You are on page 1of 35

Araling

Panlipunan
Day 5
Balik - Aral
1. Anu-ano ang mga nabibilang sa
pangalawang direksiyon?
2.Sa anong direksiyon
matatagpuan ang bansang Borneo?
3. Ano ang matatagpuan sa dakong
hilagang kanluran ng bansang
Pilipinas?
Panimulang Pagtataya
Panuto: Basahin at unawaing mabuti angbawat
pangungusap.Sagutan ang mga tanong at isulat
ang titik ng wastong sagot.
1. Anong temperatura ang nararanasan ng mag-
anak nanakatira sa bulubunduking lugar?

A. Malamig na temperatura
B. Mainit na temperatura
C. Katamtamang lamig ng temperatura
D. Katamtamang init ng temperatura
Panimulang Pagtataya
2. Bakit ang mag-anak na nakatira sa Gitnang
Luzon ay nakararanas ng mainit na temperatura?
A. Dahil sila ay nakatira sa mataas na lugar.
B. Dahil sila ay nakatira sa mababang lugar.
C. Dahil higit na marami ang mag-anak na
nakatira sa Gitnang Luzon.
D. Dahil marami ang mga sasakyan at pagawaan sa
Gitnang Luzon.
Panimulang Pagtataya
3. Bakit tuwing summer ay dinarayo ng mga
turista ang mga Lungsod ng Tagaytay at Baguio?
A. Sapagkat ang mga lugar na ito ay sikat na pook
pasyalan.
B. Sapagkat ang mga lugar na ito ay nasa
kabundukan.
C. Sapagkat marami ang mga dayuhang
pumupunta sa mga
lugar na ito.
D. Sapagkat malamig ang temperatura sa mga
lugar na ito.
Panimulang Pagtataya
4. Bakit mainam ang temperatura sa lalawigan ng
Batangas?
A. Dahil ang temperatura sa Batangas ay may
katamtamang init at lamig.
B. Dahil ang temperatura sa ilang lugar sa
Batangas ay malamig.
C. Dahil ang temperatura sa ilang pook sa
Batangas ay mainit.
D. Dahil ang temperaturasa Batangas ay angkop sa
mga hayop at pananim.
Panimulang Pagtataya
5. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang
nagsasaad ng katotohanan?
A. Mainam manirahan sa mabababang lugar sa
panahon ng tag-araw.
B. Mainam manirahan sa matataas na lugar sa
panahon ng tag-ulan.
C. Mainam manirahan sa mabababang lugar sa
panahon ng tag-ulan.
D. Mainam manirahan sa matataas na lugar sa
panahon ng tag-araw.
Pag-aayos sa mag-aaral ang Jumbled
Phrases

Ang na temperatura

malamig ay lugar

mataas sa
Tandaan:

Ang temperatura sa mataas na lugar ay malamig


samantalang ang temperatura sa mababang lugar
ay mainit.
Mga Mungkahing Tanong sa Talakayan

a. Anong mga lugar ang may mababang


temperatura?

Sagot: Ang Lungsod ng Baguio, Lungsod ng


Tagaytay, Mga Lugar sa Mountain Province.
b. Bakit mababa ang temperatura sa
bulubunduking bahagi ng Pilipinas?

Sagot: Dahil ito ay nasa mataas na lugar


c. Anong mga lugar sa Pilipinas ang may mataas
na temperatura?

Sagot: Nueva Ecija, Bulacan, Pangasinan, Tarlac


at iba pang mga lugar sa Gitnang Luzon
d. Bakit mataas ang temperatura sa mga lugar na
nasa kapatagan?

Sagot: Dahil habang mababa ang lugar ay


tumataas naman ang temperatura.
e. Paano iniaangkop ng mamamayang nakatira sa
matataas na lugar ang kanilang pamumuhay?

