You are on page 1of 31

 Ayon kay Abadilla -

“Bawat kibot ng kanilang bibig


ay may ibig sabihin at may
katuturan ”
TAYUTAY:
a. Pagtutulad (Simili) –
paghahambing ng dalawang
magkaiba subalit may
pagkakaugnay na mga bagay
- “tulad ng, paris ng, tila, sim-,
gaya ng”
Halimbawa:
“ Ang pag-ibig ay tulad ng isang
ibong kailangang pakawalan upang
pag nagbalik, ito’y sadyang sa iyo
nakalaan
b. Metapora (Metaphor)
- tulad ng pagtutulad, ang
metapora ay naghahambing din
subalit direkta ang paghahambing
ng dalawang bagay
Halimbawa:
“ Ang kanyang puso ay bakal na
pinatigas ng mga pagsubok ng
panahon”
c. Personipikasyon (Personification)
- binibigyang buhay ang bagay na
walang buhay
Halimbawa:
“ Lumuluha pati ang langit sa
kanyang naging kasawian”
d. Pagmamalabis o Eksaherasyon
(Hyperbole)
- Sadyang pinalalabis o
pinakukulang ang kalagayan o
katayuan ng tao o bagay na
tinutukoy
Halimbawa:
“Umulan ng salapi ang kalangitan”
e. Pagpapalit- Saklaw (Synecdoche)
- maaaring banggitin ang bahagi
bilang pagtukoy sa kabuoan at
maaari namang ang isang tao ay
kumakatawan sa isang pangkat
Halimbawa: “Ninanais ng binata
na hingin na ang kamay ng dalaga”
f. Pagtawag (Apostrophe)
- pakikipag-usap sa isang buhay
na tao o isang tao gayong wala
naman ay parang naroo’t kaharap
Halimbawa:
“Pag-ibig tingnan mo ang ginawa
mo sa puso kong sugatan”
g. Pagtanggi (Litotes)
- gumamit ng panangging hindi
upang magpahiwatig ng isang
makabuluhang pagsang-ayon
Halimbawa: “Hindi ko sinasabing
matigas ka, subalit nadarama kong
pinatigas na ng panahon ang iyong
puso at damdamin”

You might also like