You are on page 1of 18

POSISYON

G PAPEL
Ang pangangatwiran ay isang uri ng panghihikayat.
Nanghihikayat itong pumanig sa opinyon ng manunulat na
nakabatay sa katotohanan. Binubuo ito ng mga matitibay na
argumento o mga dahilan upang mapasang-ayon ang mga
mambabasa. Sinusuportahan ng mga ebidensya ang mga
argumento upang mapatibay ito at mas makumbinsi ang mga
mambabasa. Ang mga ebidensya sa mga argumento ay
maaaring kunin sa obserbasyon, mga pahayag mula sa
awtoridad (pulis, abugado, dalubhasa, doktor, propesor, atb.),
istatistiks o kaya’y mga mapagkakatiwalaang datos at pag-
aaral.
Ayon kay Jocson et al (2015) sa
kanilang aklat na Pagbasa at pagsulat
tungo sa pananaliksik, ang
pangangatwiran ay tinatawag ding
pakikipagtalo o argumentasyon na
maaring maiugnay sa sumusunod na
paliwanag:
◦ Ito ay isang sining ng paglalahad ng mga dahilan
upang makabuo ng isang patunay na tinatanggap
ng nakararami
◦ Ito ay isang uri ng paglalahad na nagtatakwil sa
kamalian upang maipahayag ang katotohanan.
◦ Ito ay isang paraang ginagamit upang
mabigyang – katarungan ang mga opinyon at
mapahayag ang mga opinyong ito sa iba.
MGA DAPAT ISAALANG-ALANG PARA SA MABISANG
PANGANGATWIRAN

1.Alamin at unawain ang paksang


ipagmamatuwid.
2.Dapat maging maliwanag at tiyak ang
pagmamatuwid.
3.Sapat na katwiran at katibayang
makapagpatunay.
MGA DAPAT ISAALANG-ALANG PARA SA
MABISANG PANGANGATWIRAN

4. Dapat ay may kaugnayan sa paksa ang katibayan at


katwiran upang makapanghikayat.
5. Pairalin ang pagsasaalang-alang, katarungan, at
bukas na kaisipan sa pagpapahayag ng kaalamang
ilalahad.
6. Tiyaking mapagkakatiwalaan ang mga ilalahad na
katwiran.
Ang posisyong papel, kagaya ng isang debate, ay
naglalayong maipakita ang katotohonan at katibayan ng
isang tiyak na isyung kadalasan ay napapanahon at
nagdudulot ng magkakaibang pananaw sa marami depende
sa persepsiyon ng mga tao. Ang layunin ng posisyong
papel ay mahikayat ang madla na ang pinaniniwalaan ay
katanggap- tanggap at may katotohanan. Mahalagang
maipakita at mapagtibay ang argumentong pinaglalaban
gamit ang mga ebidensyang magpapatotoo sa posisyong
pinaniniwalaan o pinaninindigan.
Ayon naman kay Grace Feming, sumulat ng artikulong “How to
Write an argumentative Essay,” ang posisyong papel ay ang
pagsalig o pagsuporta sa katotohanang isang kontrobersiyal na
isyu sa pamamagitan ng pagbuo ng isang kaso o usapin para sa
inyong pananaw o posisyon. Kapag nailatag na ang kaso at ang
posisyon hinggil sa isyu, mahalagang mapatunayang totoo at
katanggap- tanggap ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga
ebidensyang kinapapalooban ng mga katotoohan, opinyon ng mga
taong may awtoridad hinggil sa paks, karanasan, estadistika, at iba
pang uri ng katibayang magpapatibay sa posisyong
pinanghahawakan.
Ayon sa kanya, sa pagsulat ng posisyong papel
ay mahalaga ang pagkakaroon ng isang mahusay
at magandang paksa ngunit higit na mas
mahalga ang kakayahang makabuo ng isang
kaso o isyu. Maaaring ang paksa ay maging
simple o komplikado ngunit ang iyong gagawing
argumento o pahayag ng tesis ay mahalagang
maging matibay, malinaw, at lohikal.
MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG POSISYONG PAPEL

