You are on page 1of 25

ANG FILIPINO AT

KAMALAYANG
PAMBANSA
ni Virgilio Almario
Sino ba talaga ako? Maituturing ba
akong isang Pilipino kahit ang mga
magulang ko ay kapwa Pilipino at dito
isinilang sa Pilipinas?
Matagal nang tanong ng ating mga intelektuwal ang
tanong na “Sino ako?”. Masugid ang ating mga
manunulat at historyador sa pagsasaliksik ng anumang
matatawag na “kulturang Filipino” matapos ang
Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sa pamamagitan ng
Bayanihan Dance Troupe ay naitanghal natin ang
tinikling at iba pang katutubong sayaw. Sa halip na pop
music na mulang Kanluran, ibinantayog natin ang
kundiman. Ginagamit din natin ang sarimanok bilang
sagisag sa mga pandaigdigang beauty contest.
Ngunit, sa kabila ng lahat ng ito, waring kulang pa ang
pagkilala natin sa ating sarili. Barong o malong man
ang ating suot ay parang hindi kompleto ang ating
larawan bilang Filipino. Kung tatanungin natin ang
ating mga sarili kung sino nga ba tayo, malimit ang
ating maisasagot. Ito ay sapagkat mababaw lamang
ang ating alam tungkol sa naaangkin natin ang hindi
atin na tinatawag na “COLONIAL MENTALITY”
BAKIT NGA BA
MAYROON
TAYONG
COLONIAL
MENTALITY?
Mayroong Colonial Mentality dahil
matagal tayong nakapailalim sa
dominanteng kulturang banyaga,
hindi sinasadyang pagkakamalan
natin ang banyaga bilang Filipino.
Lahat ng bansang dumaranas ng kolonyalismo ay
nagkakaroon ng Colonial Mentality. Sa isang banda,
hindi ito lagging masama sapagkat sa pamamagitan ng
pananakop, nadaragdagan ang kulturang katutubo na
kung saan ito ay tinatawag na “CULTURAL
ENRICHMENT”. Isang hakimbawa na nito ay ang mga
kulturang Espanyol na nagging bahagi na ng ating sarili,
naging naturalisado at hindi naman mamasamaing naging
atin
Sa kabilang banda, mabuti din na malaman natin ang mga bagay
na hindi katutubo sa atin lalo na at ang mga bagay na iyon ay
maaring maging mapanlinlang sa atin. Sa larangan halimbawa
ng halagahan (values), malimit nating ipagpangaralan na “The
Filipino are hospitable”. Hindi problema kung nais nating
magkaroon ng hospitalidad ngunit hindi ba nakakapagtaka na
itinuturing natin na katutubo ang isang katangian na Espanyol
ang pangalan? Ano nga ba ang tawag sa Hospitalidad sa wikang
Filipino? Hindi kaya noon pa ay ipinaangkin na ito ng mga
mananakop para maging lantad tayo sa kanilang
pagsasamantala?
PAGHAHANAP SA
SARILI
Ngunit ang higit na malungkot ay ito:

