You are on page 1of 19

Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan

EPP- AGRI 5
WEEK 7

Maria S. Cabrera
Teacher III
Bagbag Elementary School
Pagsasapamilihan Ng Alagaang
Hayop/Isda

Mga Paraan ng
Pagsasapamilihan ng
Produkto
LAYUNIN:
Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay
inaasahan nang;
A. natatalakay ang pagsasapamilihan ng
mga produkto;
B. nakagagawa ng istratehiya sa
pagsasapamilihan ng produkto; at,
C. naipakikita ang kawilihan sa
pagsasapamilihan ng produkto.
BALIK-TANAW
Basahin ang bawat bilang .Piliin ang titik
ng tamang sagot.

1. Ano ang tawag sa hayop na inaalagan sa


likod bahay at pinagkukunan ang mga
produkto tulad ng penoy at balot?
a. Manok c. Pugo
b. Itik d. Tilapya
BALIK-TANAW
2. Anong uri ng isda ang maaring anihin
pagkaraan ng tatlo hanggang apat na buwan?
a. Karpa c. Hito
b. Bangus d. Tilapya

3. Ano ang tawag sa pagpaparami ng kalapati


na kung saan pinababayaan lamang sila na
mamili ng kanilang mapapangasawa?
a. Natural c. Sekswal
b. Artipisyal d. Asekswal
BALIK-TANAW
4. Ano ang tawag sa uri ng manok na
inaalagaan para sa mga itlog nito?
a. Broiler c. White Leghorn
b. Layer d. Lancaster
5. Ito ay isang uri ng hayop na
pinagkukuhanan ng organikong pataba.
a. Kalapati c. Pugo
b. Manok d. Itik
PARAAN NG
PAGSASAPAMILIHAN
PARAAN NG
PAGSASAPAMILIHAN
1. Pakyawan- ang paraang pakyawan ay
nangyayari kapag nagkasundo ang may-ari
at ang bibili bago pa anihin ang produkto.
Ang lahat ng produkto ay makukuha ng
mamamakyaw na siyang magbebenta nito
ng direkta sa pamilihan.
PARAAN NG
PAGSASAPAMILIHAN
2. Lansakan o maramihan- ito ay isang
paraan ng maramihang pagbebenta. Ang
bilihan ay maaaring bawat basket o trey ng
mga itlog. Humahango ng maramihan ang
mamimili upang ipagbili ng tingian sa
palengke
PARAAN NG
PAGSASAPAMILIHAN
3. Tingian- ang paraan ng pagbili ng tingian ay sa kakaunting
bilang batay sa pangangailangan ng mamimili tulad ng:
A. Kilo- ginagamit ang kiluhan sa pagbebenta ng produkto.
Ang ginagamit na basehan ng presyo ay ayon sa timbang ng
produkto tulad ng karne.
B. Bilang- sa paraang ito naman ay binibilang ang produkto na
may nakatakdang presyo. Maaari din namang ipagbili ng
kada dosena.
C. Piraso- ang produkto ay maaaring bilhin ng kada piraso
ayon sa laki. Halimbawa nito ay ang itlog, ang itlog ay
naibebenta ng kada piraso ayon sa laki subalit kung
maramihan na ang pagbili ay nagiging dosena na din ito.
Isu la t a n g TA M A k u ng a n g p a ng u n g u s ap a y
n a g sa sa a d n g k a t o t o h a n a n a t M A LI n am a n ku n g
h in d i.

__________1.
TAMA Ang tingiang pagbebenta ay nakadepende sa
pangangailangan ng mamimili.
TAMA
__________2. May iba’t-ibang paraan ng
pagsasapamilihan ng mga produktong galing sa hayop;
pakyawan, maramihan, tingian at maaari ding online
selling.
MALI
__________3. Ang kiluhan sa pagbebenta ng produkto ay
maaaring ibenta ng dosena.
TAMA
__________4. Maaaring bilhin ng kada piraso ang mga
produktong tingiang bilihan.
__________5.
TAMA Mahalagang sundin ang mga umiiral na
alituntunin sa pagbebenta ng mga produkto.
PANGKATANG GAWAIN: Magbigay ng mga
produkto na puwedeng ipagbili sa pamamagitan
ng mga sumusunod:

Tingian Lansakan o Pakyawan


Maramihan
TANDAAN
Ang pagbebenta ng inalagaang hayop ay
kinakailangang nasa hustong gulang ang mga
ito. Nagdudulot ito ng kita o dagdag kita sa
kabuhayan ng pamilya. May iba’t-ibang
paraan ng pagsasapamilihan o pagbebenta ng
mga produktong galing sa hayop na
inalagaan tulad ng ___________,
__________ at _________
Pakyawan Lansakan o maramihan
Tingian
Bilugan ang titik ng tamang
sagot.

1. Ang pamilya Perez ay may manukan.


Sa paanong paraan nila ipagbibili ang
itlog ng kanilang mga alagang manok?
A. Pakyawan
B. Maramihan
C. Tingian ayon sa kilo
D. Tingian ayon sa bilang
2. Nag-alaga ng tilapia si Mang Nestor,
ano ang pinakaangkop na paraan upang
maibenta niya ang kanyang mga alaga?
A. Lansakan o maramihan
B. Pakyawan
C. Tingian
D. Lahat ng nabanggit
3. Ano ang dapat alamin kapag magbebenta ng
produkto upang hindi malugi at maibenta lahat
ang produkto?
A. Dami ng ibebentang produkto
B. Kasalukuyang presyo ng produkto
C. Timbang ng mga ibebentang produkto
D. Gulang at laki ng ibebentang produkto
4. Mag-aalaga ng hayop si Mang Tony upang
pagkakitaan. Ano ang dapat na gagawin niya sa
kanyang mga puhunan at gastusin?
A. Tatandaan ang halaga ng kanyang puhunan.
B. Ilista ang kanyang mga gastusin sa pag-aalaga.
C. Magkaroon ng talaan ng puhunan at gastusin.
D. Lahat ng nabanggit
5. Ano ang kahalagahang dulot ng kaalaman sa
pagtutuos ng puhunan, gastos at kita?
a. Upang malaman ang puhunang ihahanda susunod na
pag-aalaga
b. Upang mapaghandaan ang mga gastusin sa pag-aalaga.
c. Upang malaman kung tumubo o nalugi sa pag-aalaga
ng hayop.
d. Upang maplano ang pagbebenta ng mga alagang hayop
Salamat sa pakikinig !

You might also like