You are on page 1of 13

• Batayang Kaalaman sa Wika

• Kahulugan ng wika
• Hindi maitatanggi sa mga tao dito sa mundo ang kahalagahan ng
wika. Ito ang naging daan upang maibahagi sa isa’t isa ang kani-
kanilang mga ninanais at niloloob. Ayon kina Espina at Borja
(1999:1), ang wika ay isang mahalagang kasangkapan upang
maipahayag ng tao ang kanyang damdamin at kaisipan. Ang
kakayahan sa paggamit ng wika na nasasalig sa isipan, damdamin at
kilos ng tao ay resulta ng isang dinamikong prosesong bunga ng
kanyang karanasan—kabiguan, tagumpay, pakikipagsapalaran at
maging ng kanyang mga pangarap at mithiin.
• Katangian ng wika
• Batay sa mga kahulugan ng wika na inilahad ng mga
dalubhasa, matutukoy ang mga pangunahin at unibersal
na katangian ng wika na tatalakayin sa mga sumusunod
na talata:
• Ang wika ay masistemang balangkas. Ano mang wika sa
daigdig ay sistematikong nakasaayos sa isang tiyak na
balangkas.
• Lahat ng wika ay nakabatay sa tunog. Ponema ang tawag sa
makahulugang tunog ng isang wika samantalang ponolohiya naman
ang tawag sa makaagham na pag-aaral ng mga ito.Kapag ang
ponemang ito ay pinagsama, maaaring makabuo ng maliliit na yunit
ng salita na tinatawag na morpema. Ang morpemang mabubuo ay
maaaring isang salitang-ugat, panlapi o morpemang ponema katulad
ng ponemang /a/ na sa wika natin ay maaaring magpahiwatig ng
kasariang pambabae. Morpolohiya naman ang tawag sa makaagham
na pag-aaral ng mga morpema. Samantala, kapag ang mga salita ay
ating pinag-ugnay, maaari naman tayong makabuo ng mga
pangungusap.
• Ang wika ay binubuo ng mga sagisag o simbolo. Kapag
nagsasalita tayo, ang bawat salitang binibigkas natin ay isang
serye ng mga tunog na kumakatawan sa isang bagay (lapis,
bag, papel), ideya (pag-aaral, katotohanan), damdamin (pag-
ibig, kaligayahan) o isang fangsyon (si, nang, ni).
• Ang wika ay mga sagisag na binibigkas. Hindi lahat ng tunog
ay wika sapagkat hindi lahat ng tunog ay may kahulugan. Sa
mga tao, ang makahulugang tunog na nalilikha natin at kung
gayo’y kasangkapan ng komunikasyon sa halos lahat kung
hindi man lahat ng pagkakataon ay ang tunog na sinasalita
• Ang wika ay arbitraryong simbulo at tunog. Ang salitang
arbitraryo ay nangangahulugang walang tiyak na batayan. Ibig
sabihin ang pagbuo ng mga simbulo at tunog na kumakatawan
sa kahulugan ng bagay, ideya at kaisipan ay walang tiyak na
batayan o tuntuning sinusunod. Ito’y pinagkakasunduan ng
mga tao sa tiyak na pook o pamayanang gumagamit ng wika.
Kaya magkakaiba ng mga salitang ginagamit ang iba’t ibang
pook tulad ng salitang rice sa Ingles, arroz sa Kastila, bugas sa
Cebuano, bigas sa Tagalog, at abyas sa Kapampangan
• Ang wika ay ginagamit. Ang wika ay kasangkapan sa
komunikasyon at katulad ng iba pang kasangkapan, kailangang
tuluy-tuloy itong ginagamit. Ang isang kasangkapang hindi na
ginagamit ay nawawalan na ng saysay. Gayon din ang wika.
Kapag ang wika ay hindi na ginagamit, unti-unting mawawala
at tuluyang mamamatay.
• Wika ay nakabatay sa kultura.Nagkakaiba ang wika sa daigdig
