You are on page 1of 15

Tekstong Prosidyural

Kahulugan ng Tekstong Prosidyural


 Ang tekstong prosidyural ay isang espesyal na uri ng tekstong
ekspositori. Inilalahad nito ang serye o mga hakbang sa pagbuo
ng isang gawain upang matamo ang inaasam. Nagpapaliwanag
ito kung paano ginagawa ang isang bagay. Layunin nito ang
maipabatid ang wastong hakbang na dapat isagawa.
 Nagagmit ang pagunawa sa mga tekstong prosidyural sa
halos lahat ng larangan sa pagtuturo.
Kahalagahan ng Tekstong Prosidyural
 Hindi sapat na marunong tayo umunaw sa
mga tekstong prosidyural, dapat ding
magkaroon tayo ng kakayahang sumulat ng
isa prosidyur na muunawaan ng lahat.
 Sa pagsulat ng Tekstong Prosidyural,
kailangang malawak ang kaalaman sa
paksang tatalakayin. Nararapat ding malinaw
at tama ang pagkakasunod sunod ng dapat
gawin upang hindi malito o magkamali.
Layunin ng Tekstong Prosidyural
 Mahalaga ang mahusay na pag-unawa sa mga tekstong
prosidyural sa pagtatrabaho kung saan karaniwan na ang
iba’t ibang manuwal upang panatilihin ang kaligtasan sa
kompanyang pinagtatrabahuhan, kung paanong
pagaganahin ang isang kasangkapan, at pagpapanatili ng
maayos na pagsasagawa ng operasyon sa pamamagitan
ng mga protokol.
 Ang protokol ay isang uri ng tekstong prosidyural na
nagbibigay ng gabay at mga paalala na maaaring hindi
nakaayos nang magkakasunod.
Mga nilalaman ng Tekstong Prosidyural

Layunin or target awtput


Nilalaman ng bahaging ito kung ano ang kalalabasan o kahahantungan
ng proyekto ng prosidyur. Maaaring ilarawan ang mga tiyak na katangian
ng isang bagay o kaya ay katangian ng isang uri ng trabaho o ugaling
inaasahan sa isang empleyado o mag-aaral kung susundin ang mga gabay.
Mga nilalaman ng Tekstong Prosidyural

 Kagamitan
Nakapaloob dito ang mga kasangkapan at kagamitang
kakailanganin upang makompleto ang isasagawang proyekto. Nakalista
ito sa pamamagitan ng pagkakasunod-sunod kung kailan ito gagamitin.
Maaaring hindi makita ang bahaging ito sa mga uri ng tekstong
prosidyural na hindi gagamit ng anomang kasangkapan.

 Metodo
Serye ng mga hakbang na isasagawa upang mabuo ang proyekto.
Mga nilalaman ng Tekstong Prosidyural

 Ebalwasyon
Naglalaman ng mga pamamaraan kung paano masusukat ang
tagumpay ng prosidyur na isinagawa. Maaaring sa pamamagitan ito ng
mahusay na paggana ng isang bagay, kagamitan, o makina o di kaya ay
mga pagtatasa kung nakamit ang kaayusan na layunin ng prosidyur.
Katangian ng Tekstong Prosidyural
 Nasusulat sa kasalukuyang panahunan (gawin ito);
 Nakapokus sa pangkalahatang mambabasa at hindi sa iisang

tao lamang;
 Tinutukoy ang mambabasa sa pangkalahatang pamamaraan

sa pamamagitan ng paggamit ng mga panghalip;


 Gumagamit ng mga tiyak na pandiwa para sa instruksiyon;

 Gumagamit ng malinaw na pang-ugnay at cohesive devices

upang ipakita ang pagkakasunod-sunod at ugnayan ng mga


bahagi ng teksto; at
 Mahalaga ang detalyado at tiyak na deskripsyon (hugis, laki,

kulay, at dami).
Halimbawa ng Tekstong Prosidyural
Ang paggawa ng parol.
Mga Kailangan

 10 strips ng balsa wood (or


 bamboo or matte board),
 1/4 inch wide at 10 inches
 ng haba
 4 strips ng balsa wood, 1/4
 inches wide at 3 1/2
 inches ang haba
 Tissue paper
 Glue
 String
Halimbawa ng Tekstong Prosidyural
Pangalawang hakbang

• Markahan ang mga


gilid para makita ang
mga gilid ng bawat
sulok.
Halimbawa ng Tekstong Prosidyural
Pangatlong hakbang

• Talian lahat ng "joints" at "points".


Sundan ang larawan sa kanan. Gawin
ang pagtatali sa pangalawang star.
Balutan ang dalawang dulo ng malilit
na kahoy hanggang maging matibay
ito.Talian ang mga dulo pero magiwan
ng mga 3 inches ng "string" . (2 strings
should now
be hanging from each end of
strip.)
Halimbawa ng Tekstong Prosidyural
Pang-apat na hakbang

• Pagdikitan ang
dalawang star at talian
ang bawat dulo ng mga
ito para hindi kumalas.
Halimbawa ng Tekstong Prosidyural
Panglimang hakbang

• Ilagay ang mga maliliit na


kahoy sa pagitan ng dalawang
star.
Talian ang dulo ng maliit na strip
hanggang sa "joints sa
pamamagitan ng paggamit sa 3
inches na string (mula sa
pangatlong hakbang)
Halimbawa ng Tekstong Prosidyural
Pang-anim na hakbang

• Tapusin ang pagkagawa


ng hugis ng star.
Kailangang dikit ang
dalawang star na may
namamagitan na naliliit na
kahor sa gitna ng mga ito.
Gumamit ng mga "string"
kung kinakailangan.
Halimbawa ng Tekstong Prosidyural
Pampitong hakbang

•Dikitan ng mga papel ang


hugis ng star. Gamitin ang
inyong imahinasyon at
"creativity para matapos
mabalot ang hugis
nito.Lagyan ng pabitin sa
ibaba ng hugis. Ibitin ito sa
bintana o sa anumang lugar na
puwedeng mapaglagyan nito.

You might also like