You are on page 1of 24

MASINING NA PAGPAPAHAYAG

ANG MGA TAYUTAY


MASINING NA PAGPAPAHAYAG
ANG MGA TAYUTAY

Layunin ng Pagkatuto:

Sa katapusan ng pagtalakay, ang mga mag-aaral ay


inaasahan na:
1. Maunawaan ang kahulugan at kahalagahan ng
paggamit ng tayutay;
2. Mabigyang pagpapaliwanag ang pagkakaiba ng
mga uri ng tayutay; at
3. Makalikha ng isang komposisyon na inilalapat ang
mga tayutay.
MASINING NA PAGPAPAHAYAG
ANG MGA TAYUTAY

Ang mga Tayutay


Ito ay mga salita o isang pahayag
na ginagamit upang bigyan-diin
ang isang kaisipan o damdamin.
Ito ay sinasadyang gamitan ng
mga talinghaga o di-karaniwang
salita upang gawing mabisa,
makulay at kaakit-akit ang
pagpapahayag.
MASINING NA PAGPAPAHAYAG
ANG MGA TAYUTAY

PAGTUTULAD
 Pinaghahambing nito ang dalawang magkaibang tao, bagay,
pangyayari at iba pa.
 Maaari itong gamitan ng mga salitang
tulad ng,
paris ng,
kawangis ng,
tila,
sing-, sim-,
magkasing-, at magkasim-
mistula
parang
animo
MASINING NA PAGPAPAHAYAG
ANG MGA TAYUTAY

Halimbawa:

 Parang apoy ang galit ng taong iyon.

 Sintigas ng bakal ang puso niya.

 Tila may daga sa dibdib si Alison habang umaawit sa

entablado.
MASINING NA PAGPAPAHAYAG
ANG MGA TAYUTAY

PAGWAWANGIS

 Pinaghahambing ang mga tao, bagay,


pangyayari nang tiyakan. Bagama’t hindi
ito gumagamit ng mga pariralang tulad ng,
kapara ng, kawangis ng, tila, at iba pa
ipinahihiwatig ng pangungusap ang
pagtutulad ng tao, bagay at pangyayari.
MASINING NA PAGPAPAHAYAG
ANG MGA TAYUTAY

Halimbawa:

 Impyerno ang bilangguang kinasadlakan niya.

 Langit ang tahanang ito.

 Tigre kung magalit ang taong iyon.


MASINING NA PAGPAPAHAYAG
ANG MGA TAYUTAY

PAGSASATAO

 Isinasalin ang katalinuhan at katangian ng


tao sa bagay na binabanggit na parang
binubuhay ito. Naisasagawa ito sa paggamit
ng pandiwa.
MASINING NA PAGPAPAHAYAG
ANG MGA TAYUTAY

Halimbawa:

 Nagsusungit ang panahon sa tag-ulan.

 Nagpasapasaklolo ang pader sa dami ng paskil.

 Umiiyak ang langit sa kasalanan ng mundo.


MASINING NA PAGPAPAHAYAG
ANG MGA TAYUTAY

PAGTAWAG

 Kinakausap ang bagay na walang buhay na


parang tao.

Halimbawa:

 Lungkot, bakit lagi mo akong binabalot?

 Ulan, bumuhos ka’t aking mundo’y lunuring tuluyan.


MASINING NA PAGPAPAHAYAG
ANG MGA TAYUTAY

PAGMAMALABIS

 Masidhing kalabisan o kakulangan ng isang


tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin
at iba pang katangian, kalagayan o
katayuan ang ipinapakita dito.
MASINING NA PAGPAPAHAYAG
ANG MGA TAYUTAY

Halimbawa:

 Halos naaninag ang kaluluwa ko sa kintab ng sahig ng gusaling

iyon.

 Nalulusaw ako sa kanyang mga titig.