Sagot: Pinapanatili ng mga tao na ligtas sa


anumang salik na maaaring magdulot sa kanila ng
karamdaman sa tahanan, trabaho, at paaralan
dulot ng malamig na temperatura.
f. Anu-anong kasuotan ang dapat isuot ng mga
taong nakatira sa mataas na lugar?

Sagot: Sila ay nagsusuot ng makakapal na


kasuotan.
g. Paano iniaangkop ng mamamayang nakatira sa
mababang lugar ang kanilang pamumuhay?

Sagot: Pinapanatili ng mga tao na ligtas sa


anumang salik na maaaring magdulot sa kanila ng
karamdaman sa tahanan, trabaho, at paaralan
dulot ng mataas na temperatura.
h. Anu-anong kasuotan ang dapat isuot ng mga
taong nakatira sa mababang lugar?

Sagot: Sila ay nagsusuot ng maluluwag at di


gaanong makapalna kasuotan.
i. Anu-ano ang hanapbuhay ng mga taong nakatira
sa mataas na lugar?

Sagot: Pagtatanim o pagsasaka, pag-aalaga ng


hayop na naangkop sa malamig na temperatura ng
lugar.
j. Anu-ano ang hanapbuhay ng mga taong nakatira
sa mababang lugar?

Sagot: Pagtatanim o pagsasaka, pangingisda,


pakikipagkalakalan, pag-aalaga ng hayop na
naangkop sa mataas na temperatura ng lugar.
k. Paano naman iniaangkop ng mamamayan sa
Batangas ang kanilang pamumuhay batay sa
katamtamang temperaturang kanilang
nararanasan?

Sagot: Pinapanatili ng mga tao na ligtas sa


anumang salik na maaaring magdulot sa kanila ng
karamdaman sa tahanan, trabaho, at paaralan
dulot ng katamtamang temperatura.
Tandaan:
temperatura- ang salik na may
kinalaman sa klima ng isang lugar.

Mga salik na may kinalaman sa


temperatura ng isang lugar:
 Mababa ang temperaturasa mga
bulubundukin o mataas na lugar.
 Ang mga lugar tulad ng Lungsod ng
Tagaytay, Lungsod ng Baguio, Sagada,
Mountain Province ay ilan sa mga lugar na
may mababang temperatura.
 Mataas ang temperaturasa mga kapatagan o
mababang lugar.
 Ang mga lugar sa Gitnang Luzon tulad ng
Nueva Ecija, Bulacan, Pangasinan, at Tarlac
ay ilan sa mga lugar na may mataas na
temperatura.
Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration
(PAG-ASA)

-isang ahensya ng gobyerno na may tungkuling bigyan ng proteksyon ang mga tao laban sa mga natural na
kalamidad at gamitin ang kaalamang pang-agham sa pagtiyak ng kaligtasan at kabutihan ng mga tao at sa
pagsulong ng pambansang pag-unlad.
Ang klima ay naaapektuhan ng:
1. Latitude
2.Topograpiya
3. Altitude o taas ng lugar
4. galaw at uri ng hangin
5. distansya mula sa karagatan
Ang kalagayan ng panahon ay bunsod ng
mga salik na:
1. temperature
2. pamumuo ng ulap at presipitasyon
3. dami ng ulan
4. bilis ng hangin
5. humidity
DAGDAG-KAALAMAN:
1. Karaniwang makikita sa sonang polar ang mga polar bear dahil angkop ang makapal nitong balahibo laban sa lamig.
2. Tropikal forest naman ang karaniwang matatagpuan sa sonang tropical.
3. Meteorologist- taong bihasa sa pag-aaral ng klima at panahon at siyang naghahatid sa mga tao ng impormasyon tungkol
sa lagay ng panahon.
4. temperature- lamig o init ng atmospera sa isang lugar sa isang tiyak na panahon.
5. humidity- ang dami ng water vapor sa himpapawid
6. presipitasyon- ang pagbagsak ng ulan o snow mula sa ulap.
7. bilis ng hangin- sinusukat sa pamamagitan ng anemometer.
8. pamumuo ng ulap- ang mga water vapor ay lumalamig habang umaangat ito sa atmospera at siyang nagiging
maliliit na patak ng tubig o ice crystal.
9. weather forecast o ulat panahon.
Pangwakas na Gawain
1. Paglalapat
Mula sa kapatagan ay lumipat ng panahanan ang inyong
mag-anak sa bulubunduking bahagi ng lalawigan ng
Batangas. Paano ninyo iaangkop ang inyong buhay at
pamumuhay sa nasabing lugar?

