hayop
•Ahas
•Aso
•Butiki
•Gagamba
•Paru-Paro
Mga Lugar
•Baguio: Mina ng Ginto
•Bulkang Mayon
•Pilipinas
•Maria Makiling
Mga Prutas
•Bayabas
•Durian
•Kasoy
•Lansones
•Mangga
•Pakwan
•Pinya
•Saging
•Sampalok
Iba pang halimbawa
bahaghari

You might also like