You are on page 1of 43

COT 1

FILIPINO 6
• Pagsunod sa Panuto 
• Pagsasalaysay Muli ng Napakinggang
Teksto
Layunin:
Nakasusunod sa panuto F6PN-Ifh-1.1
Naisasalaysay muli ang napakinggang
kuwento F6PS-If-6.1
Balik-Aral:
KARAOKE TIME
Sabayang Pag-awit ng kantang
“ Kahit Ayaw Mo Na “ ng
This Band…
Balik-Aral:
Tanong:
Isa-isahin natin ang mga panghalip na
panao na nakita ninyong ginamit sa
awit.
Balik-Aral:
Tanong:

Ano nga ulit ang Panghalip Panao?


Balik-Aral:
Ang Panghalip Panao ay
tumutukoy sa mga salitang
inihahalili sa pangngalan ng tao.
Pangganyak:
Paghahawan ng Talasalitaan
Ibigay ang kahulugan ng salitang may
salungguhit sa pangungusap.
Pagtapatin ang kahulugan ng salita na makikita
sa Hanay B.
Tingnan ang mga larawan
Ano ang ipinakikita ng mga nasa larawan?
Nagagawa nyo din ba ang mga ganito?
Pagganyak na Tanong
Paano pinaghandaan ng
magkakapatid ang mahalagang araw
para sa kanilang ama?
Pakikinig ng mga bata sa
babasahing kuwento ng guro.
ARAW NG MGA AMA
Ang ikatlong linggo ng Hunyo ay pagdiriwang ng
Araw ng mga Ama. Kung sa buwan ng Mayo ay ina
ang pinararangalan, ang buwan ng Hunyo ay sa ama
naman nakalaan. Tuwing sasapit ang araw na ito,
bumabalik sa aking gunita ang isang karanasan.
Hunyo, buwan ng pasukan. Abala ang mga magulang
sa paghahanda ng gastusin para sa mga anak. Abala rin
kami kung ano ang ibibigay na regalo kay Tatay.
Sabado ng hapon noon at wala sina Nanay at Tatay.
Dumalo sila sa pulong ng barangay. Tinawag kami ni
Ate Mayet, ang panganay sa aming magkakapatid.
“Sa isang Linggo na ang Father’s Day. Ano ang
ibibigay natin kay Tatay?”,tanong ni Mayet sa limang
kapatid. “Ano nga ba ang ibinigay natin kay Nanay
noong Mother’s Day?” sabad ni Emman.
“Payong na pula,” sagot agad ni Lot. “Gustong-
gusto niya ang bigay natin. Hayun at dala na niya
ngayon”, dagdag pa ni Lot.
“Kailangan iyong gusto rin ni Tatay. Teka,
hindi ba bago matulog ay nagtse-tsek siya
sa buong bahay pati bakuran? Bigyan
natin siya ng malaking flashlight,”
mungkahi ni Willie.
“Saan naman tayo kukuha ng pambili?” tanong
ni Jun. “Saan pa, di ba sa baon natin. Pasukan
na sa isang linggo. May baon tayo araw-araw.
Bumawas tayo sa baon natin. Ipunin natin para
sa isang Sabado ay makabili na tayo ng regalo,’
mungkahi ni Mos
“Magandang ideya!” papuri ni Mayet.
“Magkano?” tanong niya. Nagkatinginan
ang magkakapatid. “Sampung piso araw-
araw, kaya ninyo?” tanong ni Mos
“Pito tayo kaya P70.00 araw-araw. “Sa limang
araw ay P350.00,” paliwanag ni Willie. “
Iba na ang utak-calculator! Kuha agad,”
sabi ni Lot. “Teka, sa P50.00 na baon,
P40.00 na lang ang matitira. Mahal ang
sandwich ngayon,” paalala ni Jun
“Gumawa na lang tayo ng sandwich. Ako ang
gagawa ng palaman.Sardinas at mayonnaise
ang gagawin ko,” sabi ni Mayet.“Ayan, masarap
pang gumawa si Ate Mayet kaysa sa kantina!
Saka magbaont ayo ng kanin at ulam para
makatipid,” sabi ni Emman
“Malinis pa at hindi pa tayo pipila sa kantina.
May matitira pa sa baon natin.Tutal, naglalakad
lamang tayo papasok sa paaralan,” paliwang ni
Lot. “O, sige, sasabihin ko kay Nanay na
magbabaon na tayo para madagdagan ang
bibilhing manok bukas,” sabi ni Mayet
“Ate gawin mong adobo at lakihan mo ang
hiwa ng manok, ha?” sabi ni Jun. Biglang
nagtawanan ang lahat sa mungkahi ng kapatid.
“Teka,teka sinong mag-iingat ng koleksyon?”
tanong ni Mayet. “Sino pa, di ikaw. Ate ka, di
ba?” biro ni Willie.
Sasagot pa sana si Mayet ngunit narinig
na nila ang boses ng mga magulang. Dali-
daling sumalubong sila sa kanilang nanay
at tatay.Masayang naghapunan ang
pamilya. Hindi rin miminsang nagngitian
ang magkakapatid.
Tanong:
1. Ano ang paksa ng usapan ng magkapatid?
2. Anong regalo ang naisip nilang ibigay sa kanilang
ama?
3. Sa inyong palagay, magugustuhan kaya ng
kanilang ama ang kanilang regalo?
Pangatwiranan.
4. Kung ikaw ang isa sa magkakapatid, ano ang
naiisip mong regalo? Bakit?
5. Ano kaya ang magiging reaksiyon ng ama kapag
natanggap niya ang regalo ng mga anak?
Bakit mo nasabi?
6. Anong magagandang katangian ang ipinakita ng
magkakapatid sa kanilang pag-uusap?
PANGKATANG
GAWAIN
Pangkat I
Gumawa ng isang slogan tungkol
sa pagpapahalaga sa magulang.
Batayan Napakahusay Mahusay Di-gaanongmahusay
(5 puntos) ( 3 puntos) (2puntos)
Nilalaman at Lubos na naipahahayag ang Naipapahayag ang nilalaman at Di-gaanong naipahahayag
organisasyon ng nilalaman at kaisipan na nais kaisipan na nais iparating ang nilalaman o kaisipan na
kaisipan / mensahe iparating nais iparating

