You are on page 1of 26

ARALIN 1.

1: CUPID AT PSYCHE
(MITOLOHIYA)
MGA TANONG
1. Ano ang Mitolohiya?

2. May ideya ba kayo kung sino si Cupid at Psyche?

3. May ideya ba kayo tungkol sa istorya ni Cupid at


Psyche?
MITOLOHIYA
• Ang mitolohiya ay isang malaking uri ng literatura kung
saan ang madalas na tinatalakay ng mga kwento ay mga
diyos at diyosa at iba pang makapangyarihang nilalang.
• Magkakabit-kabit na kumpol ng mga tradisyonal na
kuwento o mito, myth sa ingles. Ang mga kuwento na ito ay
binubuo ng isang partikular na relihiyon o paniniwala.
MITOLOHIYA
• Ang salitang mito/myth ay galing sa salitang Latin na
mythos at mula sa Greek na muthos, na ang kahulugan
ay kuwento.
CUPID AT
PSYCHE
Lucius Apuleius Madaurensin
MGA TAUHAN
KATANGIAN AT
GREEK ROMAN
KAPANGYARIHANG TAGLAY

-Ang diyos ng pag-


CUPID EROS ibig
-Ang anak ni Venus
MGA TAUHAN
KATANGIAN AT
GREEK ROMAN
KAPANGYARIHANG TAGLAY

-Ang babaeng
kinahuhumalingan
ng mga kalalakihan
-Siya ang babaeng
PSYCHE ANIMA inibig at minahal ng
diyos ng pag-ibig na
si Cupid
-Siya ang diyosa ng
kaluluwa
MGA TAHUHAN
KATANGIAN AT
GREEK ROMAN KAPANGYARIHANG
TAGLAY

-Siya ang diyosa ng


APHRODITE VENUS kagandahan, pag-ibig
-Ang ina ni Cupid
KATANGIAN AT
GREEK ROMAN KAPANGYARIHAN
NATAGLAY

-Ang hari at ama ni psyche


ANG HARI ANG HARI -Mayroong tatlong babaeng
anak
MGA TAUHAN
KATANGIAN AT
GREEK ROMAN
KAPANGYARIHANG TAGLAY

-Ang diyos ng
propesiya, liwanag,
araw, musika, panulaan
APOLLO APOLLO
-diyos din siya ng salot
at paggaling
MGA TAUHAN
KATANGIAN AT
GREEK ROMAN
KAPANGYARIHANG TAGLAY

-hari ng mga diyos;


diyos ng kalawakan at
panahon
-tagapagparusa sa mga
ZEUS JUPITER sinungaling at hindi
marunong tumupad sa
pangako
-sandata niya ang kulog
at kidlat
MGA TAUHAN
KATANGIAN AT
GREEK ROMAN KAPANGYARIHAN NA
TAGLAY

-diyos ng kanlurang
hangin
ZEPHYR FAVONIUS -ang malambing hangin
na nag dala kay psyche
sa magandang mansiyon
MGA TAUHAN
KATANGIAN AT
GREEK ROMAN KAPANGYARIHANG
TAGLAY

-ang asawa ni Hades at


PERSOPHINA PROSERPINA reyna sa ilalim ng lupa
o underworld sa ingles
MGA TAUHAN
KATANGIAN AT
GREEK ROMAN
KAPANGYARIHANG TAGLAY

-isang bangkero na
maaaring maghatid
CHARON CHARUN
patungo sa kaharian ni
Hades
MGA TAUHAN
TAUHAN KATANGIAN

