You are on page 1of 19

KALIGIRANG

PANGKASAYSAYAN NG
NOLI ME TANGERE
• Isinusulat ni José Protacio Rizal Mercado y Alonzo
Realonda (24 na taong gulang)
• Kauna-unahang nobela ni Rizal
• Noli Me Tangere (Latin): ‘Touch Me Not’/ ‘Huwag
mo ako salingin’/ ‘Huwag mo ako tapikin’ (na hango
sa Bibliya sa Ebanghelyo ni San Juan Bautista,
itinulad niya ito sa isang bulok sa lipunan na
nagpahirap sa buhay ng isang tao)
• Isinulat ni Jose Rizal ang nobelang Noli Me Tangere
upang maging isang mabisang paraan sa
paghihimagsik laban sa mga mananakop na Kastila
• Isinulat sa wikang Kastila
• Nagkaroon ng inspirasyon ang 24 anyos na si Rizal
na isulat ang kaniyang unang nobela nang mabasa
niya ang mga aklat na The Wandering Jew, Uncle
Tom’s Cabin, at ang Bibliya.
Inilathala ang unang nobela ni Rizal noong
26 na taong gulang siya. Makasaysayan
ang aklat na ito at naging instrumento
upang makabuo ang mga Pilipino ng
pambansang pagkakilanlan
Sa simula, binalak ni Rizal na ang bawat bahagi ng nobela ay
ipasulat sa ilan niyang kababayan na makakabatid sa uri ng lipunan
sa Pilipinas at yaon sa pagsama-samahin niya upang maging
nobela. Ngunit hindi niya ito nasakatuparan, kaya sa harap ng
kabiguang sinarili niya ang pagsulat nang walang katulong.
Ipinaliwanag ni Rizal sa kanyang liham sa matalik niyang kaibigang
si Dr. Ferdinand Blumentritt ang mga dahilan kung bakit niya
isinulat ang "Noli." Ang lahat ng mga ito ay maliwanag na
inilarawan sa mga kabanata ng nobela.
Dr.
Ferdinand
Blumentritt
Bago matapos ang taong 1884 ay sinimulan niya itong isulat
sa Madrid at doo’y natapos niya ng kalahati ang nobela,
isinulat niya ito habang nag-aaral ng medisina.
Ipinagpatuloy niya ang pagsulat nito sa Paris noong 1885 at
natapos ang sangkapat. Natapos naman niya ang huling
ikaapat na bahagi ng nobela sa bahay sa Berlin sa Alemanya
noong Pebrero 21, 1887. Inilaan ni Vicente Blasco Ibáñez,
isang bantog na manunulat, ang kaniyang serbisyo bilang
tagapayo at tagabasa
Bahay sa
Berlin
Natapos niya ang Noli Me Tangere ngunit wala
siyang sapat na halaga upang maipalimbag ito.
Mabuti na lamang at dumalaw sa kanya si
Maximo Viola na nagpahiram sa kanya ng salapi
na naging daan upang makapaglimbag ng 2,000
sipi nito sa imprenta
MAXIMO
VIOLA
PABALAT NG
NOLI ME
TANGERE
Si Rizal mismo ang nagdisenyo ng pabalat ng
nobela. Pinili ni Rizal ang mga elemento na
ipapaloob niya rito, hindi lamang ang aspektong
astetiko ang kanyang naging konsiderasyon higit
sa lahat ay ang aspekto ng simbolismo
Nagalit man ang mga Espanyol kay Rizal at nangamba ang
kanyang pamilya na baka siya’y mapahamak inibig parin niyang
makabalik sa Pilipinas dahil:
1)Hangarin niyang maoperahan ang kanyang ina dahil sa
lumalalang panlalabo ng kanyang mata
2)Upang mabatid niya ang dahilan kung bakit hindi tinugon ni
Leonor Rivera ang kanyang mga sulat mula taong 1884-1887
3)Ibig niyang malaman kung ano ang naging bisa ng kanyang
nobela sa kanyang bayan at kababayan
Umalis si Rizal sa Maynila noong ika-3 ng Pebrero,
1888. Sa kanyang pag-alis ay nagpunta siya sa
Hongkong, Hapon, San Juan, at New York sa Estados
Unidos at London sa United Kingdom. Habang siya
ay nasa ibang bansa ay iniukol ni Rizal ang kanyang
panahon sa pagsulat ng mga tugon sa mga tuligsa sa
kanya.
LAYUNIN NI RIZAL KUNG BAKIT NIYA ISINULAT ANG
NOLI ME TANGERE

1)Maisakatuparan ang mithiin na magamit ang


edukasyon sa pagkakamit ng kalayaan at kaunlaran
para sa bansang Pilipinas
2) Sanayin sa kakayahan at interes ang mga mag-aaral
upang ang pagkatuto ay maging integratibo,
makabuluhan, napapanahon, kawili-wili, nakalilinang ng
kritikal at mapanuring pag-iisip at makapaghahanda sa
mga mag-aaral sa mga pagsubok at realidad ng totoong
buhay.
3) Mahubog sa kabutihan ang mga kabataang susunod at
maging sa kasalukuyang henerasyon na maging lider ng
ating bansa at magiging pag-asa ng ating bayan.
KABULUHAN

Isinulat niya ang Noli Me Tangere upang


mabuksan ang mga mata ng Pilipino sa kanser
ng lipunan na nangyayari sa bansa. Ito ay ang
pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas

You might also like