Istilo at pamamaraan Lubos na madaling unawain at Madaling unawain at simple ang Di-gaanong madaling
simple ang mga salitang mga salitang ginamit unawain ang mga salitang
ginamit ginamit

Takdang Oras Natapos ang gawain nang Natapos ang gawain nang buong  
buong husay sa loob ng husay ngunit lumagpas sa Hindi natapos ang gawain
itinakdang oras itinakdang oras
Pangkat 2
Isalaysay muli ang kuwento sa
pamamagitan ng dula-dulaan.
Kraytirya Kabuua
n
1. Tinig/boses  
*maliwanag ang pagsasalita Rubrik sa Pagsasadula
*may katamtamang lakas ng boses
Marka:
2. Pagganap  
*maayos ang palitan ng dayalogo
*angkop ang ekspresyon sa Napakagaling – 5 puntos
pagganap Magaling - 4- 3 puntos
3. Paglahok ng mgakasapi  
*Nakiisa ang mga kasapi ng pangkat Magsanay pa – 2-1 puntos
sa pagtatanghal
Pangkat 3
Magbigay ng limang paraan kung
paano ninyo maipakikita ang
pagmamahal sa magulang,
Pangkat 4
Isagawa ang panutong ibibigay
ng guro.
Rubrik sa Pagsunod sa Panuto
Kriterya Oo Hindi
1.Nakasunod sa panuto nang maayos    
2.Maayos at sunod-sunod na naisagawa ang    
bawat panuto

3.Malinis ang ginawa    


4.Nakiisa ang bawat kasapi    
Paglalapat
Pagsunod sa panuto upang
makagawa ng bangkang papel.
Hakbang 1

Kumuha ng isang bond paper.


Itupi ito nang pahalang sa gitna .

Hakbang 2
Muling itupi sa gitna nang pahaba naman
upang magkaroon lamang ng magkaparehong
sukat ang dalawang bahagi ng papel.
Hakbang 3
Itupi ang kaliwa at kanang bahagi ng dulo
ng papel papunta sa gitna. Magtatagpo sa
gitna ang dalawang dulo..
Hakbang 4
Itupi ang ibabang bahagi ng papel sa
magkabilang panig. Itiklop na paloob ang dulo
upang makabuo ng tatsulok na hugis ang papel.
Hakbang 5
Ibuka ang papel upang magkahugis
parisukat.
Hakbang 6
Itupi nang pabukas sa magkabilang
panig upang magkaroon uli ng hugis
tatsulok.
Hakbang 7
Ibukas muli ang papel upang magkahugis
parisukat.
Hakbang 8
Muling itupi ng pabukas sa magkabilang panig upang magkaroon uli ng hugis
tatsulok.
Hilahin pabukas ang magkabilang dulo ng papel na nasa loob. Nakabuo ka ng
bangkang papel.
Paglalahat
Ang pagsunod sa pasalitang panuto ay
kailangan upang maging maayos ang
gawain
Pagtataya
Sundin ang mga panuto na bibigkasin
ng guro. (Sundin ang rubric na ginamit
sa pangkat 4)
• Kumuha ng isang buong papel
• Sa gitna ng papel , gumuhit ng malaking star
• Sa gitna ng star isulat ang inyong baitang at pangkat
• Sa kaliwang taas na bahagi , sa labas ng star isulat
ang buo mong pangalan
• Sa kanang bahagi naman ay isulat ang pangalan ng
iyong gurong tagapayo
Takdang-Aralin
Sumulat ng panuto kung paano ka
nakararating sa paaralan mula sa inyong
tahanan.
Maraming
Salamat sa Pakikinig!
Inihanda ni:

Arvin Joseph C. Puno


Teacher I

You might also like