dahil na rin sa pagkakaiba ng kultura ng mga bansa at mga
pangkat. Ito ang naging paliwanag kung bakit may mga
kaisipan sa isang wika ang walang katumbas sa ibang wika
sapagkat wala sa kultura ng ibang wika ang kaisipang iyon ng
isang wika. Katulad ng sa Ingles at Filipino. Sa Ingles ay may
iba’t ibang formation ng ice na maaaring tumbasan sa Filipino
ng nyebe at yelo. Ngunit may maging panumbas pa ba sa
glacier, icebergs, frozt, hailstorm at iba pa? Wala, sapagkat
hindi naman bahagi ng ating kultura ang mga formations na ito
• Ang wika ay nagbabago. Dinamiko ang wika. Hindi ito maaaring
tumangging hindi magbabago. Ang isang wikang stagnant ay maaari ring
mamatay tulad ng hindi paggamit niyon. Ayon kina Paz (2003:6) lahat ng
bagay ay nagbabago at sa panahon ngayon ng makabagong teknolohiya at
madaling paglalakbay ng mga tao, masasabing lumiliit na ang mundo.
Ang bunga ng pagliit na ito ng mundo na dala na rin ng midya ay ang
dumadaling ugnayan ng mga tao na maaaring nagdadala ng pagbabago
sa kanya, sa kanyang kultura at sa kanyang wika. Ang pinakamadaling
maapektuhan ng pagbabago sa wika ay ang bokabularyo nito. Sa kaso ng
Pilipinas, ang matagal na ding impluwensya ng ibang bansa ay
nagdagdag sa bokabularyo ng ating mga wika ng mga salitang hiram na
galing sa Instik, Arabik, Kastila, Ingles at Hapon, halimbawa: pansit, lomi,
syopaw, swerte, sibuyas, mansanitas, magkodakan, kompyuter, siroks,
sushi, tempura, Japayuki, atbp.
• Ang wika ay pantao. Ang wika ay para sa, ukol sa, at gamit lamang
ng tao. Iba ang wika sa ungol o huni ng hayop. Ang aso ay
tumatahol, ang pusa ay ngumingiyaw, ang leon ay umaatungal, ang
sisiw ay sumisiyap, ngunit ang mga ito ay hindi wika. Napag-aralan
ng isang tao na salitain ang isang wika, ang wika ng ibang pangkat
etniko. Hindi mapag-aaralan ng isang aso ang atungal ng leon o
tilaok ng isang manok, ang pagtahol ng aso. Ang wika ay pantao.
Hindi magagamit ng mga hayop ang kani-kanilang sariling paraan
ng pag-ungol na gaya ng paggamit ng tao sa wika. Nagagamit ang
wika sa pag-uusap tungkol sa kanyang opinyon. At dahil sa ang
wika ay may sistema, maaaring matutuhan ng isang tao ang ibang
wika o ang wika ng ibang pangkat etniko o pangkat kultural ng
ibang lahi at lipi.
Kahalagahan ng Wika
• May malaking papel na ginagampanan ang wika sa bawat tao at
maging sa lipunan. Sa pamamagitan ng wika, nabubuo ang
mabuting relasyon sa kapwa, napapaunlad ng tao ang kanyang sarili
at nakatutulong din siya sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng iba.
Dahil sa wika nakatatanggap at nakikibahagi siya sa kapwa ng
bisang dala ng pagbabago sa kultura at kabihasnan. Ang realisasyon
ng kanyang mga pangarap bilang tao at ang pagtupad ng kanyang
tungkulin bilang makabuluhang kasapi ng lipunan ay nakasalalay sa
kanyang kakayahan sa paggamit ng wika. Samakatwid, ang
kahusayan ng tao sa paggamit ng wika na ipinakikita sa kanyang
kasanayan sa pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat ay
maituturing na isang mahalagang katuparan at instrumento sa
pansariling pag-unlad.

You might also like