You are on page 1of 6

EDUKASYON SA PAGKA-TAO

AT PAGPAPAKATAO 7
MS. ERLIN B. DAGATAN
KABATAAN: UNA SA LAHAT,
PANANAGUTANG PANSARILI
ARALIN I
IPROSESO NATIN
1. Ano-ano ang mga napapansin ni Alrick sa kanyang sarili nang siya ay
nagiging bahagi na ng Grade 7? Isa-isahin ang mga ito.
2. Ito ba ay nangyayari na rin sa iyo bilang nagbibinata / nagdadalaga?
Ipaliwanag.
3. Magbigay ng mga kakaibang nararanasan hingil sa pagbibinata /
pagdadalaga?
4. Papaano tinanggap ng ina ni Alrick ang kanyang mga tanong? Patunayan.
5. Ano-anong mga pananagutan ang dapat gawin ng isang nagbibinata /
nagdadalaga sa kaniyang mga nararamdamang pagbabago?
MAGULO, PERO MASAYA!
Maagang nagising si Alrick. Simula na ng kanyang pagpasok, sa Grade 7. Unang araw ng pasukan at excited siya sa
araw na ito. Pagbangon niya mula sa higaan ay napansin niya na may malaking pagbabago sa kanyang boses lalo na nang
kausapin siya ng kaniyang ina.

“Alrick, kumusta na ang anak ko? Okay ka ba ngayong ika’y nasa Grade 7 na?” tanong ng kaniyang ina.

“Opo, sagot naman ni Alrick. May napansin lang po akong pagbabago sa aking sarili. Medyo pumipiyok po ang aking
pagsasalita, may tumutubong bukol sa bandang lalamunan ng aking leeg at nahihiya akong makipaghalubilo sa aking mga
kaklase. Ano po kaya ang mga sinyales na ito? Normal po ba ito sa akin na sinasabi nilang nagbibinata na? Tila ako ay
naguguluhan, pero nasisiyahan naman ang aking kalooban.” tanong ni Alrick.

“Oo, anak tama ka. Iyan ay mga palatandaan na ikaw ay nagbibinata na. Huwag kang mag-aalala. Lahat ng mga
nagbibinata o nagdadalaga ay nagkakaroon ng pagbabagong nararamdaman sa kanilang sarili. Kasama pa dito ang kanilang
emosyon at ang kanilang pakikitungo sa lipunan na kanilang gagalawan. Normal lang lahat ng iyan.”

“Makaiigi pala na kami bilang kabataan ay maging responsible sa lahat ng aming mga gawain, sasabihin at iisipin.
Hayaan nyo at isasaisip ko itong palagi.” sabat ni Alrick.

“Salamat naman anak. O, siya, baka mahuli ka sa klase.”


UNAWAIN AT PALALIMIN NATIN

PANUTO: BUMUO NG ISANG GRAPHIC ORGANIZER NA KAKIKITAAN NG


MGA NARARANASAN MONG MGA PAGBABAGO SA IYONG ASPEKTONG
PISIKAL, EMOSYONAL AT SOCIAL.

KUMUHA NG KAPARTNER NA MAKAKAUSAP AT MAKIPAGBAHAGINAN


HINGGIL SA PAGLALARAWANG PANSARILI.

ISULAT ANG SAGOT SA ISANG PIRASONG PAPEL O KWADERNO.


UNAWAIN AT PALALIMIN NATIN

ASPEKTONG
PISIKAL

ANG
AKING
SARILI
ASPEKTONG
ASPEKTONG
SOCIAL
EMOSYONAL

You might also like