You are on page 1of 21

PAGIGING

MABUTING
TAO

EsP 7- Ikatlong Markahan, Week 4


Gawain 1: Alamin Natin
Panuto: Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot. Isulat ang sagot sa sagutang
papel

1. Ito ay tumutukoy sa pagbibigay halaga sa mga bagay na tumutugon sa pangunahing pangangailangan ng tao at sa
mga bagay na maituturing marangya o luho. a. Banal na pagpapahalaga
a. Pambuhay na pagpapahalaga
b. Ispiritwal na pagpapahalaga
c. Pandamdam na pagpapahalaga

2. Sa Hirarkiya ng Pagpapahalaga, alin sa mga ito ang pinakamataas?


a. Pandamdam na pagpapahalaga
b. Ispiritwal na pagpapahalaga
c. Banal na pagpapahalaga
d. Pambuhay na pagpapahalaga
3. Nasanay si Myrna na palaging nasusunod ang anumang naisin niya dahil ang kanyang mga magulang ay nasa ibang
bansa. Madalas din itong bumibili ng mga bagay kahit pa hindi naman niya ito kailangan. Sa iyong palagay, nasa anong
antas ng pagpapahalaga si Myrna?
a. Banal na pagpapahalaga
b. Ispiritwal na pagpapahalaga
c. Pambuhay na pagpapahalaga
d. Pandamdam na pagpapahalaga
4. Sa Hirarkiya ng Pagpapahalaga, alin dito ang matatagpuan sa pinakamababang antas?
e. Ispiritwal na pagpapahalaga
f. Pandamdam na pagpapahalaga
g. Banal na pagpapahalaga
h. Pambuhay na pagpapahalaga
5. Ayon kay Scheler, ang hirarkiya ng pagpapahalaga ay ganap lamang na maiintindihan ng tao gamit ang kaniyang puso
sapagkat ang puso ay may kakayahang magbigay ng katwiran na maaaring hindi sakop ng pag-unawa ng isip. Ang
pangungusap ay______________.
a. Tama b. Mali c. Titik A at B d. Wala sa nabanggit
Sa ating nakaraang aralin, tinalakay natin ang bawat antas sa Hirarkiya ng Pagpapahalaga
ayon kay Max Scheler. Binigyan din ng kahulugan ang bawat antas ng pagpapahalaga.

Banal na Pagpapahalaga
o Holy Values
Ispiritwal na
Pagpapahalaga o Spiritual
Values
Pambuhay na
Pagpapahalaga o Vital
Values
Pandamdam na
Pagpapahalaga o Sensory
Values
Sa bahaging ito ng aralin, alamin kung paano mo masasabi na
ang isang pagpapahalaga ay mataas o mababa. Matututunan
mo rin naman ang Limang Katangian ng Mataas na
Pagpapahalaga.
Mga Pagpipilian Ang Aking Pinili Dahilan ng Pagpili
Magsimba o Pumunta sa mall
sa araw ng Linggo

Kakain kasabay ng Pamilya o


Gagala kasama ang barkada
Sumagot ng Sipacks o
Manood ng paboritong
telenovela
Sagutin ang mga sumusunod na tanong?

1. Sa iyong palagay, tama ba ang iyong mga napili?


Bakit?
2. Ano ang iyong naging pamantayan sa ginawang
pagpili?
PAGIGING MABUTING TAO

Sa karaniwang tao, ang pagpapahalaga ay tumutukoy sa isang bagay na


mahalaga sa buhay. Ito ay tumutukoy rin sa anumang mabuti. Ang mabuti ay
ang mga bagay na hinahangad at ang pinaghihirapang pagpapahalaga ay
obheto ng ating intensyonal na damdamin. Ang mga halimbawa nito ay
paggalang sa matatanda, pagiging makapamilya, dangal at puri, kasiyahan sa
mga kaibigan, paggalang sa buhay, pagsunod sa magulang at iba pa. Ang mga
pinipili nating mga pagpapahalaga ang huhubog sa atin upang maging
mabuting tao.
Ang pagiging mabuting tao ay naipapakita sa
iba’t ibang gawain. Ang pagpili ng mga bagay na
makabubuti sa buhay ay isa sa mga gawain na
nagsasabi na ikaw ay isang mabuting tao.
Basahin ang acronym sa ibaba, ipinapakita nito
ang mga katangian at kilos ng isang mabuting
tao:
M-agiliw sa pakikitungo sa kapuwa
– A-ktibong mag-aaral at mamamayang Pilipino
– B-uong pusong nananalig sa Diyos
– U-miiwas sa bisyo at gulo
– T-aimtim na nagdarasal sa tuwina
– I-niiwasan ang pagsasalita ng masama sa kapuwa
– N-aglalayon ng kabutihan ng sarili at kapuwa
– G-inagawa ang mabuti sa lahat ng pagkakataon

– T-ama sa oras sa paggawa ng mga gawain sa paaralan at tahanan
– A-ngat sa kalinisan sa sarili at kapaligiran
– O-k na ok sa pagiging tapat na tao
Sa pandemyang naranasan natin, natutuhan nating
suriin ang mga antas ng pagpapahalaga. Sinubok ng
COVID-19 ang ating mga pinapahalagahan.
LIMANG KATANGIAN NG MATAAS NA
PAGPAPAHALAGA

