You are on page 1of 25

WIKANG FILIPINO SA SOCIAL

MEDIA

AINE SALES SHANE SALUMBIDES


• Binago ng social media ang pamamaraan ng
pamumuhay ng milyon-milyong Pilipino. Bukod
sa naging porma ng komunikasyon, hindi rin
maitatatwa na simbolo ng panlipunang istatus
ang access sa internet.
• At dahil sa aktibong paggamit ng mga Pilipino
ng iba’t ibang aplikasyon sa social media,
tinaguriang Social Media Capital of the World
ang Pilipinas ayon sa mga eksperto sa larangan
ng midya at teknolohiya.
Ayon sa wearesocial.com (2015),
Sa 100.8 milyong kabuuang populasyon ng Pilipinas
• 44.2 milyon o 44% ang aktibong gumagamit ng
internet

• 40 milyon o 40% ang may aktibong account sa iba’t


ibang social media sites

• 30 milyon o 30% ang may aktibong social media


mobile accounts
• Mula 2013 hanggang 2015, nakapagtala ng 18%
na pagtaas sa bilang ng aktibong gumagamit ng
internet. Mula sa datos, makikitang malawak
ang impluwensya ng internet at social media sa
pamumuhay at pagbuo ng desisyon ng mga
Pilipino.
SOCIAL MEDIA
• Tumutukoy sa grupo ng internet-based applications na
ginagawa batay sa web 2.0, kung saan naging posible na
ang pagkontrol at kontribusyon ng mga gumagamit ng
internet sa nilalaman ng iba't ibang social media sites.

• Ito ay naging pamamaraan ng iteraksyon sa pagitan ng


mga tao dahil maari na silang magbahagi, magkomento
at mag-edit ng iba't ibang impormasyon sa isang virtual
na komuninad.
Pagsisimula at pagsikat ng social media
• Nagbigay-daan sa pag-unlad ng web publishing
tools na tumatanggap ng ambag mula sa iba't
ibang gumagamit nito na hindi naman
propesyonal sa larangan ng kompyuter.

• Dahil dito maaari ng magbahagi ng kaalaman at


maging lunduyan ng diskurso.
Iba't ibang Social Media Sites
• Facebook
• Twitter
• Instagram
• Foursquare
• Tinder
• Etc.
• Ingles ang wika ng internet, ngunit dahil sa
paglaganap ng web publishing tools, iba't ibang wika
na rin ang nakapasok sa mundo ng cyber space.

• Pilipino ang maituturing pinakaaktibong sa larangan


ng internet at dahil dito iba't ibang estilo ng
paggamit ng wika na rin ang lumaganap sa internet.

• Code switching ito aytawag sa pagpapalit wika at


maling pagpapaikli at pagsasama ng ilang mga salita.
Sitwayon ng Wika sa Social Media
Ngayong moderno na ang panahon. Ngayong,
nagkaroon na ng Social Media sa mundo ay unti
unti ng nakakalimutan ang wastong paggamit ng
wika. Unti-unti ng nilalamon ng sistema ang mga
Pilipino, sa mga umuusong salita, paraan ng
pagbigkas ng mga ito sa social media.
SA SOCIAL MEDIA,

Dito lumalabas ang iba't ibang


klase ng lengwahe maging ang
pagbigkas ng wika.
BEKI LANGUAGE
• Sa social media lumalabas ang beki language na
kung saan hindi maayos o iniiba nila ang pag
gamit nito, inaakma ng mga ito ang pag gamit
nila sa wika ng nagpapakita ng kabaklaan o nang
pag karate ng salita. Ang beki language na bigla
nalang umuso sa social media na ngayo'y halos
lahat inaapply ito sa pang araw-araw.
• Tulad ng Beki language, marami pang iba't ibang
salita ang nauuso na mabilis natututunan ng mga
kabataan. Maging ang simpleng salita na EDI WOW,
EDI SHING at ang ibang pagpapaikli ng mga salita
tulad ng LOL, OTW, OOTD, LMAO, LT na mabilis
makaimpluwensiya sa mga Pilipino. Ilan pa lamang
iyan sa mga salita na nakakaepekto sa wikang
Filipino.
PAGHAHALO NG WIKA
• At ngayon marami ang gumagamit ng TAGLISH
o mas kilala sa tawag na CONYO. Pinaghahalong
Ingles at Tagalog.
JEJE WORDS
• Pano na kaya ang wika, kung dadagdag pa ang
JEJE Words sa mundo na ang social media ulit
ang nagpauso? Nakakaloka na, nakakaloka kung
bakit kailangan pang gawing letra ang number,
tuald nalang ng pinauso nilang JEJE
ALPHABET. Yung ang simple pero gagawin
padin nilang komplikado.
ANG WIKANG FILIPINO SA MEDIA NGAYON
Ang wika ang nagsisilbing tulay sa mabisang komunikasyon, mas
epektibong pakikipagtalastasan at mas epektibong pakikipag- ugnayan. Sa
pamamagitan ng paggamit ng wika malaya nating naipapahayag ang ating
saloobin at kaisipan hinggil sa mga bagay-bagay. Ang wika ay isa ring
napakahalagang instrumento sapagkat ito ang nagiging tulay sa
pagkakabuklod buklod ng mga mamamayan ng isang bansa. Pinagtitibay nito
ang diwa ng pagkakaisa at pagkakaintindihan ng mga mamamayang
nasasakupan.  Bukod dito, ang pagkakaroon din ng sariling wika ay
nakakatulong sa pag-angat ng ekonomiya ng isang bansa. Kung kaya, bilang
isang kabataan ng bagong henerasyon dapat nating pangalagaan at
tangkilikin ang wikang sariling atin maging sa mundo ng social media.
• Dahil sa makapangyarihang social media,
naapektuhan nito ng malaki ang wikang Filipino.
Dahil ang social media na kaakibat ng mga
kabataan sa araw araw na paglilibang,
pakikipagkomunikasyon, madali nitong
naiimpluwensiyahan ang mga kabataan. Sa
malaking tulong ng social media, ang laki din ng
epekto nito sa ating wika. Hindi nabibigyan ng
tamang pagkilala, tamang pagpapahalaga sa
wika.
 
• Maaari bang tayo'y muli magkaisa na ibalik ang
ayos ng wikang Filipino sa Social Media?

• Ngayon, tayo ang umimpluwensiya sa


makapangyarihang SOCIAL MEDIA.

• Ibalik ang pagkakaisa at pagmamahal sa wikang


nagpapakilala sa ating mga Pilipino.

You might also like