You are on page 1of 8

PONOLOHIYA NG

FILIPINO
PONOLOHIYA NG FILIPINO
• Ang pag-aaral sa mahahalagang tunog ng wika na nagbibigay kahulugan sa pagbikas ng salita o
nagbibigay ng pagbabago sa kahulugan ng mga salita ay tinatawag na Ponolohiya o Palatunugan.

• Ang tawag sa tunog na may kahulugan din pero pinakamaliit na bahagi ng wika ay Ponema.

• May dalawampu’t isang (21) ponema ng wikang Filipino labing-anim (16) ang katinig at lima (5) naman
ang patinig.
PONEMANG SEGMENTAL
• Ito ay ang mga makahulugang tunog na bumubuo sa mga salita dahil bawat tunog ay isang segment o bahaging
salita. Ang ponemang segmental ay binubuo ng ponemang katinig at patinig.

a.) Labing-lima ang orihinal na kasama sa palabaybayan ngunit isinama ang impit na tunog o glottal stop (?)
sapagkat ito ay itinuturing na isang ponemang katinig dahil napagbabago nito ang kahulugan ng isang salita. Ang
dating bigkas nito ay malumi o maragsa.

b.) / b, k, d, g, h, l, m, n, ng, p, r, s, t, w, y, ? / ang bumubuo sa ponemang katinig.

Halimbawa:
ba : tah – housedress tu : boh – pipe
ba : ta? – child tu : bo? – pofit
PONEMANG SEGMENTAL
c.) Ang ponemang patinig ay lima: / a, e, i, o, u /

d.) May mga salitang nagkakapalit ang ponemang /u/ at /o/, gayundin ang /i/ at /e/ ngunit hindi nagbabago ang kahulugan
ng salita.
Halimbawa:
babae – babai kalapati – kalapate
lalaki – lalake noon – nuon

e.) Mayroon din namang mga salitang itinuturing na hiwalay na ponema ang /u/, /o/, /i/, at /e/ dahil nagbibigay ito ng
magkaibang kahulugan at hindi maaaring pagpalitin.

Halimbawa:
uso – modern mesa – table
oso – bear misa – mass
DIPTONGGO
• Ito ay tumutukoy sa pinagsamang tunog ng isang patinig ( a, e, i,o ,u ) at isang malapatinig ( w, y ) sa
loob ng isang pantig.

Halimbawa:
sayaw giliw langoy aruy

• Gayunman, kapag ang / y / o / w / ay napapagitan sa dalawang patinig ito ay napasasama na sa


sumusunod na patinig kaya’t hindi na maituturing na diptonggo.

Halimbawa ang aw sa sayawan ay hindi na maituturing na diptonggo sapagkat ang w ay nakapagitan na


sa dalawang patinig.  Ang pagpapantig sa “sayawan" sa-ya-wan at hindi sa-yaw-an.
KLASTER

• Ang klaster ay ang dalawa o higit pang magkakatabing katinig sa loob ng isang salita. 

• Katulad ito sa kambal-katinig sa Tagalog (mula sa mga salitang KAMBAL o dalawa at KATINIG). Subalit
tanging yung dalawang magkatabing katinig sa isang pantig o silabol lamang ang ikinokonsider na ganito
(sa Tagalog).
THANK YOU FOR LISTENING!

You might also like