ANG DALAWANG KAPATID NI


-lagi silang naiinggit kay Psyche
PSYCHE
Noong unang panahon, may hari na may tatlong
magagandang anak na babae. Si Psyche ang bunso at
pinakamaganda sa tatlo. Labis siyang hinahangaan ng
mga kalalakihan at sinasabi nilang kahit si Venus, ang
diyosa ng kagandahan, ay hindi makapapantay sa ganda
nito. Nagalit si Venus at inutusan si Cupid na paibigin si
Psyche sa isang halimaw. Hinanap ni Cupid ang
nasabing babae. Umibig siya kay Psyche nang nasilayan
ang kagandahan ng dalaga. Tila ba napana ang kaniyang
puso.
Samantala sa kagustuhan ng ama ni Psyche na
magkaroon na siya ng asawa, komunsulta siya kay Apollo.
Nagbigay si Apollo sa hari ng payo kung paano
matatagpuan ni Psyche ang halimaw na iibig sakanya.
Pinadala si Psyche sa bundok kung saan susunduin siya ng
kanyang mapapangasawa. Umiyak ang lahat dahil ang
akala nila katapusan na ni Psyche. Nung nakarating na siya
sa bundok, dumating na ang magsusundo sakanya na si
Zephyr papunta sa magiging asawa ni Psyche. Pagkarating
nila sa palasyo ng asawa ni Psyche nawala ang takot at
pangamba nito lalo na ng marinig ang boses ng asawa.
Isang gabi, sinabi ni Cupid kay Psyche tungkol sa
kanyang mga kapatid na magdadala daw sila ng
kapahamakan. Narinig ni Psyche na nagluluksa ang
dalawa niyang kapatid kaya nag makaawa siya kay
Cupid na makita sila. Kahit mahirap ang desisyon na
iyon para kay Cupid pinayagan niya ito. Inihatid ni
Zephyr ang dalawang kapatid patungo sa palasyo. Lubos
ang na namangha ang mga ito dahil ang palasyo ay
ginto. Naiingit sila kaya gumawa sila ng masamang
plano. Ginulo nila ang isip ni Psyche at sinabi na
halimaw ang kanyang asawa at marapat na ito’y patayin.
Noong gabi na gagawin na ni Psyche ang utos sakanya
na paslangin ang kanyang asawa, siya ay natigilan. Sa
liwanag ng dalang lampara nakita na niya sa wakas ang
mukha ng kanyang asawa. Nakita niyang si Cupid ay
hindi halimaw, kundi ang pinakagwapong nilalang sa
buong mundo. Inilapit niya ang lampara niya upang mas
makita pa ng malapitan ang mukha ni Cupid. Sa
kasamaang palad, natuluan si Cupid ng langis at siya ay
nagising at nalaman ang pagtataksil sakanya ng asawa.
Agad siyang umalis at pumunta sa kanyang inang si
Venus. Sinabi ni Cupid ang nangyari at dahil dito
nadagdagan pa ang galit ni Venus kay Psyche.
Naglakbay si Psyche papunta sa kaharian ni Venus,
nagbabakasakali na andoon ang kanyang asawa at para
humingi ng tawad kay Venus. Nagpapagaling si Cupid
sa panahong ito. Binigyan ni Venus si Psyche ng tatlong
pagsubok. Una, ang pagsasama-sama ng uri ng buto,
natapos niya ito dahil tinulungan siya ng mga langgam.
Pangalawa, ang pagkuha ng gintong buhok sa mga
mababangis na tupa, natapos niya ito dahil sa payo ng
isang halaman. Pangatlo, ang pagkuha ng maitim na
tubig mula sa mabatong balon, nagawa niya iyon dahil
sa tulong ng isang agila.
Hindi na kontento si Venus kaya binigyan niya pa ito ng
isang pagsubok. Binigyan ni Venus si Psyche ng kahon at
inutusan itong humingi ng kaunting kagandahan kay
Persophina, ang diyosa sa ilalim ng lupa. Binigyan ng gabay
ng isang tore si Psyche kung paano siya makakapunta at
makakapasok sa kaharian ni Hades. Nagtagumpay si Psyche
sa pagpunta sa kaharian ni Hades at nakuha ang hinihingi ni
Venus. Pabalik na si Psyche sa kaharian, ngunit natukso
siyang buksan ang kahon at kumuha ng kaunting
kagandahan para umibig ulit sa kanya si Cupid, dahil akala
niya na hindi na siya mahal ng kanyang asawa. Pagkabukas
niya ng kahon bigla siyang nanghina at nakatulog.
Magaling na si Cupid ng makatulog si Psyche. Ngunit siya ay
kinulong ng kanyang ina, pero naghanap ng naghanap si Cupid
ng paraan para makatakas hanggang sa Nakita niya ang
bintanang nakabukas at nakatakas. Hinanap niya ang asawa na
walang malay. Nakita niya at tinulungan ang asawa para
matanggal ang gayuma at tuluyan ng matapos ang kaniyang
pagsubok. Nagpatuloy si Psyche kay Venus upang dalhin ang
kahon at tuluyang tapusin ang pagsubok, samantala si Cupid ay
humingi ng tulong kay Jupiter upang hindi na gambalain pa ng
ina ang pagmamahalan nila. Nagpapulong si Jupiter sa mga
diyos, sinabihan niya ang lahat na wala nang pwede pang
gumambala kay Cupid at Psyche maging ang ina ni Cupid na si
Venus.
Sa pamamagitan ng pagkain ng ambrosia, naging
diyosa narin si Psyche. Siya ay tinaguriang diyosa ng
mga kaluluwa.
Nagpakasal sina Cupid at Psyche at nagka-anak na
ang pangalan ay Pleasure. Ang ina ni Cupid ay
napanatag na sapagkat diyosa narin si Psyche. Naging
maligaya narin ang mag-asawa.
MGA ARAL MULA SA CUPID AT
PSYCHE
• Hindi mabubuhay ang pag-ibig kung walang
pagtitiwala

• Ang pagmamahal ay isang sakripisyo.

• Hindi mo kailanman mabibihag ang pag-ibig.


CUPID AT PSYCHE NEWTONS THIRD LAW

Newton’s third law states that when two bodies interact, they
apply forces to one another that are equal in magnitude and
opposite in direction. The third law is also known as the law of
action and reaction.
Katulad nung newton’s third law bawat ipinapagawa kay Psyche
na may masamang dulot may tumutulong sa kanya.
Bawat masamang nangyayari may pumapalit na mabuti.
ANG GUMAWA NG
ANG MGA NAGULAT
BISWAL

PANGKAT
UNA BENNY JAMES C. CLORES
(ARALIN CARLOS ADRIAN UY
FERDINNAND KAL-EL CLARK B.
1.1) WENCESLAO LACHICA
JAZMINE PORTUGUES
CHARLA REYES

You might also like