You are on page 1of 8

Filipino Bilang Larangan at

Filipino sa Iba’t Ibang Larangan


DISIFIL 2020-2021
Module 1C_Part 2
Katangian ng Tekstong Akademik
• Tinatawag na tekstong akademik ang mga babasahing ginagamit sa pag-aaral
ng iba’t ibang disiplina tulad ng Agham Panlipunan, Agham,Teknolohiya at
Matematika at Humanidades
• Tekstong naglalaman ng mga impormasyong magagamit ng mambabasa sa
pagtuklas ng maraming antas ng karunungang makukuha mula sa kanyang
pag-aaral
• Malapit sa naghahangad ng kaalaman
• Hawak ng lahat ng tumutuklas ng kaalaman sa paaralan
• Humuhubog sa puso ng tao
• Hinuhubog ng teksto na maging konkreto at batay sa katotohanan ang pag-
aanalisa sa bagay
• iskolarli

Garcia, L., et al. (2008). Kalatas: Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik (Binagong Edisyon).
Cabanatuan City, Philippines: Jimcy Publishing House.
A. Agham Panlipunan
• Tumutukoy sa isang pangkat ng disiplinang pang-akademiko na nakapokus sa
pag-aaral ng iba’t ibang aspekto ng mundo
• Binibigyang-diin dito ang mga kaparaanang agham at mahigpit sa mga
pamantayan ng mga ebidensya sa pag- aaral ng sangkatauhan
• Sa pagtalakay ng mga paksa sa ilalim ng disiplinang ito, maaaring gumamit ng
mga kaparaanang nabibilang (quantitative) at pangkatangian (quantitative).
• Pag-aaral ng tao at ang pag-uugnay ng tao sa ibang pangkat na may ibang
kultura

Aganon, R.S., Manzano, D.L., & Cura, A.C. (2019). Filipino sa iba’t ibang disiplina.Bulacan:St.
Andrew’s Publishing,Inc.
A. Agham Panlipunan
Katangian ng mga Teksto sa Agham Panlipunan
• non fiksyon/ faktwal
• tiyak at iisa ang bokabularyong ginagamit
• teknikal ang terminolohiyang ginamit
• may glosaryo
• ang himig at tono ay pormal at may pagkiling sa bahaging pinatutunayan/may
sapat na ebidensya
• ang figyur ng ginagamit ay eksakto at hindi tinantya o tinaya
• bunga ng pag-aaral at pananaliksik ang resulta
• ang paraan ng pagpapahayag: nagpapaliwanag at nangangatwiran
• Sosyolohiya, Negosyo, Ekonomiks, Arkeolohiya, Antropolohiya, Sikolohiya,
Edukasyon, Abogasya, Kasaysayan

Garcia, L., et al. (2008). Kalatas: Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik (Binagong Edisyon).
Cabanatuan City, Philippines: Jimcy Publishing House.
B. Humanidades

• mga araling pantao ang tawag sa mga disiplinang pang- akademiko na


nakapokus sa mga pag-aaral ng kondisyong pantao.
• ginagamitan ng malawakang pagsusuri (kritik), pagpuna (analitik) at
pagbabakasakali (espekulatibo)
• Itinuturing ang disiplinang ito bilang “pag-aaral hinggil sa sangkatauhan” o
“likas na pagkatao ng tao” o ang “pag-aaral ng pagiging tao.”
• Nakasentro sa damdamin, paniniwala, kaisipang basal

Aganon, R.S., Manzano, D.L., & Cura, A.C. (2019). Filipino sa iba’t ibang disiplina.Bulacan:St.
Andrew’s Publishing,Inc.
B. Humanidades
Katangian ng mga Teksto sa Humanidades

• Nasa anyong fiksyon at di fiksyon


• Bunga ng malikhain at mayamang imahinasyon at guniguni
• Maikling kwento, drama at nobela, tula,awit at pelikula (fiksyonal)
• Talambuhay,sanaysay,ulat (non-fiksyon)
• Dayalektal,idyomatiko,patayutay at makaluma ang pananalita
• Salita at imahinasyon ang ginagamit at hindi grap o tsart
• Panitikan, Pilosopiya, Relihiyon, Sining, Musika, Arkitektura, Pagpipinta,
Wika
Garcia, L., et al. (2008). Kalatas: Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik (Binagong Edisyon).
Cabanatuan City, Philippines: Jimcy Publishing House.
C. Likas na Agham/ Agham Pisikal

• Itinuturing din itong likas na agham.


• Ito ay ang pag-aaral sa pisikal na aspekto ng daigdig at sansinukob.
• Tinatangka nitong ipaliwanag ang mga gawa ng mundo sa
pamamagitan ng mga natural na proseso sa halip na nakasalalay sa
relihiyon.
• Higit nitongsinusunod ang mga pamaraang makaagham salungat sa
mga pilosopiyang pangkalikasan o sa agham panlipunan.

Aganon, R.S., Manzano, D.L., & Cura, A.C. (2019). Filipino sa iba’t ibang disiplina.Bulacan:St.
Andrew’s Publishing,Inc.
C. Likas na Agham/ Agham Pisikal
Katangian ng mga Teksto sa Likas na Agham
• faktwal o di-piksyon ang kaisipan
• kadalasang naglalarawan,nagpapaliwanag o nangangatwiran
• ang mga terminolohiya ay kombensyonal, makabago at napapanahon
(teknikal)
• gumagamit ng mga grap, tsart at larawan
• gumagamit ng glosaryo ng mga termino
• may sanggunian ng awtor
• Matematika, Pisika, Biyolohiya, Agrikultura, Heolohiya, Inhenyeriya,
Astronomiya

Garcia, L., et al. (2008). Kalatas: Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik (Binagong Edisyon).
Cabanatuan City, Philippines: Jimcy Publishing House.

You might also like