You are on page 1of 39

REHIYON VI

Kanlurang Visayas
LOKASYON AT TOPOGRAPIYA
 Rehiyon VI ay matatagpuan sa kanluran ng bisayas.Ang
rehiyong ito ay mayaman sa lambak,malawak na
kapatagan at masaganang dagat.Ang Isla ng Panay ang
ikaanim sa pinakamalalaking pulo sa Pilipinas. Ang
Islang ito ay hugis triyanggulo. Nabibilang sa Islang ito
ang mga lalawigan ng Antique,Aklan.Capiz at
Iloilo.Maunlad at makapal ang populasyon ditto.Ang
Guimaras ay may mababang lupain at ang interior ay
umaabot lamang sa 500 talampakan angelebasyon.
Samantala,ang lalawigan ng Negros naman ay may
makitid na kapatagang Kostal sa Kanlurang bahagi.
Mabulkan at matataas na bundok naman sa katimugang
bahagi at ditto makikita ang Bulkan ng Kanlaon.
KASAYSAYAN
 Ang Kanlurang Kabisayaan ay isa sa mga Rehiyon ng
Pilipinas at itinalaga bilang Rehiyon VI. Ito ay nabuo sa
pamamagitan ng Kautusang Pampangulo bilang isa bilang
bahagi ng Integrated Reorganization Plan ni Pangulong
Ferdinand Marcos. Ang lalawigan ng Palawan ay inilipat sa
Rehiyon 6 noong Mayo 23, 2005 ayon sa Executive Order
429.Ang pagsasakompleto ng paglilipat ay inihayag noong
Hunyo 2005 Ng Kagawaran Ng Interyor at ng Pamahalaang
Lokal, subalit binatikos ng mga Palaweños dahil sa sinabing
may kakulangan sa konsultasyon, at karamihan sa
residente ng lungsod ng Puerto Prinsesa at ang lahat ng
mga bayang ito maliban sa isa ay nais manatili sa Rehiyon
4-B. dahil dito, nagkaroon ng Kautusang Administratibo
bilang129 na inilabas noong Agosto 19, 2005 upang
tugunan ang kaguluhan.
MGA WIKA SA KANLURANG
BISAYA·
 Hiligaynon- tumutukoy sa wika at kultura ng
mga Ilonggo na sila namang naninirahan sa Iloilo,
Guimaras, at Negros.-ang katawagang ito ay
nagpapahiwatig ng isang pormal at wikang
pampanitikan.·
 Ilonggo- tumutukoy sa higit na impormal na
gamit ng wika.·
 Kinaray-a- ang wikang wika sa Antique at iba
pang liblib na lugar sa Panay.·
 Haraya- ang lumang pangalan ng Kinaray-a at
tinaguriang Inang Wika.
 Aklanon- wikang ginagamit sa Aklan
MGA HALIMBAWA NG
HILIGAYNON
 Maayong aga/gab-i
Magandang umaga/gabi
 Tagbalay
Tao po
 Malakat ka na
Aalis ka na
 Karon na lang
Mamaya na lang
 Ihatag mo ini sa iya palihog
Pakibigay mo ito sa kaniya
 Nagakadlaw na siya
Tumatawa na siya
 Kaon ka na sang kan-.on
Kumain ka ng kanin!
 Nakaka-on na ako sang kan-on
Kumain na ako ng kanin
 Nagaka-on ako sang kan-on
Kumakain ako ng kanin
 Karon, maka-on ako sang kan-on
Mamaya, kakain ako ng kanin
MGA PAGDIRIWANG
 · Ati-atihan- sa Kalibo
 · Dinagyang- sa Iloilo
 · Binayran- sa Antique
 · Halaran- sa Capiz
 · Maskara- sa Bacolod
ATI-ATIHAN
DINAGYANG
HALARAN
MASKARA FESTIVAL
MGA KILALANG TAO SA REHIYON 6
INDUSTRIYA
AT
PRODUKTO
PANITIKAN
AMBAHAN
 -ang pinakapayak na anyo ng talata.
Halimbawa:
Katoto kong matalik
Saan ka ba nanggaling
Sa baybayin bang gilid
Nasunson ba ng batis
Kung sa bukal ng tubig
Halina at magniig
Sa kwentuhan mong ibig
Di-kilala ma't batid
Makapiling ka'y lirip
BALAK
OYAYI O HELE
AWIT
BINALAYBAY
Binangon
Sa Mga Kaimaw sa Turugban ni Maria Milagros C. Geremia-Lachica
ni Maria Milagros C. Geremia-Lachica
Nagasulat ako
sa akun namat-an nga pulong
Ang karbaw kang atun paminsarun nga akun ginahimuratan balhin
masaku sa pag-arado sa pulong nga pangayaw
ka malapad, daw wara’t katapusan bangud kinahanglan ko
nga kapatagan kang panulatan ang sangka tarum nga binangon
sa pulong nga namat-an; kadya dayon nga maghawan
ka mga masiuk nga gamhon
Kon kis-a
mabug-at, nagapilas Ang pangayaw nga hambal akun natun-an