2. Pagpapahalaga

Ang temperatura ay isang salik na may kinalaman sa klima


ng isang lugar.Nagkakaiba ang temperatura sa iba‟t-ibang
lugar. Mahalaga ang pag-aangkop sa bawat uri ng
temperatura. Paano mo iniaangkop ang iyong sarili sa bawat
lugar na iyong pinupuntahan?
Pagtataya:

Panuto: Basahin at unawain ang bawat


pangungusap/sitwasyon at piliin ang titik ng pinakawastong
sagot.

1. Ang Bontoc sa Mountain Province ay nakararanas ng


malamig o mababang temperatura. Ano ang salik na may
kinalaman sa lugar na nabanggit?
A. Mababa ang temperatura sa mataas na lugar.
B. Mataas ang temperatura sa mataas na lugar.
C. Mataas ang temperatura sa mataas na lugar.
D. Mababa ang temperaturasa mababang lugar.

2.
Pagtataya:

2. Ang lalawigan ng Tarlac ay may mataas na


temperatura. Ano ang salik na may kinalaman sa
pagtaas ng temperatura sa Tarlac?

A. Mababa ang temperatura sa mataas na lugar.


B. Mataas ang temperatura sa mataas na lugar.
C. Mataas ang temperatura sa mababang lugar.
D. Mababa ang temperaturasa mababang lugar.
Pagtataya:

3. Satemperatura ng mga lalawigang tulad ng Pangasinan,


Nueva Ecija, Bulacan at Batangas, bakit naiiba ang lalawigan
ng Batangas?

A. Dahil mataas ang temperatura sa lalawigang ito.


B. Dahil mababa ang temperatura sa lalawigang ito.
C. Dahil katamtaman ang temperatura sa lalawigang ito.
D. Dahil umaangkop ang temperatura sa uri ng pamumuhay ng
mamamayan dito.
Pagtataya:

4. Paano iniaangkop ng mga mamamayan ang kanilang


pamumuhay sa mga lugar na may mababang temperatura?

A. Ang mamamayan ay nagsusuot ng makakapal na kasuotan.


B. Ang mamamayan ay patuloy na nakapagtatrabaho hanggang
gabi.
C. Ang mamamayan ay nananatili lamang sa loob ng kanilang
tahanan.
D. Ang mamamayan ay lumilipat sa mga mababang lugar
upang mamuhay
Pagtataya:

5. May ilang lugar sa lalawigan ng Batangas ang matatagpuan


sa kapatagan. Paano iniaaangkop ng mga mamamayan ang
kanilang pamumuhay sa mga lugar na may mataas na
temperatura?

A. Ang mamamayan ay may pandarayuhan sa mataas na lugar.

B. Ang mamamayan ay mabilis na gumagawa sa gawaing-


bukid.
C. Ang mamamayan ay nagsusuot ng mga maluluwag o di
maiinit nakasuotan.
D. Ang mamamayan ay nananatili na lamang sa loob ng
kanilang tahanan.
Takdang Aralin:
Manood at makinig ng balita kaugnay ng taya ng panahon sa
loob ng isang linggo sa mga lugar sa Pilipinas na makararanas
ng iba‟t-ibang uri ng hangin at itala ang mahahalagang
detalyeng hinihingi sa checklist tulad ng graphic organizer na
nasa ibaba.
Araw Petsa Mga Lugar sa Uri ng Hangin
Pilipinas
Lunes
Martes
Miyerkules
Huwebes
Biyernes
Sabado
Linggo

You might also like