1. Pumili ng paksang malapit sa iyong puso


2. Magsagawa ng panimulang pananaliksik hinggil sa napiling paksa
3. Bumuo ng thesis statement o pahayag ng tesis.
4. Subukin ang katibayan o kalakasan ng iyong pahayag ng tesis o
posisyon
5. Magpatuloy sa pangangalap ng mga kakailanganing ebidensya
tulad ng mga sumusunod:
MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG POSISYONG PAPEL
URI NG IMPORMASYON URI NG SANGGUNIANG
MAARING GAMITIN
Panimulang impormasyon at Talatinginan, ensayklopedya,
pangkalahatang kaalaman handbooks
tungkol sa paksa

Mga pag-aaral hinggil sa paksa o Aklat, ulat ng pamahalaaan


isyu
Mapagkakatiwalaang artikulo Dyornal na pang-akademiko
Napapanahong isyu Pahayagan, magasin, telebisyon
Estadistika Sangay ng pamahalaan at mga
organisasyon/samahan
MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG POSISYONG PAPEL

Ayon kay Constantino at Zafra (1997), mauuri sa dalawa ang


mga ebidensyang magagamit sa pangangatwiran.
A. Mga katunayan (facts) ­--- - Ito ay tumutukoy sa mga
ideyang tinatanggap na totoo dahil ang mga katibayan nito ay
nakabase sa nakita, narinig, naamoy, nalasahan at nadama
B. Mga Opinyon -- - Ito ay tumutukoy sa mga pananaw ng tao.
Ito ang mga ideyang nakabase lamang sa pananaw ng tao.
MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG POSISYONG PAPEL

6. Buuin ang balangkas ng posisyong papel ayon


sa sumusunod na pagkakaayos:
I. PANIMULA
A. Ilahad ang paksa
B. Magbigay ng maikling paunang paliwanag
tungkol sa paksa at kung bakit mahalaga itong
pagusapan.
C. Ipakilala ang tesis ng posisyong papel o iyong
Stand o posisyon tungkol sa isyu.
II. PAGLALAHAD NG COUNTER ARGUMENT O MGA
ARGUMENTONG TUMUTUTOL O KUMUKONTRA SA IYONG
TESIS
A. Ilahad ang mga argumentong tutol sa iyong tesis.
B. Ilahad ang mga kinakailangang impormasyon para mapasubalian
ang binanggit na counter argument.
C. Patunayang mali o walang katotohananang mga counter arugument
ng iyong inilahad.
D. Magbigay ng mga patunay para mapagtibay ang iyong giinawang
panunuligsa.
III. PAGLALAHAD NG IYONG POSISYON O PANGANGATWIRAN
TUNGKOL SA ISYU
A.Ipahayag o ilahad and unang punto ng iyong posisyon o paliwanag
Ilahad ang iyong matalinong pananaw tungkol sa unang punto.
Maglahad ng mga patunay at ebidensya na hinango sa
mapagkakatiwalangsanggunian.
B. Ipahayag o ilahad ang ikalawang punto ng iyong posisyon o
paliwanag.
Ilahad ang iyong matalinong pananaw tungkol sa ikalawang punto.
Maglahad ng mga patunay at ebidensya na hinango sa
mapagkakatiwalangsanggunian.
C. Ipahayag o ilahad ang ikatlong punto ng iyong posisyon o
paliwanag.
Ilahad ang iyong matalinong pananaw tungkol sa ikatlong punto.
Maglahad ng mga patunay at ebidensya na hinango sa
mapagkakatiwalangsanggunian.

Upang higit na maging matibay ang iyong pangangatwiran o


posisyon, sikaping maglahad ng tatlo o higit pang mga puntos
tungkol sa isyu.
IV. KONGKLUSYON
A. Ilahad muli ang iyong argumento o tesis.
B. Magbigay ng mga plano ng gawain o plan of action na
makakatulongsa pagpapabuti ng kaso o isyu.

Ang pinakamabisa at pinakasimpleng paraan ng pagwawakas


ng posisyong papel ay sa pamamagitan ng muling pagbanggit
sa tesis sa ibang paraan ng paglalahad nito at ang pagtalakay
sa mga magiging implikasyon nito.

You might also like