Hindi natin makilala ang tunay sarili nating


katangian. Hanap tayo nang hanap sa ating
sarili. Ngunit kaharap na pala natin ang ating
Ako ay hindi pa nating makilala. O kaya,
itinatanghal para sa atin ang ating Ako at
ayaw nating tanggapin, ayaw nating angkinin
at mahalin.
■Ang ibig sabihin nito’y mayroon naman
talaga tayong sariling kultura. Ngunit kung
hindi tayo baliw sa kulturang banyaga ay
wala tayong ay wala tayong malasakit para
pangalagaan ang katutubong atin.
Kung sa bagay, hindi na ito kataka-taka para sa
isang bansang tulad natin na bulagsak sa
yamang-likas. Kung ang ating mga punongkahoy
at pangisdaan ay pinababayaan nating waldasin
ng mga dayuhan, ano ba kung maglaho din ang
isang katutubong awit o sayaw?
Kung isasaalang-alang natin ang mga
sitwasyong ito kaugnay ng paghahanap natin
sa ating sarili ay lilinaw sa atin kung bakit sa
isang banda, mahina ang pagtanggap natin sa
Filipino bilang wikang pambansa, at kung
tunay ba na kailangan natin ang Filipino.
Sa isang banda, tulad ng ibang sarili natin ay biktima ang
Filipino ng ating patuloy na di pagtanggap at kawalang-
malasakit sa katutubong atin. Kung didibdibin natin ang
pagtatayo ng dangal at kaakuhang pambansa ay
kailangang pag-ibayuhin ang kampanya at tangkilikin sa
Filipino bilang wikang pambansa. Sabi nga sa
pinakahuling survey, 76.4% ang gumagamit ng Filipino
(batay sa tagalog), samantalang 38.4% lamang ang
gumagamit ng Ingles at 35.4% lamang ang nagsasalita ng
Sebwano. Ginagamit ang Filipino ngunit hindi
tinatanggap bilang wikang pambansa. Sa jargon ng
linguistics, tinatanggap nang lingua franca ang Filipino
ngunit hindi pa kinikilalang official language.
Ano ang ibig sabihin ng
lingua franca?
Ang lingua franca ay tumutukoy sa isang salita o
dayalekto na ginagamit ng dalawa o higit pang mga
taong magkaiba ang pangunahing lengguwahe upang
makipagtalastasan sa isa't isa. Ito ay tinatawag ding
trade languages ang mga lingua franca sapagkat
nagiging daan ito upang maging madali ang
pakikipagkalakalan. Ngunit nagagamit din ito sa
kultural, pang-relihyon at dimplomatikong mga
hangarin.
Ang pinakamagandang halimbawa nito ay ang Ingles.
Anupa’t kailangan ang kampanya para sa
Filipino ay kailanganin ng sambayanan. Isang
maselang kampanya ito. Sa politiko, ito ang
tinatawag na “inhinyerya ng pagsang-ayon”.
Ito ang paggamit ng iba’t ibang mabisang
taktikang aangkop sa iba’t ibang sector ng
lipunan para mahimok sila na kailangan nila
ang Filipino.
Halimbawa na lang na kailangan nila ang Filipino hindi
lamang sa panonood ng sine’t TV at pagbabasa ng
komiks.
• Na kailangan nila ang Filipino para magkaintindihan
ang mga mamamayang Filipino.
• Na kailangan nila ang Filipino para mabilis at higit na
maturo sa pag-aaral.
• Na kailangan nila ang Filipino para magtagumpay sa
trabaho.
• Na kailangan nila ang Filipino para maging Filipino.
Pinababayaang Yaman. Kaugnay ng
kampanyang ito, kailangang mabilis na
linangin ang Filipino bilang tunay na wikang
pambansa. Isang aspekto nito ang
modernisasyon ng ating wika para mabisang
magamit sa mataas at makabagong
karunungan. Ito sa ngayon ang fokus ng mga
guro sa kolehiyo at mga inhinyero ng wika.
Gayundin, mukhang nakakalimutan natin ang isa
pang malaking tungkulin para maging wikang
pambansa ang Filipino. Ito ang pagpapayaman ng
ating wika sa pamamagitan ng mga ambag mula sa
iba’t ibang wikang katutubo sa Filipinas. Pero para
maging “wikang pambansa” at para mapabilis ang
“inhinyera ng pagsang-ayon” ay dapat higit na
pagtuunang-pansin ang paglalahok ng mga salitang
katutubo sa Filipino. Ang aktibong paglahok ng mga
katutubong wika ng Filipinas ang nagsusulong sa
Filipino bilang “wikang pambansa”.
Sa ngayon, ang mga katutubong wika natin ay parang
mga reserbang yamang-likas na hindi natin lubos na
pinakikinabangan. Nasa atin, tulad ng ibang katutubo
sa ating kultura, ngunit hindi inaasikasong sa
pambansang gawain. Para rin itong mga karunungang
pinababayaan natin. Kaya kung mapasanib uli sa
wikang pambansa, sa bokabularyong ng lingua franca,
ay higit na magpapatingkad sa ating karangalang
pambansa bukod sa aambag sa ating pagkatuto.
Halimbawa na lamang ay itong rice terraces ng
mga Ifugaw. Rice terraces tayo ng rice terraces. O
kaya’y sa mga textbook ay isinasalin natin ang rice
terraces para tawaging “hagdang-hagdang
palayan”. Pero hindi ba’t nakakatawa ang ating
kamangmangan? Alam naman nating katutubong
atin ang “hagdan-hagdang palayan” ng mga Ifugaw.
Ngunit ginagamit natin ang Ingles para tawagin ito.
Noon pang bago magkadigma ay isinusulat na
ang kahanga-hangang pamanang ito ng mga
Ifugaw. Ngunit may nakaisip man lamang
bang itanong sa mga Ifugaw kung ano ang
tawag sa kanilang “hagdan-hagdang
palayan”? Marahil wala, kaya hanggang
ngayo’y hindi pa natin ginagamit ang tawag na
“pay-yo” o “pay-ew” o “payaw” ng mga
taga-Cordillera.
Ang mga salitang tulad ng “pay-yo o payaw” ay
hindi lamang mahalaga dahil sa pagbibigay sa atin
nito ng pantumbas sa mga konseptong
karaniwang ipinahahayag natin sa wikang
banyaga. Higit na makabuluhang itampok ito
upang tuluyan at ganap na makilala natin ang
ating mga kapatid sa iba’t ibang panig ng bansa at
makilala natin ang ating sarili bilang mga Filipino.
Anupa’t sa pamamagitan lamang ng paglalahok sa
“pay-yo” sa ating bokabularyo ay makakalaya tayo
tayo sa Ingles, madaragdagan ang kilala nating Ako.
At matututo pa tayo ng bago. Maraming ganitong
“ginto” sa mga katutubong wika natin na kailangang
tipunin na, sa lalong madaling panahon, para sa
ikayayaman ng ating wika at kamalayang
pambansa.

You might also like