You are on page 1of 16

"Nasa’n na kaya ang amo ko?

"

Tula ni Carol Justine Estudillo


Sining ni Sammy Devos
Nasa'n na kaya ang amo ko?
Pagmulat ko'y wala s'ya rito
?
Nasa'n na kaya ang amo ko?
Pagmulat ko'y wala s'ya rito
Hindi kaya s'ya ay kumakain
At sa akin ay ayaw magbahagi?
'Di kaya sa kusina'y naroon
Naghuhugas ng pinggan o baso?
O baka s'ya ay nasa kwarto
Nagbabad uli sa trabaho
Pwede ring sya'y lumabas saglit
Pagkain ngayo'y pinipili
Sana ay mag-ingat si Amo
Baka sa daan sya'y mapano!
O kaya'y nainis sa'king kulit
Bumili ng saki'y papalit
Di kaya'y iniwan n'ya na ako
At naghanap ng bagong aso?
Biglaang bumukas ang pinto
Lungkot ko ay biglang naglaho
"Kumusta Tootsie! Heto na'ko!"
Kumaripas ako ng lapit
Sa kanya ay agad kumapit
Amo ko ngayon ay nagtaka
Dama nya ang aking pangamba
Upang di na’ko maluha
Hinaplos n'ya ang aking mukha
"Huwag kabahan 'pag ako'y wala,
Mahal kita, wag kang mabahala
Kahit san man ako pumunta
Sa puso ika'y laging dala”
Nawala ang aking pangamba
Sa kanya ako'y may tiwala
S'ya ma'y mawala sa tuwina
Ako'y kanyang sintang alaga
WAKAS

You might also like