You are on page 1of 9

Mga Bahagi at Proseso ng

Pananaliksik
Aralin 11
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO
TUNGO SA PANANALIKSIK
Layunin ng Talakayan
• Maisa-isa at maipaliwanag ang mga bahagi at proseso ng
pananaliksik tulad ng:
• Pamimili at pagpapaunlad ng paksa ng pananaliksik
• Pagdidisenyo ng pananaliksik
• Pangangalap ng datos
• Pagsusuri ng datos
• Pagbabahagi ng pananaliksik
Daloy ng Talakayan
• Mga Bahagi at Proseso ng Pananaliksik
• Pamimili at Pagpapaunlad ng paksa ng Pananaliksik
• Pagdidisenyo ng Pananaliksik
• Pangangalap ng Datos
• Pagsusuri ng Datos
• Pagbabahagi ng Pananaliksik
Mga Bahagi at Proseso ng Pananaliksik
Mga Bahagi at Proseso ng Pananaliksik
Pamimili at Pagpapaunlad ng Paksa ng Pananaliksik
• Makabubuti kung sa unang bahagi pa lamang ng pananaliksik ay may malawak nang pagkaunawa
sa paksa ang mananaliksik upang maging madali sa kaniya ang mga susunod na bahagi.
• Kung minsan, kapag masyado pang malawak ang paksang nais saliksikin, nakatutulong ang
pagbabasa tungkol sa paksa upang makahanap ng ispesipikong anggulo at mapaliit ang saklaw
nito.
• Gayundin, makapagbibigay ng ideya sa mananaliksik ang pagbabasa ng mga kaugnay na literatura
kung ang pinaplanong paksa ay may kahalintulad na o kaya naman ay wala pang sapat na batayan
o sanggunian.
• Mahalaga rin ang masinop na pagtatala ng makabuluhang impormasyon, konsepto, at teorya na
maaaring gumabay sa pananaliksik at kalaunan ay sa pagsusuri at interpretasyon ng datos.
• Sa antas na ito, may sapat nang kahandaan ang mananaliksik na isulat ang mga sumusunod na mga
preliminaryong bahagi ng pananaliksik: Rasyonal at Kaligiran ng Pag-aaral, Paglalahad ng
Suliranin, Layunin at Kahalagahan ng Pagaaral, at Rebyu ng Kaugnay na Literatura.
Mga Bahagi at Proseso ng Pananaliksik
Pagdidisenyo ng Pananaliksik
• Ang bahaging ito ay mas nagbibigay ng katiyakan sa tatakbuhin ng pananaliksik. Sa antas na
ito, kinakailangang natukoy na ng mananaliksik ang tiyak na suliranin ng pananaliksik upang
malapatan ng tiyak na disenyo.
• Sa bahaging ito, inaakda na ng mananaliksik ang teoretikal na gabay ng pananaliksik na resulta
ng naunang pagbabasa. Pagkatapos ay bubuuin ang konseptuwal na balangkas na maglalatag
ng kabuuang lawak ng pananaliksik at paraan ng magiging pagsusuri.
• Kapag natukoy na ang suliranin at lawak ng pananaliksik, itatakda ng mananaliksik ang
disenyo ng pag-aaral at kaukulang pamamaraan kung paanong matatamo ito. Gayundin,
tutukuyin na ang mga kalahok o populasyon ng pananaliksik.
• Sa antas na ito, maaari na ring iakda ang iba pang bahagi ng pananaliksik: Teoretikal na Gabay
at Konseptuwal na Balangkas, Sakop at Delimitasyon ng Pagaaral, at Daloy ng Pag-aaral.
Mga Bahagi at Proseso ng Pananaliksik
Pangangalap ng Datos
• Sa bahaging ito nangyayari ang produksiyon ng bagong datos na pagbabatayan ng
kalalabasan ng pananaliksik kung kaya’t mahalagang maging masinop, matiyaga, at
matapat ang mananaliksik.
• Pagkatapos tukuyin ang disenyo at pamamaraan sa nakaraang bahagi, kailangan nang
ihanda ang instrumento o kasangkapang gagamitin upang mangalap ng datos. Sa
bahaging ito, isasagawa na ang pakikipanayam, sarbey, obserbasyon, o pagsusuri ng
dokumento depende sa itinakdang pamamaraan ng pag-aaral. Pagkatapos mangalap ng
datos mula sa mga nabanggit na pamamaraan, isasaayos at ihahanda ng mananaliksik
ang datos para sa presentasyon at pagsusuri.
• Sa antas na ito, handa na ang mananaliksik na iakda ang Metodolohiya at Pamamaraan
sa Pananaliksik.
Mga Bahagi at Proseso ng Pananaliksik
Pagsusuri ng Datos
• Sa bahagi namang ito ginagawa ang isa sa pinakamahalagang tungkulin ng mananaliksik, ang
lumikha ng bagong kaalaman sa pamamagitan ng pagsusuri at interpretasyon ng mga datos na
nakalap.
• Tandaan na ang sistematikong presentasyon ng datos ang magtatakda sa husay ng panunuri at
interpretasyon kung kaya’t kailangang pag-isipang mabuti ng isang mananaliksik ang
pinakamabisa at angkop na presentasyon.
• Pagkatapos ng paglalatag ng resulta at pagtalakay nito, mahalaga rin na lagumin ng mananaliksik
ang pangkalahatan at mahahalagang natuklasan ng pananaliksik mula sa datos at bumuo ng mga
kongklusyon mula rito. Ang rekomendasyon ng pananaliksik ay binubuo batay sa mga natukoy
na kongklusyon ng pag-aaral. Maaari ding maging rekomendasyon ang mga suhestiyon ng
pagpapalawak o pagpapalalim sa susunod na mananaliksik.
• Handa na ang mananaliksik na isulat ang Resulta at Diskusyon sa bahaging ito kasunod ang
Lagom, Kongklusyon, at Rekomendasyon ng pananaliksik.
Mga Bahagi at Proseso ng Pananaliksik
Pagbabahagi ng Pananaliksik
• Ang huling bahagi ng proseso ng pananaliksik ay labas na sa mismong pagsulat ng papel-
pananaliksik kaya’t madalas na nakaliligtaan o napagwawalangbahala ito. Gayunpaman, kailangan
bigyang-pansin at paunlarin ang bahaging ito upang maipalaganap ang resulta ng pananaliksik.
• Kapag natatapos ang isang semestre sa klase sa pananaliksik o kaya ay nakatapos ng tesis o
disertasyon sa isang programa, kadalasang inilalagak na lamang sa silid-aklatan ang mga natatapos
na pananaliksik. Madalas na hindi na ito nababasa o nabubuklat man lang liban na lamang kung
may susunod na mananaliksik na magiging interesado rin sa paksa ng pananaliksik.
• Sa kalakhan ay bansot ang kultura ng pagbabahagi ng kaalaman sa mga paaralan o unibersidad sa
kasalukuyan. Sa pinakahuling antas ng pananaliksik na ito, titiyakin na maibabahagi ng
mananaliksik ang mahahalagang naging kongklusyon ng pananaliksik.

You might also like