Bago lubos na maunawaan ang hirarkiya ng


pagpapahalaga, kailangan munang maunawaan kung
ano ang mga pamantayan sa pagpapasiya sa antas nito.
Sumulat si Max Scheler ng Limang Katangian ng Mataas
na Pagpapahalaga (mula sa tesis ni Tong-Keun Min na
“A Study on the Hierarchy of Values”).
Una, Mas tumatagal ang mas mataas na pagpapahalaga kung
ihahambing sa mababang mga pagpapahalaga. Halimbawa,
Ang paggastos ng pera upang ibili ng aklat ay mas mataas
kaysa sa ipambili ito ng bago at nauusong sapatos. Mas
tumatagal ang kaalaman na makukuha sa aklat kaysa sa
kasiyahan ng pisikal na katawan dahil sa bagong sapatos. Ang
pagpapahalaga ay nasa mataas na antas kung hindi ito
kailanman mababago ng panahon (timelessness or ability to
endure) .
– Ikalawa, mas mahirap mabawasan ang kalidad ng
pagpapahalaga. Kahit pa dumarami ang nagtataglay nito,
mas mataas ang antas nito. Halimbawa, ang pagpapahalaga
ng materyal na bagay ay lumiliit habang nahahati ito, ngunit
ang pagpapahalaga sa karunungan ay hindi nababawasan
kahit pa mahati ito o ipamahagi sa napakaraming tao. Ang
pagpapahalaga ay nasa mataas na antas kung sa kabila ng
pagpasalin-salin nito sa napakaraming henerasyon,
napananatili ang kalidad nito (indivisibility).
– Ikatlo, mataas ang antas ng pagpapahalaga kung ito ay
lumilikha ng iba pang mga pagpapahalaga. Ito ay nagiging
batayan ng iba pang mga pagpapahalaga. Halimbawa, ang
isang tao na nagtatrabaho sa ibang bansa na tinitiis ang
lungkot, pangungulila at labis na pagod upang kumita nang
sapat na salapi; ginagawa niya ito upang mapagtapos sa
pagaaral ang kaniyang anak. Para sa kaniya, mas mataas na
pagpapahalaga ang mapagtapos ang kaniyang anak sa pag-
aaral kaysa sa kaniyang pagsasakripisyo at pagod.
– Ikaapat, may likas na kaugnayan ang antas ng
pagpapahalaga at ang lalim ng kasiyahang nadarama
sa pagkamit nito. Sa madaling salita, mas malalim
ang kasiyahan na nadarama sa pagkamit ng
pagpapahalaga, mas mataas ang antas nito.
Halimbawa, mas malalim ang kasiyahan ng pagsali sa
isang prayer meeting kaysa sa paglalaro ng basketball
(depth of satisfaction).

– Ikalima, ang isang pagpapahalaga ay nasa mataas na
antas kung hindi ito ay nakabatay sa organismong
nakararamdam nito. Halimbawa, Si Roselle Ambubuyog
ang kauna-unahang bulag na mag-aaral ng Ateneo
University na nakakuha ng pinakamataas na karangalan
bilang Summa Cum Laude sa kursong BS Mathematics.
Hindi naging hadlang ang kaniyang kapansanan upang
siya ay makatapos ng pag-aaral. Ang kaniyang pagnanais
na magtagumpay sa kaniyang larangan ay higit na mataas
kaysa sa kaniyang pisikal na kapansanan.
Mga Gawain:

Gawain 3: Ano ang Pinapahalagahan ko?


Panuto: Bilang isang kabataan, mayroong mga bagay ang binibigyan mo ng pagpapahalaga. Ano-ano
ang mga bagay na ito? Isulat mo ang mga ito sa unang kolum sa ibaba. Sa ikalawang kolum naman,
piliin kung mataas na pagpapahalaga o mababang pagpapahalaga ang binibigay mo para dito.
Pagkatatapos, sa ikatlong kolum, isulat ang naging kilos mo sa pagbibigay mo ng halaga sa mga bagay
na ito. Gamiting gabay ang halimbawa sa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Mga Bagay na Mataas Na Pagpapahalaga/ Naging Kilos Mo
Binibigyang Halaga Mababang Pagpapahalaga

Halimbawa: Pag-aaral Mataas na Pagpapahalaga Naging matalino sa


pagpapasya
1.

2.

3.

4.

5.
Gawain 4: Suriin ang Pinapahalagahan

– Panuto: Sa panahon ng mga pagsubok tulad ng pagkakaroon ng pandemya, ano ang iyong
mga pinahalagahan? Gamitin ang matrix sa ibaba sa pagsusuri ng pagpapahalaga. Sukatin
ang mga inilistang mga pagpapahalaga gamit ang mga indicators o tanong. Gamitin ang
numero 1 bilang pinakamababa at 3 ang pinakamataas.

– Indicators:
1 -pinakamababa na antas
2- mataas na antas
3- pinakamataas na antas
Pagpapahalaga Mas tumatagal Mahirap bang Lumilikha ba ito ng May kasiyahan bang
ba ito? bawasan ang iba pang dulot sa
kalidad nito? pagpapahalaga? pagpapahalaga mo
nito?

Hal.
2 1 2 3
1. pakikipagusap sa
mga kaibigan

2.

3.

4.

5.
Sagutin ang ating unang Summative
Test na ipapadala sa inyo sa araw ng
Biyernes. Huwag kalilimutang isulat
ang pangalan at baitang.

You might also like