You are on page 1of 14

nOBEL

A
 Katambuhay kung turingan sa wikang Filipino.
Katha sapagkat likha ng panulat.
 Buhay sapagkat ang mga kasaysayan ngang
isinasalaysay, kung hindi man lubos na gawa ng
isip, ay hinahango sa mga pangyayaring
nagaganap sa tunay na buhay.
Servando de los Angeles, 1974

Ang nobela ay sinasabing galling sa


salitang Latin, Novelus, at itinuturing na
supling o kaugnay ng Kasaysayan o
Istorya.
MGA SANGKAP O ELEMENTO NG
NOBELA (Restituto, et.Al., 1994)

a. Tauhan. Binibigyang-buhay ng manunulat ang


mga tauhan sa kaisipan ng mga mambabasa.
b. Tagpuan. Ito ang ganapan o lugar na
pinangyayarihan ng mahabang salaysay.
c. Banghay. Balangkas ito ng mga pangyayari
na inayos at pinag-ugnay ng isip.
d. Paraan ng Pagsulat. Paano sinulat ang
nobela?
e. Haba. Gaano kahaba ang nobela?
Katangian Ng Isang Nobela
1. Maliwanag at maayos na pagsulat ng mga tagpo at
kaisipan.
2. Kailangang isaalang-alang ang ukol sa kaasalan.
3. Pumupukaw ng damdamin ng mambabasa kaya ito
nagiging kawili-wili.
4. Pumupuna sa lahat ng mga larangan ng buhay.
5. Dapat maging malikhain at maguni-guni ang paglalahad.
6. Ang balangkas ng mga pangyayari ay tumutukoy sa
kaisahang ibig mangyari.
Balangkas Ng Nobela
Linear o kumbensyunal
Ang balangkas ng kuwento kung ito ay sumusunod sa
kaayusang Simula-Gitna-Wakas.
Circular o Paikut-ikot
Sa pamamagitan ng pampanitikang tekniko ay napag-
iiba-iba ang kaayusan ng mga bahagi. Gitna-Simula-Wakas
(In Medias Res) o Wakas-Simula-Gitna.
URI NG NOBELA (Restituto, et.Al., 1994)

 Romansa o Pag-ibig. Kadalasan ang mga pangunahing


tauhan ukol sa paksang pag-ibig ay ang protagonistang lalaki,
ang bidang babae, at isa pang tauhang panggagalingan ng
tunggalian ng nobela na maaaring umibig din sa pangunahing
tauhag lalaki o babae. Sa ganitong kalagayan, nagkakaroon ng
tinatawag na tatsulok na pag-ibig (love triangle).
Anak sa Ligaw (1972) ni Dr. Fausto Galauran.
 Nobelang Historikal. Ito’y mga nobelang
pangkasaysayan a temang paghihimagsik, may mga
tauhag makabayan, ay ukol sa mga tagpuang
pinangyarihan ng digmaan.
The Filipio Rebel ni Maximo Kalaw
Anino ng Kahapon ni Francisco Lacsamana.
 Nobela ng Tauhan. Ang katauhan ng pangunahig tauhan
ay binibigyang-diin sa nobelang ito. Gayundin ang mga
hangarin at mga pangangailangan ng mga tauhan ay
binibigyang-pansin.
Nena at Neneng ni Valeriano Hernandez Peña.
 Nobela ng Pagbabago.  Binibigyang-diin dito ang
mga layunin ng may akda o ang kanyang mga
hinahangad na pagbabago sa lipunan at sa pamahalaan.
Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Dr. Jose
P. Rizal
 Nobelang Pulitikal. Ito’y tumatalakay sa
kontemporaryong isyung pulitikal. Tinutuligsa ng mga
nobelista ang kalagayang panlipunan na itinatag ng
bagong sumakop.
Pinaglahuan (1907) ni Faustino Aguilar ang
halimbawang sumasailalim sa kontemporaryong
suliranin noong panahon ng Amerikano.
 NobelangMoral. Binibigyang diin ng nobelista ang aspekto
ng moralidad ng mga kababaihan. Iniuri sa dalawa ang
nasabing isyu:
(a) isang kasaysayan ng babaeng may madilim na
nakaraan ngunit may ginintuang puso, at
(b) ang katapatan at pagtataksil ng isang asawa.
Ang Tunay na Pag-ibig (1913)
Sampaguitang Walang Bango (1918) ni Inigo Ed
Regalado.
• NobelangPang–ekonomiya at Isyu sa Paggawa. Isinulat ni Lope
K. Santos (1905) ang Banaag at Sikat , ang unang nobelang Tagalog
na tahasang tumatalakay sa isyung ekonomiya at paggawa. Pinaksa
sa nobela ang pag- ibig, suliraning pampamilya, mga personal na
karanasan, at ang pagtatagisan ng mga pwersa at uri ng lipunan.
Ipinakita rin sa nobelang Mga Anak Dalita ni Patricio Mariano
ang buhay ni Pedro, ang tunay na makakapitalistang sistema sa
paggawa, at mga patakarang kontra manggagawa.

You might also like