You are on page 1of 25

Ang talasanggunian o bibliyograpiya ay

isang komprehensibong listahan


ng mga aklat, magasin, at artikulo na
ginamit ng manunulat sa paghahanda ng
isang akademikong sulatin na nakaayos
nang paalpabeto.
Ang mga kinakailangang entri kung nakalimbag an
sanggunian:

1. Apelyido ng may-akda, editor o translator


2. Taon ng publikasyon
3. Pamagat ng aklat o pamagat ng artikulo kung ito'y mula sa
isang magazine o ensayklopidya
4. Lugar na pinaglimbagan
5. Palimbagan
6. Bilang ng volyum kung ito'y magazine o ensayklopidya
7. Bilang ng mga pahinang pinagkunan ng impormasyon
Mga impormasyong kailangan kung mula sa internet
(bibliography, n. D.) :
1. Ngalan ng awtor o editor
2. Pamagat ng pahina/artikulo (sakaling mayroon)
3. Ang kumpanya o organisasyong nag-post ng pahina o
artikulo
4. Ang web address ng pahina na tinatawag na URL
5. Ang huling petsa na iyong natingnan ang pahina/artikulo
Mga hakbang:

1. Lahat ng linya matapos ng unang linya ng


bawat entri sa talaan ng sanggunian ay dapat
na naka-indent ng kalahating pulgada mula sa
margin sa kaliwa o tinatawag na hanging-
indent.
2. Mauuna ang apelyido ng bawat awtor na susundan
n inisyal ng kanilang ngalan. Itatala ang ngalan ng
mga awtor nang hanggang pito. Sa pagkakataong
higit sa pito ang bilang ng awtor, itala ang unang anim
(6) na ngalan na susundan ng ellipses. Matapos ng
ellipses, isulat ang ngalan ng ikahuling awtor.
3. Isulat nang paalpabeto ang mga
entri na nakabase sa apelyido ng
unang awtor ng bawat entri.
4. Para sa maraming entri ng iisang awtor o
mga awtor na naitala sa parehong ayos,
itala ang mga entri sa kronolohikal na ayos
mula sa mga naunang akda hanggang sa
pinakabago.
5. Itala nang buo ang
pamagat ng mga jornal.
6. Panatilihin ang lahat ng mga
bantas at pagkasulat sa malaking
titik na ginamit sa mga pamagat sa
jornal.
7. Isulat sa malaking titik ang
mga pangunahing salita ng
mga pamagat sa jornal o
tinatawag na title case.
8. Sa tuwing tutukuyin ang mga aklat, kabanata,
artikulo o mga pahina sa web, isulat sa malaking titik
ang unang titik ng unang salita ng pamagat at subtitle,
ang unang salita matapos ng tutuldok o gitling at mga
ngalang pantansi o tinatawas na sentence case. Huwag
isusulat sa malaking titik ang ikalawang salita sa mga
salitang may gitling.
9. Isulat nang pahilig ang
pamagat ng mga
mahahabang akda tulad ng
aklat o jornal
10. Huwag isusulat nang pahilig, salungguhitan o
lalagyan ng panipi ang pamagat ng maiikling
akda tulad ng pamagat ng mga artikulo sa jornal
o mga sanaysay sa mga koleksyong edited.
** TANDAAN, hindi nagbigay ng kumpletong
tuntunin ang APA manwal kaugnay ng lahat
ng uri ng hanguan. Samakatuwid, sa mga
pagkakataong wala sa mga naitala ang
hanguan, gamitin ang pinakamalapit na
format.
Pagtatala
1. Kung ang sanggunian ay may iisang may-akda/editor:
Isulat ang apelyido ng may-akda kasunod ang kuwit at ang inisyal ng
unang pangalan. Ipaloob sa panaklong ang taon kung kailan ito nailimbag
at sundan ng tuldok. Isunod ang pamagat at tuldukan sa dulo. Isunod ang
lugar na pinagimbagan lagyan ng tutuldok at isunod ang palimbagan at
lawn ng tuldok ang ikalawang linya at naka-hanging indent. Kung editor,
ilagay ang Ed/s. na nakapaloob sa panaklong pagkatapos ng pangalan.
Kung may edisyon, isulat kung pang-ilang edisyon na ito pagkatapos ng
pamagat na nakapaloob sa panaklong
Halimbawa:

• Austin, J. H. (1998). Zen and the brain : Toward an understanding


of meditation and consciousness (3rd ed.). Cambridge, MA:MIT
Press.
• Austin, J. H. (Ed.). (1998). Zen and the brain : Toward an
understanding of meditation and consciousness. Cambridge,
MA:MIT Press.
2. Kung dalawa hanggang pito ang may-akda/editor:
Katulad ng pamamaraan kung iisa ang awtor o editor. Ilalagay ang
pangalan ng may-akda/editor ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga ito sa
aklat. Bago ang huling pangalan, gamitin ang ampersand bilang pamalit ng
"ang”
Halimbawa:
• Bohlman, H. M. & Cohen, A. (2002). The Legal, ethical and international
environment of business. Ohio: MacMillan.
• Bohlman, H. M. & Cohen, A. (Eds.), (2002). Zen and the brain: Toward an
understanding of meditation and consciousness. (Cambridge, MA: MIT Press.
3. Kung ang sanggunian ay may higit sa pitong may-akda/editor:
Isulat ang ngalan ng unang anim (6) na may akda ayon sa pagkasunod-
Sunod sa aklat. Matapos ng ikaanim na pangalan, lasgan ng ellipses at
Paskatapos ay idagdag ang ngalan ng huling may-akda/editor. At isusunod
Na ang iba pang detalye ng tulad kung iisa ang may-akda. Hindi maaaring
Humigit sa pitong (7) ngalan ang nakalista.
Halimbawa:
• Bernales, R. A., Bernardino, E., Belida, M., Cuevas, A., Dela Salde, M.,
Limpot, M.,... Solatorio, L. (2013). Wika @ komunikasyon. Malabon City:
Mutya Publishing House, Inc.
4. Kung ang sanggunian ay walang may-akda/editor:
Itala ang pamagat bilang pamalit at isusunod ang iba pang detalye.

Halimbawa:
• The Australian Oxford Dictionary (3rded.). (1999). Melbourne: Oxford
University Press.
5. Kung ang sanggunian ay isinalin lamang ng ibang may-akda.
Unang isulat ang pangalan ng orihinal na manunulat, kasunod ang Pamagat ng
akda, pangalan ng tagapagsalin na may nakatalang Trans. na nangangahulugang
translator at sa huli ay ang taon ng pagkakalimbag.
Isusunod na ang iba pang detalye.

Halimbawa:
• Muller, Melissa. Anne Frank: the biography. Trans. Rita and Robert
Kimber.(1998). New York: Metropolitan.
6. Kung ang sanggunian ay isang eBook:
A. Buong libro
• Chisum, W. J. (2006). Crime reconstruction [Adobe Digital Editions].
Retrieved from eBook Library noong Hunyo 18, 2015.
B. Kabanata mula sa eBook
• Mitchell, H. W (1913). Alcoholism and the alcoholic psychoses.
Sa W. A. White & S. E. Jelliffe (Eds.). The modern treatment of nervous and mental
diseases (Vol. 1, pp. 287-330). Retrieved from PsycBOOKS noong Hunyo 29, 2015.
7. Mga artikulo mula sa magazine, jornal, peryodiko, newsletter:
Magasin
• Henry, W. A. III. (1990, April 9). Beyond the melting pot. Time, 135(4), 28-31.
Jornal
• Oware, M. (2009). A “Man’s Woman”? Contradictory messages in the songs of female rappers, 1992-
2000.Journal of Black Studies, 39(5), 786-802. doi: 10.1177/0021934707302454
Pahayagan
• Young, J. (2003, February 14). Prozac campus: More students seek counseling and take
psychiatric medication. The Chronicle of Higher Education, pp. A37-38.

:
8. Isang pangkat o organisasyon ang awtor
Halimbawa:
• World Bank. (2004). Gender and development in the Middle
East and North Afica: Women in the public sphere.
Washington, DC.
9. Mula sa radyo o telebisyon
Halimbawa:
• Daniels, G. (Writer) & Kwapis, K. (Director). (2006). Gay
witch hunt [Television series episode]. In G. Daniels (Executive
producer). Los Angeles, CA: National Broadcasting Company.
10. Mula sa tesis/disertasyon
NALATHALA
• Cahucom, Gina G. (2014). Pagganyak sa pagkatuto, pagiging epektibong
pagtuturo at makrong kasanayan ng mga mag-aaral Sa Fil1a (Doctoral
dissertation). Southwestern university, Cebu City.
DI-NALATHALA
• Castillo, Melissa B. (2014). Beliefs and strategies in Filipino
language learning and academic performance of IP students
(Unpublished dissertation). University of Mindanao, Davao City.

You might also like