You are on page 1of 28

Panimulang Gawain (Una)

Ano ang inyong naiisip kapag


binabasa o naririnig ang salitang
manwal? (Isulat sa Isang kapat na
papel)
Mga Konseptong nabuo:
Aklat/babasahin
Paalala
Proseso
Gabay
Tuntunin
Gawa ng kamay
Hindi ginagamitan ng makina
handbook
a.Isang manwal para sa
empleyado ng isang
kompanya/Student’s manual
b.Isang manwal para sa biniling
produkto
Ikalawang Gawain:
Gamitin ang isang kapat na papel sa unang
Gawain.
Tanong:
 Ano sa tingin ninyo ang mga paksang
maaaring kinapalooban sa dalawang uri ng
manwal?
 Maghanda para sa pagbabahagian ng sagot.
Pagpapalalim:

Manwal
 Yari sa kamay o hindi ginagamitan ng makina.
 Isang babasahing karaniwang naglalaman ng mga
impormasyon tungkol sa isang paksa.
 Maaaring tumatalakay sa mga tuntunin ng isang
kompanya o organisasyon at gayundin ang paraan
o proseso na may kinalaman sa paggawa,
pagsasaayos o pagpapagana ng isang bagay o
produkto.
Kalimitang binabasa ang manwal
upang magkaroon ng impormasyon
tungkol sa isang usapin o bagay na
ibig linawin.
Ilan sa pinakakaraniwang uri ng manwal:
a. User
manual na kilala rin sa tawag na
instructional manual-
 Isang
manwal sa paggamit na
kalimitang kalakip ng iba’t ibang
produktong binibili o binubuo bago
gamitin.
b. Employees manual o handbook
Ito ay itinakda para sa mga empleyado ng isang
kompanya upang makapaglahad ng mga
kalakaran o alituntunin at iba pang prosesong
mahalaga sa kompanya.
Nagsisilbi itong gabay sa mga empleyado nang sa
gayon ay magkaroon sila ng mga kaalaman
hinggil sa mga dapat at hindi dapat gawin sa loob
ng kompanyang pinapasukan.
Kalimitang bahagi ng isang manwal:
1. Pamagat- nagbibigay ng pangunahing ideya sa kung ano
ang nilalaman ng manwal.
2. Talaan ng Nilalaman- nakasaad dito ang pagkakahati-
hati ng mga paksa sa loob ng manwal at kung saan ito
tinalakay.
3. Pambungad- naglalaman ng paunang salita tungkol sa
manwal gayundin ng mensahe o pagpapaliwanag
tungkol sa nilalaman nito mula sa may-akda o sa isang
taong may kaugnayan sa kompanyang nagmamay-ari ng
manwal.
4. Nilalaman-tumatalakay sa katawan ng manwal,
sa mismong pagpapaliwanag ng mga gabay,
pamamaraan at/o alituntunin.
5. Apendise- matatagpuan dito ang mga kalakip
na impormasyon hinggil sa manwal katulad ng mga
impormasyon sa pagkontak, mga tala at ibp.
Mga mahahalagang Punto:

Ang manwal ay isang


libro ng impormasyon o
tuntunin.
Sa pagsulat ng manwal, mahalagang
panatilihin ang pagiging tiyak sa
kung para kanino ang manwal, kung
sino-sino ang mga gagamit nito.
Mahalaga ring panatilihin ang pagiging
payak, maiksi at tiyak ng pagkakabuo ng
mga ilalagay sa manwal upang maiwasan
ang kalituhan ng mga mambabasa.
Mahalagang bigyang halaga ang
nilalaman ng manwal, kung ano
ang pangunahing paksang
tinatalakay nito.
 Kalimitang binubuo ang manwal ng pamagat
nito na siyang maglilinaw kung tungkol saan
ang manwal. Mayroon din itong talaan ng
nilalaman kung saan nakalahad ang mga
nilalaman ng manwal. Kadalasang
nagtataglay rin ito ng panimula upang
maipaliwanag nang maayos ang nilalaman
ng manwal. Karaniwan ding makikita sa
huling bahagi ng mga manwal ang apendise
sa naglalaman ng mga susing salita o
karagdagang impormasyon tungkol sa
nilalaman nito sakaling nais balikan ng
mambabasa.
Pormal ang paggamit ng wika sa
pagsusulat ng manwal at maaaring
kakitaan ng mga salitang teknikal na
kinakailangan sa isang partikular na
trabaho.
Sinasabing sa pagsulat ng manwal,
nakapokus ito sa mambabasa.
Kinakailangang matiyak na madaling
nauunawaan ng mga mambabasa ang
mga inilalahad sa isang manwal upang
maiwasan ang kalituhan at kamalian sa
pagsunod sa mga nakasaad nito.

You might also like