You are on page 1of 23

Nilikha ni :

NAUJAN WEST DISTRICT


JHES
Pabilangin ang mga
bata gamit ang
natutuhang skip
counting by 5’s.
Mga bata, tingnan ang larawang hawak
ko.
Ito si Pamela. Naghahanda siya sa
pagpasok sa paaralan. Kailangan ni Pamela
na makarating sa paaralan isang oras mula
ngayon. Ika-anim ng umaga ang oras
ngayon.
Anong oras siya dapat na nasa
paaralan?
Ngayong umaga, pag-
aaralan natin ang
pagsasabi at pagsulat ng
oras gamit ang orasan.
Sabihin: Ngayon ay ika-anim ng umaga.
Pupunta si Pamela sa paaralan isang oras
mula ngayon.
(Ituro sa orasan ang 6).

Paikutin nang kumpletong ikot ang


mahabang kamay ng orasan.

(Ipaliwanag na sa bawat bilang ay may


katumbas na 5 minuto at ang kabuuang
bilang ng kumpletong ikot ay 60 na minuto)
Ano ang bilang pagkatapos ng 6?
Anong oras dapat na nasa paaralan si
Pamela?

Paano natin nakuha ang wastong sagot?


Ano ang napansin ninyo sa orasan?
Ilan ang mga kamay ng orasan?
Magkasinghaba ba ang kamay ng
orasan?
Ilan ang bilang sa mukha ng
orasan?
Alin ang nagsasabi ng oras?
minuto? Segundo?

Mga bata, naunawaan ninyo ba


ang ating aralin sa araw na ito?
May mga katanungan ba kayo?
Kung wala na, ating sagutin ang sumusunod na pagsasanay.
Handa na ba kayo?

Isulat ang oras na ipinakikita ng bawat orasan.


Isulat sa inyong Show Me Board ang inyong sagot.

9:00 3:00 4:00


Ngayon naman ipakita ninyo sa inyong hawak
na orasan ang mga sasabihin kong oras.

1. 7:00
2. 8:00
3. 10:00
4. 12:00
5. 1:00
Pangkatang
Gawain
Bilugan ang tamang oras na
ipinakikita sa bawat orasan.
Iugnay sa
pamamagitan
ng linya ang
oras na
ipinakikita ng
mga orasan sa
unang hanay,
sa mga oras na
nasa
ikalawang
hanay.
Basahin at sagutin ang sitwasyon:

Nagsisimula ang klase ninyo sa


Mathematics ng ika-8:00 ng umaga.
Kung isang oras ang klase ninyo,
anong oras matatapos ang klase
ninyo sa Mathematics?
Itanong:
*Ilang minuto ang katumbas ng
isang oras?
*Ano ang sinasabi ng maikling
kamay sa orasan?
*Ano ang sinasabi ng mahabang
kamay sa orasan?
*Ang isang oras ay may katumbas na 60 minuto.
*Ang maikling kamay ang nagsasabi ng oras.
*Ang mahabang kamay ang nagsasabi ng minuto.
*Ang mahabang kamay ay kumikilos nang mabilis
kaysa sa maikling kamay ng orasan.
*Ang kumpletong ikot ng mahabang kamay sa orasan
ay katumbas ng isang oras.
*Sa pagsasabi ng saktong oras ang maikling kamay
ang unang titingnan kung saan nakaturo na bilang at
ang mahabang kamay ay palaging nakaturo sa 12.
Isulat ang
oras na
ipinakikita sa
mga orasan.
1
.
2
.
3
.
4
.
5
.
Gumawa ng sariling
orasan gamit ang
mga lumang karton
at kalendaryo.

You might also like