 Handa kong kunin ang buwan at mga bituin mapasagot lang

kita.
MASINING NA PAGPAPAHAYAG
ANG MGA TAYUTAY

PAG-UYAM

 Isang pagpapahayag na may layuning


makasakit ng damdamin o mangutya ngunit
ito’y itinatago sa paraang waring
nagbibigay-puri.
MASINING NA PAGPAPAHAYAG
ANG MGA TAYUTAY

Halimbawa:

 Ikaw ang pinakamaganda sa lahat kapag nakatalikod.

 Sa labis ng kanyang pagkatalino ay wala nang nakaintindi sa

kanyang mga sinasabi.

 Kay ganda ng iyong tinig parang yerong ginugupit.


MASINING NA PAGPAPAHAYAG
ANG MGA TAYUTAY

PAGTANGGI

 Ginagamit ang salitang hindi upang


magpahiwatig ng lalong makahulugang
pagsang-ayon sa sinasabi ng salita. Ito’y
pakunwari lamang kung saan ang nais ng
nagpapahayag ay kabaligtaran ng ibig
sabihin.
MASINING NA PAGPAPAHAYAG
ANG MGA TAYUTAY

Halimbawa:

 Hindi totoong wala kang interes sa proyekto, ang katotohana’y

wala ka lamang oras.

 Hindi ka talaga masarap magluto, napadami tuloy ako ng kain.

 Hindi siya isang magnanakaw. Ibabalik niya naman daw ang

kanyang kinuha.
MASINING NA PAGPAPAHAYAG
ANG MGA TAYUTAY

TANONG RETORIKAL

 Ito ay hindi naghihintay ng kasagutan at


hindi rin nagpapahayag ng pag-aalinlangan.
Wala itong inaasahang sagot kung saan ang
layunin ay maikintal sa isipan ng nakikinig
ang mensahe.
MASINING NA PAGPAPAHAYAG
ANG MGA TAYUTAY

Halimbawa:

 Kailan kaya magtatagpo ang silangan at kanluran, ang hilaga at

timog?

 Makalalakad ba ang iyong mga paa sa nag-aapoy na baga nang

hindi napapaso ang mga ito?

 Gaano kadalas ang minsan?


MASINING NA PAGPAPAHAYAG
ANG MGA TAYUTAY

PAGTATAMBIS

 Ito ay ang paglalahad ng mga bagay na


magkasalungat upang higit na mapatingkad
ang bisa ng pagpapahayag.
MASINING NA PAGPAPAHAYAG
ANG MGA TAYUTAY

Halimbawa:

 Hindi magkakaroon ng dalawa kung wala ang isa.

 Ang buhay ng tao ay parang gulong; minsan nasa ibabaw,

minsan ay nasa ilalim.

 Ikaw ang pinakabata sa lahat ng matatanda.


MASINING NA PAGPAPAHAYAG
ANG MGA TAYUTAY

PAGSALUNGAT

 Pagsasama ng dalawang magkasalungat na


salita sa loob ng pangungusap.

Halimbawa:

 Ang lipunan ay larawan ng busog at gutom.

 Kaya kong gawin ang anumang mabigat o magaan na Gawain.


MASINING NA PAGPAPAHAYAG
ANG MGA TAYUTAY

PAGLUMANAY

 Ito ang pagpapalit ng salitang mas


magandang pakinggan kaysa sa salitang
masyadong matalim, bulgar o bastos.
Ginagamitan ito ng mga piling salita upang
pagandahin ang isang di-kagandahang
pahayag.
MASINING NA PAGPAPAHAYAG
ANG MGA TAYUTAY

Halimbawa:

 Kilala ng ilan ang lalaking naglukso ng puri ng bata.

 Ako’y tinatawag ng kalikasan.

 Pagdating ko ay pantay na ang kanyang mga paa.


MASINING NA PAGPAPAHAYAG
ANG MGA TAYUTAY

Sanggunian:

 Austero, C. et.al. Retorika: Masining na Pagpapahayag. Sta.

Mesa, Manila: Rajah Publishing House. 2015.

 https://noypi.com.ph/tayutay/

You might also like