ang singkaw kang pag-usisa, kato’ng ako una nga nagtuon sa paghigot
paghikay kag paghusga kang akun sapatos
dugangan pa
ka dya’ng ginaguyod nga karosa Ang pangayaw nga manugbasa
buta ka mga binagtung wara’t panahon sa pagtuon
kang pagsunod sa kinaandan, panahon nga akun gintigbas ka binangon
katahap sa mga pagbag-o, nga akun ginhuram kananda
kahadluk sa kamatuuran; kag sanda napilasan man kon kis-a
bangud kilala nanda ang katarum
Ugaring
dya’ng karbaw Kag akun pagahawanan ang dalan
kang atun paminsarun para sa akun pulong nga namat-an
padayon sa pag-arado nga buhay run nakamitlang
hay sa indi magbuhay gani indi makahulat sa sangka milagro
iririmaw kita sa paghurum nga tun-an pa ka pangayaw nga dila
sa mabugnaw nga turugban ang akun hambal.
kang pagpati kag pagsaad
nga magpadayon kutub mapanggasan
kag may timgas nga aranyun
ang atun mga kaapuhan.
EPIKO NG BISAYA
 Haraya
 Lagda
 Maragtas
 Hinilawod
HINILAWOD
Noong unang panahon, may isang Dyosa ng kalangitan na nag ngangalang
"Alunsina", sa takot na di na makapag asawa ay iminungkahi ng hari ng
mga Dyos na si "Kaptan" na sya ay mag asawa na.
Maraming Dyos ang dumating makadaupang palad lamang si Alunsina.
Ngunit ang lahat ay bigo sapagkat ang napili ni Alunsina ay isang mortal
na nag ngangalang "Paubari".
Si Paubari ay isang datu na namumuno sa Halawod.
Ang desisyon ni Alunsina ay lubos na ikinagalit ng ilang nabigong dyos.
Napagkasunduan ng ilang dyos sa pangunguna ni "Maklium-sa-t’wan" na
magkaroon nang pagpupulong upang maudlot ang kasal ni Alunsina at
Paubari sa pamamagitan ng isang baha sa halawod.
Ngunit si Alunsina at Paubari ay nakaligtas sa kapahamakan sa tulong ni
Suklang Malayon, ang kapatid ni Alunsina. Natunugan ni Malayon ang
plano ng ilang dyos kayat sinabi nitong magpunta sa mataas na lugar sina
Paubari at Alunsina.
Pagkatapos humupa ang baha ay palihim na bumalik si Alunsina at Paubari
sa halawod.
Matapos ang ilang bwan ay nagsilang si Alunsina ng triplets at pinangalanang
Labaw Dongon, Humadapnon at Dumalapdap.
Pagkatapos isilang ay agad na ipinatawag ni Alunsina ang paring si Bungot-
Banwa para gawin ang ritwal upang maging malakas ang mga kambal. Matapos
ang ritwal ay naging malalakas at makisig sina Labaw Dongon, Humadapnon at
Dumalapdap.
Ang tatlong magkakapatid ay kapwa nagkaroon ng kanya kanyang
pakikipagsapalaran katulad na lamang ni Labaw Donggon na nakipaglaban kay
Saragnayan ngunit ito'y bigo at ibinilanggo ni Saragnayan.
Dahil dito ay naghiganti ang anak ni Labaw Donggon at agad na kinalaban si
Saragnayon. Kalauna'y nagtagumpay ang anak ni Labaw Donggon at sila'y
parehong bumalik sa kanilang lugar.
Dahil din sa pagkakabilanggo ni Labaw Donggon ay lubos na nagalit si
Humadapnon at Dumalapdap. Nangako si Humadapnon na ipaghihiganti nya
ang kapatid hanggang sa kaapu-apuhan ni Saragnayan.
Pagkatapos umalis ni Humadapnon upang maghiganti ay umalis din si
Dumalapdap upang makipagpalaran at pakasalan si "Lubay Lubyok Mahanginun
si Mahuyokhuyokan". nakipaglaban si Dumalapdap sa nilalang na may dalawang
ulo na kung tawagin ay "Balanakon".
Pagkatapos nito ay nilabanan din ni Dumalapdap ang nilalang na "Uyutang" na
kawangis ng isang paningi na may malaking mga pangil at makamandag na
kuko. Nilabanan ni Dumalapdap ang Uyutang sa loob ng pitong buwan.
Naging matagumpay si Dumalapdap at kasama na nyang umuwi si "Lubay-
Lubyok Hanginun si Mahuyokhuyokan" upang pakasalan.
Nang makabalik na ang magkakapatid ay ipinagdiwang ni Datu Paubari ang
tagumpay ng mga ito.

You might also like